Chapter 7.

74 3 0
                                    

Sabay kami umuwi ni Ken that time. Actually lage kaming sabay. Kasi yun ang gusto ni Ate. Baka nga napilitan lang si Kenneth eh.

At simula rin nung araw na sinabi ko kay Alice ang tungkol sa feelings ko for Ken, hindi na nya ako tinigilan.

Lage nya akong tinatanung kung bakit ko daw sya minahal, anong meron sa kanya .. basta ang dami nyang tanung.

Sa bawat araw na nagdaan, mas lalo akong napamahal kay Ken. Hindi ko alam kung tama pa ba lahat ng nararamdaman ko.

Bumalik na nga pala si tita sa ibang bansa. Pero hindi na ako nag iisa sa bahay. Andun na si Manang.

Napadalas narin pala ang dalaw ni Alice sakin sa bahay lalo na pag walang pasok.

Wala naman syang ibang ginagawa kundi ang mangulet lang sakin tungkol kay Ken. Tulad ngayon ..

"Bakit ba kasi ayaw mo nalang aminin sa kanya ang totoo?"

Nakailang ulet na sya sa sinasabi nyang ganyan. Hindi ko nalang sya pinansin. Ang kulet eh..

Tinutok ko nalang ang mata ko sa pinapanood namin. Ay, ako lang pala ang nanonood kasi tong isa puro daldal lang eh.

"Oi Alice ano ba? Bat ka nakaharang jan sa TV?" Saway ko sa kanya. Panu ba naman? Pumwesto talaga sya sa gitna eh.

Hindi sya umalis. Mas malala, kinuha nya yung remote at pinatay! Bastos na bata to ah?!

"Now wala ka ng reason para iwasan lahat ng sasabihin ko."

Ayaw nya talaga ako tigilan. Ayoko nga kasi pag usapan yun eh. Tatayo na sana ako kaso pinigilan nya ako.

"You're not going anywhere Gomez. Let's talk. Try mong tumayo kunyat ka sakin."

"Wow. Natakot naman ako sayo Alice. As if kaya mo akong saktan. Haha. Kuha lang akong juice sa kitchen."

Tumayo ako at naglakad papuntang kitchen nang nagsalita si Alice na ikanatigil ko.

"Walang mangyayari sa paglilihim mo Trishia."

Lumingon ako sa kanya na seryosong nakatingin sakin. Bumalik ako sa kinaupuan nya at naupo.

"At Sa tingin mo ba may mangyayari pag sinabi ko sa kanya ang totoo Alice? Well, siguro meron nga. Alam mo kung anong mangyayari? Iiwasan nya ako. At hindi ko kaya yun!"

"Panu kung gusto ka rin pala nya? Maraming maaring mangyayari Trish. At isa pa, hinayaan mong mahulog ka sa kanya, kaya dapat panindigan mo yan."

"Hindi ako ang may gusto ng lahat ng to Alice. Eto oh? Yung puso ko!"

Tinuro ko yung puso ko at yumuko. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Hindi ko gusto to. Yung puso ko ang makulet. Alam kung malabong magustuhan nya ako. Alam na alam ko!

Pero anong gagawin ko? Madali akong ma fall! Kahit hindi sya pa fall na tao, kusa akong nahulog sa kanya.

Bakit kasi sya pa? Sya pa na alam kung hindi ako kayang saluhin! ~T_T~

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha. Naramdaman ko naman na hinaplos ni Alice ang likod ko.

Kahit hindi sya nagsasalita .. alam kung naaawa sya sakin ngayon. Akala ko hindi ako masasaktan. Ngayon pa nga lang ang sakit na!

Akala ko lang pala yun.

6pm na. Nagpaalam na sakin si Alice kasi gumagabi narin. Hinatid ko sya sa labas ng gate.

"Just call me kung kelangan mo ng kausap ah? Everything will be okay. Im here for you Trishia."

Niyakap ko si Alice. Maswerte parin ako sa kanya.

"Sige. Thank you Alice. Mag ingat kayo ah? Bye .."

"Bye Trishia. Dont forget to smile .. okay ? :)"

Napangiti nalang din ako sa sinabi ni Alice. Tama sya, kelangan ko paring ngumiti kahit anong mangyari.

Papasok na sana ako sa bahay nang may biglang tumawag sakin. Boses palang .. kilala ko na kung sino sya.

Paglingon ko, hindi ako nagkamali. Its him, standing infront of me wearing a very bright smile.

Ngiting nagpapasaya sakin. At sa kabilang banda, nagpapahirap sa puso ko ngayon.

Sa bawat ngiti nya, di ko maiwasang mapangiti rin. At mas lalo akong nabibigyan ng lakas para umasa at patuloy na pangarapin sya.

Tanga man kung tawagin, okay lang. Lahat ng nagmamahal, dumadaan sa pagiging tanga.

"Hey! Tulala ka jan? Okay ka lang? :)"

Nagulat ako sa pagtapik sakin ni Ken. Ngumiti nalang ako at tumango. Nakangiti parin sya habang nakaharap sakin.

"Bat tulala ka? Masyado ba akong gwapo sa paningin mo? Haha .. okay lang yan. Alam ko naman na gwapo talaga ako. Iwasan mo lang mahulog sakin, kasi .. hindi kita kayang saluhin. :))"

Is it a joke? Kasi kahit joke yun.. ang sakit eh. Tiningnan ko si Ken na nakangiti parin sakin.

Nasasaktan na ako Ken :((.

Lumunok ako ng ilang beses. Para kasing nabulunan ko dahil sa sinabi nya.

Hindi nya ako kayang saluhin.. hindi nya ako masasalo. T__T

Kahit ramdam ko yung sakit sa puso ko, kahit alam kung naiiyak na ako, pinilit kung ngumiti sa kanya.

"Ha ha! Ano ka ba, hindi naman ako mahuhulog sayo eh. Hindi mangyayari yun.. "

"Good to here that.. :))panu, baka naman pwd na akong pumasok sa bahay nyo? Haha."

Ou nga pala. Andito parin kami sa labas ng bahay. Niyaya ko syang pumasok.

Pinauna ko na sya, kasi isasarado ko pa yung gate. At baka maiyak lang ako sa harap nya.

Hindi muna agad ako pumasok, hinayaan ko munang tumulo ang mga luha ko.

Yung mga luha kung karamay ko sa sakit.

Sana pala hindi ko hiniyaan na umabot sa ganto. Akala ko hindi ako masasaktan. Akala ko hindi ako mahihirapan.

Lintek na akala yan!

Is it a sign na kelangan ko ng bitawan ang isa sa mga pangarap ko? Do I have to let go of him?

Sya na mismo nagsabi na di nya ako kayang saluhin..

Pero hindi! Sa simula palang din naman alam kung malabo na. No!

I WILL NEVER GIVE UP. I WONT !

I wont give up...Место, где живут истории. Откройте их для себя