Chapter 14.

50 1 0
                                    

"Trishia .. kelan alis mo? Yung exact date talaga?"

Kausap ko ngayon si Alice sa phone. Nagsimula na sya mag work sa isang hotel, ang saya ko nga for her eh :)).

"Next day na Alice. Sayang hindi man lang tayo pwdng magkita bago ako umalis."

"Im sorry. Busy na kasi talaga eh. Training pa ako."

"Haha. Its okay. Basta, mag iingat ka palage ah? Galingan mo. *-*"

"Ou naman. Ikaw din ah? Goodluck. Panu baba ko na to ah? Bye Trish .. labyouooo mwaahh :**"

"Bye Alice." Pagkababa ko ng phone, naupo ako sa kama ko. Nilibot ko yung maliit kung kwarto at napangiti.

Mamimiss ko to ..

Aalis na ako sa susunod na araw. Push ko na to. Ang dami kung mamimiss sa pag alis ko.

Shucks!!

O_o

Ou nga pala!

Pupunta nga pala ako ngayon kina ate Chelsea! I almost forgot!!

Nagmadali akong bumaba at nagpaalam kay manang. Nagmadali akong pumara ng taxi. Saglit lang din nakarating na ako sa kanila.

Pumasok ako at naabutan ko si Ate Chelsea na nakaupo at parang balisa.

"Ate Chelsea?" Napalingon sya sakin at nanlaki ang mga mata!

"Gosh what took you so long Trishia?! Tinawagan kita pero busy ang number mo. Malalate ka na!!"

Hindi ko sya gets kaya kumunot lang ang noo ko at nagtaka.

"Malalate? San po?"

"Ngayon ang alis ni Kenneth! Nasa airport na sya. At kung aalis ka na now na, im sure maabutan mo pa sya. "

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

WHAT?

Aalis na si .. si KEN?! OH CRAP!!

Napatingin ako kay ate Chelsea at napatunganga!

"Seriously? Tutunganga ka nalang ba jan? Go now Trishia!"

Wala ako sa sariling tumakbo palabas ng bahay ni Ate Chelsea at nagpara agad ng taxi. Kinakabahan ako na parang ewan.

Napatingin ako sa sarili ko at dun ko lang narealize na nakapambahay lang pala ako!

Shitness!

Well, i dont care. Kelangan kung maabutan si Ken. I need to see him.

----

Pagdating ko sa airport, nakita ko agad si Ken. Nakaupo sya at naghihintay ng oras para sa flight nya.

Anong sasabihin ko?

Hindi ko namalayan na unti unti na pala akong lumalapit sa pwesto nya. Feeling ko , Hindi ko pa kayang lumapit sa kanya ...

Narinig kung tinawag na ang lahat ng pasahero papuntang Singapore kung saan pupunta si Kenneth.

Nakita kung tumayo sya at inayos ang bagahe nya. Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko bigla ..

"Ken .."

mahina kung tawag sa kanya. Wala akong lakas kaya halos pabulong lang ang pagtawag ko sa kanya.

Pero hindi ko akalain na narinig pala nya yun kaya napalingon sya sa kinatayuan ko.

Kunot noo syang lumapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti ako habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko. Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan sya.

"Ken .. please wag kang umalis." Yun ang unang lumabas sa bibig ko kaya wala na akong paki.

Hinawi nya ang kamay ko at tumingin sakin ng deretso.

"Stop that nonsense Trishia. Hindi ka na dapat pumunta dito. Aalis na ako .."

Tumalikod na sya para umalis pero pinigilan ko sya at pinihit paharap sakin.

"Ken .. bago ka umalis, sabihin mo naman sakin na hintayin kita. Please .. sabihin mo lang yun at gagawin ko. Hihintayin kita .. please. Please tell me na minahal mo din ako higit pa sa kaibigan. Please .. :(("

Alam kung sobrang katangahan ang mga pinagsasabi ko ngayon. Pero bahala na, malay mo di ba?

Wala na akong pakialam kung wala ng pride na matira pa sakin dahil sa ginagawa ko ngayon. Mahal ko si Ken .. mahal na mahal.

At kahit lumuhod pa ako aa harap nya, kaya kunv gawin yun.

"Trishia .. hindi mo ko kelangang hintayin at wag na wag mo akong hintayin. Wala kang maasahan sakin. At pwd ba? Ilang beses ko pa bang dapat sabihin sayo na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo? Gusto mong malaman kung minahal kita? Ou.. minahal kita bilang KAIBIGAN! Please kalimutan muna ako. I dont deserve your love. Bye!"

Naiwan ako doon na nakahilata at umiyak ng umiyak. All eyes on me. Galing .. baka naman mag trending ako nito.

Kahit ayaw nyang hintayin ko sya, hihintayin ko parin sya. Maghihintay parin ako.

Kahit ilang ulet nya pa akong saktan, hindi ako magagalit at magsasawa sa kanya.

Love is sacrifice .

Minahal nya ako .. ang saya ko na sana eh. Kaso bilang KAIBIGAN! Tagos sa buto yung sakit. Tagos na tagos <//3. Huhu!

"Trishia!"

Mula sa pagkayuko, napaangat ako sa tumawag sakin. He look so worried at hingal na hingal sya.

Tumakbo ba sya papuntang airport?

Nilahad nya ang kanyang kamay sakin. Ngumiti ako at kinuha ang kamay nya.

Pagkatayo ko, bigla nalang nya akong niyakap ng sobrang higpit. Dahil sa ginawa nya .. bumuhos ulet ang luha ko.

Sa panahon na sobrang down ko na, andito sya palage sa tabi ko. Kahit kelan hindi nya ako iniiwan.

Lage nyang pinaparamdam sakin na hindi ako nag-iisa.. na anjan lang sya palage para sakin.

Ramdam ko sa yakap nya ang kagustuhan nyang mapasaya ako. Na gustuhin nyang sya ang masaktan kesa sakin.

Maswerte parin ako kahit papanu. Kasi iniwan man ako ng ibang tao, alam ko naman na hinding hindi nya ako iiwan.

Kahit nasasaktan ko na sya ..

"Iiyak mo lang yan. Im here .. hindi kita iiwan hanggang sa maging okay ka na."

Umiyak pa ako lalo at niyakap sya ng mahigpit.

"Ashton. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. :(("

Nasabi ko nalang at hinayaan na ibuhos lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak.

I wont give up...Où les histoires vivent. Découvrez maintenant