MONINA LILA'S POINT OF VIEW

18 1 7
                                    



Have you ever felt that feeling like you aren't yet ready to go but you have no choice but to accept it because that's just it? I have no more options to take. Kasi kung meron lang sana, hindi naman magiging ganito kahirap e.

I'm an orphan. I didn't get the chance to meet my parents. Ang alam ko lang, si Uncle Sam ang kasa-kasama ko hanggang sa paglaki. We'd been living in Amaranthine since time immemorial. Namulat ako sa pamumuhay na itinuro sa akin ni Uncle Sam. A simple and peaceful life which is something I could treasure for eternal, that's for sure.

"Uncle, ako na po riyan!" Sinubukan kong kuhanin sa kan'ya ang isang timba na madalas niyang ginagamit sa pagpapa-gatas ng mga alagang inahing baka. "Mapapagod ka na naman n'yan."

Tumawa lamang ang butihin kong tiyuhin. "Moli, h'wag ka na rito, hija. Kaya ko na 'to. Magpahinga ka na lang doon sa loob ng barn."

Napanguso ako. "Pero, Uncle! Lagi na lang po akong nagpapahinga. Gusto ko naman makatulong sa inyo."

Uncle Sam heaved a deep and defeated sigh. Halata niyang wala na siyang takas sa akin kaya mahina na lamang siyang tumango dahilan para mapangiti ako ng malapad at bahagya pang napatili.

"Yes! Thank you, Uncle Sam!" Wika ko at mabilis na inabot mula sa kan'ya ang hawak niyang timba.

Tumakbo ako patungo sa direksyon ng mga inahing baka na kailangan kuhanan ng gatas. I wore gloves and prepare the other things needed for getting a milk from a mother cow.

"Mother cow, please stay put." Mahinahong saad ko na tila ba maiintindihan nga ng baka ang sinasabi ko. Masyado kasi itong magalaw habang kinukuhanan ko ng gatas kaya natatapon ang iba at nasasayang.

I continued doing the same thing with the other mother cow. Meanwhile, Uncle Sam proceeded to cook a meal for the both of us. Nang matapos ako sa aking ginagawa ay pawisan na ngunit nakangiti at magaan pa rin ang aking puso.

I've always wanted this. To help others. To be kind. To always be at peace with everything.

When I first learned about my illness, I don't know what to feel. Naghahalo ang kalungkutan, frustrasyon at kawalan ng nararamdaman sa puso ko. My mind and emotion is in chaos. I don't know what to do. Ang tanging naiisip ko na lamang nang mga panahong iyon ay, paano na ang Uncle Sam ko?

Ayaw ko siyang iwan nang mag-isa. I'm all that he has. We grew up together. He's the only family I have. Paano na kapag nawala ako? Sabi ng doktor, malala na raw ang sakit ko. Leukemia ang na-i-diagnose na sakit ko raw. I'm at the last stage of it. Huli na nang malaman na mayroon akong klase ng sakit gaya no'n.

Wala naman kaming pera ni Uncle para magpagamot ako. Even though Uncle Sam insisted that I should take medicines and attend the hospital, I didn't listen. Sinabi ko na lang sa kan'ya na ayos lang ako at mas gusto kong manatili sa piling niya. Pero ang hindi alam ni Uncle, nang gabing patulog na kami ay narinig ko siyang tahimik na umiiyak.

He prayed about me. He pleaded to God to not take me away because I'm all that he has. He didn't know how much pain it caused me to hear and see him in that kind of situation. Iniisip ko tuloy kung ano bang nagawa kong mali para parusahan ng ganito? Bakit ako pa ang nagkaroon ng ganitong klaseng sakit?

But then again, we can't always figure things out. We can't always have what we want. We don't always get the desires of our hearts. Only God knows what's best for all of us. Kaya naman kahit masakit at nahihirapan ako, I slowly accept my situation and the moment I've done that— I felt the feeling of being free, eternity, and peace. I could not wish for anything more.

Lost In Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now