Thirty-Four

4.9K 43 11
                                    

Naghanda si Anita ng konting salo-salo for lunch para sa birthday ng anak. Doon na kumain si Lujille kasama sina Arleigh at Nathan. Bumaha ang greetings para kay Lujille. Masaya siya at pakiramdam niya ito na ang pinakamasayang birthday niya.

Sa kalagitnaan ng kainan, biglang tumayo si Anita dala ang cellphone niya. Pumunta ito sa may sala at may kinakausap.

“Ano? Nagawa mo na ba ang inuutos ko?” tanong niya sa kabilang linya.

“May konting aberya po, Ma’am. Pero kalahati na po ng shares ang nalilipat sa account niyo.” sabi ng lalaki.

“Bwiset! Bilis-bilisan niyo! Kating-kati na kong makitang bumagsak ang pamilyang iyan!” galit na sabi ni Anita.

“Ma, may problema ba?” biglang sabi ni Lujille. Nagulat si Anita at nahulog ang cellphone niya. Nakita ni Lujille ang pangalang Rolly na may kasamang number sa home screen. Biglang sumibol ang pagdududa sa loob niya.

“W-Wala naman, anak. Okay lang ako.” sagot nito.

“Para kasing galit ka eh. Baka naman may kaaway ka.”

“Huwag mo na ‘kong intindihin. Tayo na.”

Ngumiti  lang si Lujille at bumalik na sila sa dining room. Pero hindi maialis ni Lujille ang pagdududa sa kung sino ang kausap ng ina niya.

Bumalik ng opisina sina Arleigh at Lujille matapos ang lunch. Trabaho ang inatupag ni Lujille habang si Arleigh naman ay nakatambay sa rooftop. Inaayos na niya ang mga kakailanganin para sa dinner date mamayang alas-siyete. May mga apat na tao na rin doon na naghahanda sa set-up.

“Pakilagay nito diyan.” sabi ni Arleigh habang tinuturo ang isang banda. Binubuhat naman ng dalawang lalaki ang isang mesa patungo sa direksyon na tinuturo niya. Halos buo na ang set-up na matagal na niyang iniisip. Sana nga lang ma-sorpresa niya si Lujille. Inaasahan na din niya ang tulong ni Nathan mamaya. Hindi pa rin niya napapasalamatan ng todo-todo si Arkin dahil sa pagtulong nito.

Kahit konti pa lang ang naaalala niya tungkol kay Lujille, napamahal na sa kanya ito. Beyond money and merger para sa kanya ang dahilan ng pagpapakasal niya dito. Mula nang maalala niya ang football field moment nila ni Lujille, doon niya napagtanto na mayroon ngang lugar ang babaeng ito sa puso niya. That she was a significant part of his life before he got into an accident. Nabubuksan niya ang puso sa posibilidad na pag-alala dito. Hindi naman imposible iyon dahil palagi silang magkasama.

At sana nga lang, hindi manggulo si  Leslie sa gabing ito. Kahit ngayong gabi lang.

“Ito yung mga plano ng PR Department para sa promotion ng LGV Kingdom. Sana ma-approve iyan agad para masimulan nang isagawa.” sabi ni Leslie at inabot ang isang green na folder kay Lujille. Kinuha ito ni Lujille at binasa ang mga laman.

“I’ll go over with this. Tatawag na lang ako mamaya.” sagot nito.

Tumango si Leslie. Nag-beep ang cellphone niya at binasa niya ang text galing kay Arleigh.

Mamaya sa rooftop. 7pm. Date tayo.

Ngumiti si Lujille at nilagay ang cellphone niya sa mesa. Nabasa ni Leslie ang kabuuan ng message. Napangiti siya sa sarili. Alam na niya ang gagawin.

“Mauna na ‘ko.” sabi ni Leslie at umalis. Pero bago pa man niya marating ang pintuan ay nilingon niya ito.

“Lujille?”

Napatingin si Lujille kay Leslie.

“Happy birthday.” dugtong niya.

Ngumiti lang si Lujille. “Salamat.”

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now