CHAPTER 5

48 5 1
                                    



CHAPTER 5

"BAGAY BA?"

Nakangiting umikot si Monina Lila habang hawak ang isang kulay vintage na dress sa kan'yang harapan. Nasa Amaranthine's Urban Store kami ngayon dahil pumayag akong maglibot-libot kasama siya.

She said that she would like to tour me around Amaranthine since this is the first time I've been in here. Sometimes I'm thinking that it should be Tribunal's job to tour us here while camping but I guess they're just really into nature and nothing else.

"Yes, you look beautiful."

Bumusangot ito at muling ibinalik sa clothes rack ang damit na kan'yang napili. Hindi ko na rin mabilang kung pang-ilang beses na niyang ginawa 'yon matapos marinig ang opinyon ko. I wonder what's wrong?

"Kanina mo pa sinasabi 'yan, Leighton. Parang hindi ka man lang nga kumukurap habang nagbibigay ng kumplimento e..." She spoke. I chuckled and put both of my hands in my faded jean's pocket.

Bahagya akong napakamot sa aking kilay. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin na hindi niya pagdududahan. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Whatever she wore suits her well. Maganda naman talaga siya kahit ano pa ang kan'yang suotin.

"But I'm telling the truth, Monina Lila."

Itinikwas niya pataas ang kan'yang kilay at napapailing na bumaling sa ilang mga dress na napili niya. Sinamahan ko siya nang magbayad ito sa counter at lumabas na rin kami pagkatapos.

"Bakit hindi ka namili ng mga damit mo? Akala ko ba ay good for one-week lang ang dala mo?"

"Yeah. Jorgensen is my source of clothes so no need to buy." Nagkibit-balikat ako.

Magsasayang lang din ako ng pera kung bibili pa ako. Dalawang linggo na rin naman ang itinagal namin dito sa Amaranthine at ilang linggo na lang ay babalik na rin kami.

"But you should still buy at least a souvenir, right?"

"It's too early. Pwede pa naman akong bumili bago kami umalis ng Amaranthine..." I told her.

Tumango ito at hindi na muling nagsalita.

"Where are we going next?" I asked her.

Ngumiti siyang muli at masiglang nilingon ang direksyon ko. She can't just really stop herself from smiling. But that's one of the things that I liked about her. She loves to smile. She loves nature so much.

"Sa farm ni Uncle Sam!" She spoke.

I haven't seen her Uncle Sam yet. Kahit isang beses sa mga araw na pumupunta ako sa kanilang cottage ay hindi ko pa ito nakikita. Masyado pala talaga itong abala sa pagmamando ng kanilang sakahan dahilan para hindi ito makauwi.

Gaya nga ng sinabi niya ay sa farm kami sumunod na nagtungo. Sumakay kami ng bus patungo roon. Kasalukuyan kaming nasa byahe nang marinig kong tumunog ang aking telepono sa bulsa. Agad ko itong kinuha at binasa ang mensahe mula kay Jorgensen.

Jorgensen:

Leigh, where are you?

I instantly replied. Marahil ay nagtataka na ito kung nasaan ako ngayon dahil hindi niya ako nakita sa camping site. But I guess it's too early for him to text me? Sa pagkakaalam ko ay alas singko na nang hapon natatapos ang aktibidad ng Tribunal. It's just three o'clock in the afternoon!

Ako:

Somewhere in Amaranthine.

Wala pang ilang segundo ay muli itong tumunog. I heaved a deep sigh as I read his message for me.

Lost In Paradise (COMPLETED)Where stories live. Discover now