Twenty-Two

6.4K 88 34
                                    

A/N: RobniKiwi, this is for you. Hope you enjoy this one, readers! This is my first update for 2013. :)


Arleigh

Hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap. Basta ko na lang ginawa iyon dahil iyon ang itinulak ng puso ko. Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko dahil anumang oras, baka mawala siya sa akin. Mahirap na. kahit hindi ko siya gaanong maalala dahil sa nangyari sa akin, naging mahalagang bahagi na rin siya ng buhay ko. Isang buwan at isang lingo pa lang kaming nagsasama, pero ang attachment level ko sa kanya ay sobrang higpit na.

Nakakatawa ring isipin na nilalabag namin ng paunti-unti ang House Rules.

One- No strings attached. Tinatali na ako ng isang ‘invisible string’ kay Lujille. Pahigpit ng pahigpit sa paglipas ng panahon.

Two- No involvement with each other. Hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya. Kahit ano pa man ang kondisyon niya, mabuti man o masama.

Three- Give Me A Chance To Make You Remember Me. Iyon ang ginagawa niya. Masasabi kong effective iyon dahil nakikita ko na siya sa isip ko. At sana sa hinaharap may maalala pa ako tungkol sa kanya.

Tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko iyon at nakita kong may message ako. Si Leslie. ‘Hi’ lang naman ang message pero sapat na iyon para magambala ako. Mula nang ikasal ako kay Lujille hindi ko na naisip na balikan pa siya. Ayoko nang tuparin ang ipinangako ko kahit magalit pa siya sa akin. Balak ko ng tapusin ang mga bagay na nag-uugnay sa amin.

Binura ko ang message at ni-lock ang cellphone ko. Ang magagawa ko na lang ngayon ay ang manatili sa tabi ni Lujille.

Dumalaw si Kuya Arkin sa bahay. Hindi namin inasahan ni Lujille ang pagdalaw niya. Napaluto agad ng dinner si Lujille.

“Ni hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka ditto. Binigla mo kami.” sabi ko sa kanya matapos naming umupo at mabigyan ko siya ng maiinom.

“Sinadya ko talaga para surprise. By the way, may magandang balita ako sa iyo. Kinuha ako ng Far Eastern University para magturo sa kanila ng Business Management.”

Maganda ngang balita iyan. Dati kasi plano ni Kuya mag-take up ng Education dahil gusto niyang maging teacher. Pero hindi pumayag si Papa. Kumuha siya ng Masteral Degree para sa Business Administration at nagkaroon ng posisyon sa LG Real Estate. At pagkatapos ng merger, nag-resign na siya sa kompanya at hindi muna nagtrabaho.

“That’s really good news! Kinuha mo ba?”

Ngumiti siya. “Oo naman. I’ve always wanted to teach. Alam mo iyan.”

Sumabat si Lujille mula sa kusina.

“Naku, maraming ibabagsak na studyante iyan. Maniwala ka sa akin, babes!”

Humagalpak kami ng tawa ni Kuya. Kahit kalian palabiro ‘tong asawa ko.

“Perfect ang attendance ng mga studyante ko dahil gwapo ang teacher nila!” sigaw ni Kuya para marinig ni Lujille.

“Huwag kang umasa. Kakarmahin ka niyan!”

“Ang iingay niyo.” nakangiti kong sabi.

Tiningnan niya ako ng mataman, na parang may ginawa akong kasalanan.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Paranag mas close yata kayo ngayon ni Lujille, ah. Ano’ng meron?”

“Wala lang. Naging close lang talaga kami. Di ba sabi ko sa iyo nung bago ako ikasal na magiging mabait ako sa kanya? Ayun, nagpapakabait na ako.”

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now