CHAPTER 6

46 4 0
                                    



CHAPTER 6

NANG makabalik ako sa camping site ay hindi na ako tinantanan pa ni Jorgensen sa sunod-sunod niyang mga tanong. Pumasok ako sa tent namin at naupo. Agad din naman niya akong sinundan.

"So, Leigh, I know it's a woman's voice! Nagbibinata ka na ba?" Ngumisi ito sa akin.

Binato ko siya ng tissue na dinampot ko pa mula sa tabi ng bag ko. He keeps on thinking out of the world. Manghuhula na lang mali-mali pa.

"Gago!"

"Tell me, man! This is one of the breaking news!"

"What should I tell you?"

Mas lumapit pa siya sa direksyon ko na tila ba gustong-gusto talagang malaman ang bawat detalye ng mga sasabihin ko. Why is he making this a big deal? Damn, Jorgensen.

"Tell me everything. Let's start from who she is," ani'ya. "What's her name?"

"She's Monina Lila," simpleng sinabi ko. Come to think of it, I still haven't asked her about her surname. Is it only Monina Lila and nothing more else?

"How about her age? Favorite color? Surname? Where she lives?" Sunod-sunod nitong tanong.

I glared at Jorge.

"Don't ask me. I'm not her." Pagsusungit ko at agad na tinalikuran siya't humiga. Narinig ko naman ang malakas niyang pagsinghap.

"Let me meet her, man! I wanna know your girlfriend! This is breaking news!" Natutuwang aniya. Lihim na lamang akong napabuga ng malalim. Gago talaga.

"Go away, Nashville. You keep telling me that it's a goddamn breaking news and you're damaging my ears!"

"Tang ina mo, Leigh. Maarte ka lang talaga! Sa Friday ay pwede ka na ulit mag-participate ayon kay Peony. Since then, wala nang bisa ang pagiging suspendido mo."

Agad akong napaisip. I'm here for Tribunal's yearly camping. We're here to get new experiences and to get along with people well but I don't think socializing is my forte. I'll get on that part but not now.

"Alright. I'll spend my remaining suspended days with Monina," I told him. Muli kong narinig ang malakas na pagsinghap ni Jorgensen. Parang tanga.

"What? You'll go to her house tomorrow? Let me come with you!"

"Idiot, you have activities tommorow, right?"

"Oh, yeah. On Saturday, then? Wala namang activities na magaganap sa Sabado dahil maggagala ang buong Tribunal sa buong Amaranthine."

A tour, huh?

"Alright," tipid kong sinabi at hindi na siya sinagot pa. Naramdaman ko rin naman ang paglabas niya sa loob ng aming tent. Maliligo siguro ito sa ilog.

Kinabukasan ay maagang umalis muli ang buong Tribunals para sa war games no'ng araw na 'yon. Tumayo na rin ako at kumuha nang panibagong pares ng damit bago nagtungo sa ilog para maligo.

I rested my back on the huge rock behind me. Hindi pa sumisikat ang araw dahil alas singko pa lamang ng umaga. Malamig din ang tubig na nanggagaling sa ilog.

I closed my eyes to relax myself a little bit but the image of Monina's smiling face immediately flashed on my mind. Agad akong nagmulat at napahilamos sa sariling mukha.

"Damn that smile. I can't get enough," I murmured. Mabilis ko nang tinapos ang aking pagligo at agad na rin nagbihis.

It's already seven-thirty o'clock in the morning when I went back to the fairytale cottage. Sa mga normal na araw ay makikita ko na agad si Monina Lila na nagdidilig dito ngunit ngayon ay hindi ko siya nakita.

Lost In Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now