CHAPTER 9

49 4 0
                                    



CHAPTER 9

KATATAPOS lamang ng activity namin para sa Tribunal. Noong mga nakaraang araw ay puro war games at ngayon ang huling araw ng war games.

Ayon pa nga kay Jorgensen habang suspendido ako ay nagsagawa rin sila ng cheer song. May premyong matatanggap ang mananalong grupo mula kay Peony kapag maganda ang pagkakagawa ng cheer song na eksakto sa pangalan ng bawat grupo.

Naramdaman ko ang malakas na pagtapik ni Jorgensen sa aking balikat dahilan para muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong tubig.

I glared at him, but the latter just grinned in return.

"What?" I spat. Paniguradong mang-uusisa na naman ang gagong 'to. Daig pa niya ang babae kung makapangalap ng balita e.

"Any score between the two of you?" He wiggled his eyebrows like he was enjoying my pissed off expression. Damn this guy.

"None. Tsaka bakit ka ba nandito? Sa normal na araw ay paniguradong nambababae ka na naman," Singhal ko sa kan'ya na tinawanan niya lang naman pabalik.

"I'll let this day pass. After knowing that you're in love with someone else, I need to know every bit of its details." He chuckled.

Napailing-iling na lamang ako at itinaas ang gitnang daliri ko sa kan'yang harapan. Hindi ko akalaing may matalik akong kaibigan na gaya niya. Aside from being a playboy, he's a goddamn bastard as well. Mabuti't nakayanan kong tagalan ang kaibigan kong 'to.

It's just two o'clock in the afternoon. Kadalasang tapos ng aming activities ay mga alas singko na ng gabi bago kami makabalik sa camping site ngunit iba ngayon. After the war games we played, we immediately went back to the camping site.

Gaya nang nakagawian kapag tapos na ang aktibidad, nagpapa-iwan ako sa loob ng tent namin ni Jorge. Panigurado kasing punuan na naman ang ilog para maligo ang mga miyembro. It became our routine every single day since the day that we arrived here in Amaranthine.

"D'yan ka muna at maliligo lang ako, Leigh." Paalam ni Jorge at mabilis na lumabas ng aming tent nang hindi hinihintay ang sasabihin ko.

Napailing na lamang ako at ilang minutong naghintay sa loob ng tent hanggang sa matapos na ang pagligo ng ibang mga miyembro sa ilog.

Agad na akong lumabas at nagtungo sa ilog para maligo. I was busy taking a bath on the river when I heard a soft voice humming. It's not that far from where I am.

"The voice seems familiar..." I mumbled to myself.

Mabilis kong tinapos ang pagligo at nagbihis na rin. I was so hesitant whether I'll follow the voice or not. Pero sa huli ay napagpasyahan kong sundan ito. It led me into the middle of a rice field again. Damn, I got lost again!

"Where am I?"

Napabuga na lamang ako ng isang marahas na hangin at inilibot ang paningin sa buong kapaligiran ng rice field. Wala na akong naririnig na boses. Am I just hallucinating or what?

"I'm pretty sure that it was Monina's voice," I scratched the back of my head as I walked in the middle of the rice field.

Ilang minuto pa akong naglakad sa kalagitnaan ng nagtataasang palayan hanggang sa tumambad muli sa akin ang fairytale cottage kung saan ko unang nakita ang maamong mukha ni Monina Lila.

"What the hell?"

I'm confused as heck. Hindi ko akalaing may daan din pala mula sa ilog patungo rito sa cottage. Mukhang paikot-ikot nga lang talaga ang lugar at iisipin mo ngang nasa loob ka ng isang maze at hindi alam ang daan patungo sa exit at entrance. If you're not familiar of the whole place, you'll get lost. Just like what happened to me before...and now.

Lost In Paradise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon