Chapter 22.

50 2 0
                                    

"Ashton? Asan ka?"

"Sa office pa. Pero pauwi na din ako. Mga .. 15mins. Why?"

"Punta ka dito mamaya. Hintayin kita, bye."

Nandito na ako ngayon sa condo. Galing na ako kay Mr. Jones. And .. its a job well done for me. Magkakaroon narin ako ng sarili kung bar sa tulong ni Mr. Jones. Nagustuhan nya kasi ang proposal ko.

I should celebrate. Pero hindi ko magawa. Sya na naman naiisip ko. Hindi ako handa! Hindi ko napaghandaan ang pagkikita namin ulet!

"Arrrgg! Shit!"

Kanina pa ako mura ng mura. Sinasabunutan ko na nga sarili ko dahil sa sobrang inis. Bakit kelangan pa nyang magpakita?!

Tumayo ako at kumuha ng can beer. Yup. Nag iinum ako ngayon mag-isa. Tagal kasi ni Ashton eh. Naka 3 can na ako.

Naubos ko na yung pangatlong can kaya tumayo ako at pumunta sa kusina. Naisipan ko kasing magluto ng pulutan.

After 15-20 mins, tapos na ako magluto. Sakto naman na may kumatok. Si Ashton na siguro...

"Hi" bumungad sakin ang mukha ni Ashton na mukhang pagod na pagod. Naka coat pa sya. Pinapasok ko na sya at sinara ang pinto.

"Wow. Umiinum ka? Mag-isa?" Tanung nya habang hinuhubad ang coat nya.

Ngumiti lang ako at naupo sa tabi nya. Kinuha ko yung mga inumin at nilapag sa table.

"Here. Lets drink." Kinuha naman nya yung beer na inabot ko at ininum.

"What's the occation Trishia?"

"Ahh .. haha. Remember Mr. Jones? He said yes to mg proposal kanina lang."

"Woooh. Galing mo talaga .. congrats. Ako dapat ang una mong customer sa bar mo ah? Haha" Tinapik nya ako sa braso at tumawa.

"Bakit parang ... hindi ka naman masaya Trishia?"

"Huh? Of course masaya ako. Kaya nga tayo nag inum ngayon dba? Haha."

Sige lang Trishia .. itawa mo lang ang sakit. Maganda yan ..

"What is it? Tell me .." napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumayo. Nakalimutan ko, si Ashton nga pala kasama ko ngayon. Haha. Kelan nga ba ako nakalusot sa kanya? Tsk!

"A--ang alin? Wala naman akong saaabihin eh. O--okay lang ako."

Umalis ako at dumungaw ako sa veranda. Ang lamig ng hangin .. kasabay ng paghampas sakin ng hangin ay tumulo ang luha ko.

Hindi ko na kayang pigilan. Nasasaktan na naman ako.. :((!

"See? I know your not okay. Dont worry, Im here." Napalingon ako kay Ashton at niyakap ko sya.

"N--nakita ko sya. Andito na sya u--ulet."

"Anong sabi nya sayo?"

"Tinanung nya ako .. kung m-mahal ko pa ba daw sya. S--sabi ko hi--hindi na. Pero Bakit ang sakit parin? Bakit Ashton? Huhu"

Hinaplos nya ang likod ko at hinalikan ako sa ulo. Somehow, nakakagaan din ng kunti ang ginagawa ni Ashton.

Kaya medyo kumalma na ako. Umalis ako sa yakap nya at bumalik sa sofa. Sumunod naman sya..

"Nasasaktan ka kasi mahal mo parin sya. At hindi mo kayang lokohin ang sarili mo. Di ba Trishia?" Napalingon ako dahil sa bigla nyang pagsasalita.

"Hindi na Ashton. Hindi ko na dapat sya mahalin. Yun ang tama di ba?"

"Yun ang tama pero hindi mo magawa. Kasi hindi mo pwdng turuan ang puso mo."

Pinunasan ko ang luha na nagsimula na namang tumulo sa mata ko. Tama sya ..

I wont give up...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon