Forty-Nine

2.6K 34 2
                                    

Tiningnan ni Lujille ang oras sa cellphone niya. Alas-dos na ng mdaling araw pero hindi pa rin sya makatulog. Hinawi niya ang nakayakap na braso ni Arleigh sa kanyang katawan at bumangon. Pumunta sya ng kusina nila.

Matapos kumuha ng isang basong tubig, umupo siya at nag-isip ng malalim. Pakiramdam niya may masama talagang mangyayari. Bumalik sa isip nya ang isang phone call noong nakaraang araw, noong narinig niya ang boses ng ina niya sa kabilang linya. Paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili kung ano ang kinalaman ng ina niya sa lahat ng ito. Iba ang pintig ng puso niya ngayon. Lahat ng kinatatakutan niya ay unti-unting nagkakatotoo.

Ininom niya ang tubig at bumuntong-hininga. Sana kaya pa niyang pigilan ang mga susunod na mangyayari.

“So, ano na ang progress ng imbestigasyon mo?” tanong ni Monique sa kanyang private investigator nang magkita sila sa isang coffee shop.

“Ma’am, confirmed po. Si Anita ang nagnanakaw ng pera niyo. May na-retrieve akong documents na naglalaman ng cash flow ng kompanya.”

Hindi makapagsalita si Monique sa mga narinig niya. She took a sip of her coffee and cleared her throat.

“Ma’am?” the investigator urged.

“Y-Yes?”

“Gusto niyo po bang makita ang mga dokumento?”

“S-Sure.” Parang mababasag ang boses ni Monique sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung gusto ba niyang makita ang mga dokumento o hindi.

He put the papers on the table.

“Yan na po lahat ang nakuha ko, Ma’am.”

Walang magawa si Monique kundi tingnan ang mga ibinigay ng imbestigador sa kanya. 

Nabigla siya sa mga nakita niya. halos lahat ng shares niya ay nanakaw na ni Anita. Nagtiim ang mga bagang niya sa sobrang galit.

Pagbabayarin niya ng malaki ang babaeng iyon.

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now