Chapter 6.

69 3 0
                                    

"I miss you Trishiaaa .. wahh. Ang ganda mo na ah?"

 ̄ˍ ̄

Maganda talaga? Eh di wow!

Nag end na pala ang summer. And yes, back to school na kami. Actually first day of school namin today. At first day namin to as 4th year. Waahh! So excIted !! XD

At ngayon nalang din kami nagkita ulet ni Alice. Galing silang Japan ng family nya eh. Wala parin syang pinagbago .. maingay parin.

"Alam mo, nakapunta ka lang ng Japan galing mo na mambola."

"Hindi naman kita binubola ah? Im serious here ^_^" tinawanan ko nalang sya. Nag pacute eh.

"Wait .. may pasalubong ako for you. Eto oh :))" sabay abot nya dun sa isang malaking paper bag. Kinuha ko naman yun galing sa kanya.

"Thanks Alice. Buti naman di mo nakalimutan haha. Pero .. parang ang dami naman ata neto."

"Its okay. Si mama pumili ng iba eh."

Nagkwentuhan lang kami dun. Sinabi nya sakin lahat ng nangyari sa Japan. Naikwento rin nya sakin na may nanligaw daw sa kanya na Hapon dun.

Hindi nya sinagot kesyo hindi daw sila nagkakaintindihan. Haha .. kahit kelan talaga si Alice.

Naputol ang kwentuhan namin nang tinawag ako bigla ni Jasper, classmate namin.

"Gomez may naghahanap sayo sa labas."

Nagtaka naman ako. Tinuro ko pa sarili ko to make sure na ako nga. Malay mo may ibang Gomez dba?

Tumango sya sakin na ibig sabihin ay ako nga. Kunot noo naman akong tumayo.

Sino naman kayang naghahanap sakin?

Sumunod sakin si Alice papuntang labas. Nagulat ako sa nakita ko sa labas. Hindi ko enexpect na pupuntahan nya ako dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tumingin muna sya sa paligid bago humarap sakin at sumagot.

"Ahm .. sabi kasi ni Ate isabay daw kita pauwi. Kaya pinuntahan kita. Baka kasi mauna ka na. Nakalimutan ko rin phone ko eh :)."

That smile. Hayy. Nahuhulog na talaga ako lalo sa kanya.

Kung nagtataka kayo kung bat close na kami .. i will explain. Tsaka hindi naman talaga kami super close. Saktohan lang.

Naging close kami nung summer. Lage ko syang nakakausap. Dun ko din narealize na mabait nga sya.

At sa halos araw araw na kasama ko sya, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. At ayokong aminin sa kanya ang totoo.

Masaya na ako na friends kami. Atleast nakakasama ko sya at nakakausap.

Nalaman ko din yung reason kung bakit nagalit sya sakin nung tinawag ko syang Ken.

Kasi .. naalala daw nya ang EX nya. Ang ex nya na pinagpalit sya aa BESTFRIEND nya. Saklap dba?

So ayun nga yung story...

"Hey Trishia.. are you okay?" Ay shitness! Natulaley na naman pala ako.

Nilingon ko si Alice na ngayon ay mukhang worried ang itsura. Nginitian ko sya.

"Yes im okay. Sorry."

"So who is he?" Napatingin din ako kay Ken na tinuro ni Alice. Andito pa nga pala sya. Tsk! Trishia naman.

Tiningnan ko ulet si Alice na naghihintay ng sagot ko. Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanya ang tungkol kay Kenneth.

"Ken, hintayin mo nalang ako mamaya sa parking ah? Dun nalang tayo magkita." sabi ko kay Ken.

Tumango sya sakin. Nag bye at umalis na. "Teka lang! Hin--"

Tinakpan ko na yung bibig ni Alice. Ang ingay eh. Hinila ko sya papasok sa room at pinaupo.

"Bat di mo ako pinakilala dun? Boyfriend mo ba yun?" Yan na nga ba sinasabi ko eh. Ang dami nyang tanung.

"I will explain. Una, HINDI ko sya boyfriend okay? Yun lang wala ng pangalawa. Haha."

"Ang corny Trish. It's not funny. Seryoso ako. Sino yun?"

"Okay fine. KJ nito :/. His name is Kenneth Reyes. Kaibigan ko sya. Nagkakilala kami nung summer. Dito narin sya nag aaral."

Nangalumbaba naman sya tapos sumimangot. Tumingin ako sa kanya with anong-problem-look.

"Yun lang? As in friends lang talaga kayo nun? I mean .. he's cute dba?"

I know exactly what she mean. Hayy.. better tell her narin. Hindi pwdng ako lang ang nakakaalam sa feelings ko, masyadong mabigat.

"Alright. Alam ko naman kung anong ibig mong sabihin eh. Tama ka, gwapo sya. At hindi imposibleng hindi ko sya magustuhan."

"So you like him ? :)" nakangiting tanung sakin ni Alice.

Ngumtiti din ako sa kanya ..

"Hindi Alice.. hindi ko sya gusto."

"Say WHAT? AS IN?!"

Napatakip ako sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Alice. Napalingon nga samin lahat ng kaklase namin eh.

"Nasa kabilang building ba kausap mo Alice? Tingnan mo oh? Agaw pansin ka. "

Tumingin naman sya sa paligid at nag peace sign.

"Eh kasi ikaw eh.. " tinaasan ko sya ng kilay.

"At bakit ako?"

"Magulo ka kasi. Bat hindi mo sya gusto eh sabi mo pa nga na imposibleng hindi mo sya magustuhan dba?"

Nginitian ko sya ulet. Medyo lumapit ako sa kanya para marinig nya ng maayos ang sasabihin ko.

"Hindi ko sya gusto Alice. Kasi .. mahal ko na sya. MAHAL ko na si Ken Alice."

Lumaki ang mata nya dahil sa sinabi ko. Alam ko .. kahit ako din naman nagulat sa nararamdaman ko.

Hindi ko akalain na mapamahal agad ako sa kanya ng ganun kabilis. Ni wala man lang syang ginawang effort.

Yung tipong ngingitian lang nya ako, ang laki na ng impact sakin nun. Natutuwa na ang puso ko pag ganun sya.

What to do? Wala na .. hahayaan ko nalang na mahulog ako sa kanya. Mawawala din naman siguro to.

I hope so ..

I wont give up...Where stories live. Discover now