CHAPTER 3

68 5 0
                                    



CHAPTER 3

"DAMN, man. Bakit mo naman sinabi na may lobo kang nakita? Alam mo namang gubat ito e." Pagse-sermon sa akin ni Jorgensen.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench kung saan ang mga booths ngunit walang mga tao rito. They're all in our camping site, feeling afraid. I know I'll have to deal with this but it's just gonna be a piece of cake, I think.

"I have to protect her from being seen naked, Jorge."

Malakas ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko. Hindi gaanong mainit sa direksyon namin dahil nasa ilalim naman ng puno ang bench na kinauupuan namin.

Nangunot ang kan'yang noo dahil sa sobrang pagtataka. I heaved a deep sigh. Do I need to tell him about Monina Lila? Well, maybe. He's my goddamn best friend. Siguro naman ay may solusyon din siya rito 'di ba? About my heart beating so fast whenever I look at her loving face.

"Who? And what do you mean by her?" Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

"Nambababae ka na rin ba ng hindi ko alam, Leigh?"

Agad ko siyang pabirong sinapak sa balikat dahil sa mga pumapasok sa kan'yang isipan. He's always bad at guessing, I guess?

"Damn you. You always think out of the world, Jorge. No, it's not like that."

"Then what? Please elaborate."

Ipinagkrus pa nito ang kan'yang mga braso sa dibdib habang matiim na nakatitig sa aking mukha na tila ba hinihintay ang pagbibigay ko ng eksplanasyon. I guess I don't have any escape here, after all.

"I met a girl in the middle of the open rice field..." Panimula ko at muling tinanaw ang kalayuan ng open rice field.

"Tangina, Leigh. Nag-a-adik ka ba? Kasi kung oo, ako na mismo ang magdadala sa'yo sa Rehabilitation Center!"

I looked at him sharply.

"Finish my words first, can you?" I sarcastically said and rolled my eyes at him. Pumirmi naman ito at muling nakinig sa sunod kong sinabi.

"I found a fairytale cottage. Do you remember when you asked me where I have been the last time?"

Tumango ito.

"Yeah, I remember. So, to make the story short, ilusyon mo lang ang lahat ng 'yon?" Napapailing itong tumayo.

"Fuck you, Nashville." Itinaas ko pa ang gitnang daliri ko sa harapan niya dahilan para bahagya itong matawa. He mimicked what I did.

"If you really want me to believe your shit, Leigh, dalhin mo ako sa fairytale cottage na sinasabi mo," aniya.

"And then, what? Get lost in the middle of the rice field again? No, thanks." Iwinasiwas ko pa ang mga kamay ko habang nakaharap sa kan'ya.

Magsasalita pa sana ito ngunit may dumating na isang ka-grupo namin at masama ang timpla ng kan'yang ekspresyon.

"Ipinapatawag ka ni Miss Peony, Leighton." aniya at agad na umalis sa harapan namin na hindi man lang hinintay ang tugon.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jorge. I shrugged both of my shoulders.

"Damn, baka kaltasan ni Peony ang puntos ng grupo natin or much worse disqualified our group!" Napapailing na aniya.

Sabay na kaming nagtungo pabalik sa camping site. Nandoon ang lahat ng miyembro ng Tribunals. Ang iba ay nasa loob ng tent at halatang takot lumabas habang ang iba naman ay tumatawa pa.

"Is he serious? Lobo? Hindi naman totoo 'yon!"

"What if it's true? This is Amaranthine, Jack!"

Narinig ko pa ang iilang bulungan nila ngunit hindi ko na 'yon pinagtuonan pa ng pansin. I don't care anyway. I know that what I did is reckless but I just did that to save Monina Lila from being seen naked! Siguro naman ay gagawin din ng ibang matinong tao ang gano'n 'di ba? Depende nalang kung wala kang respeto sa isang babae at pagtangkaan mo pa ng masama.

Lost In Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now