Twenty-Nine

4.7K 52 2
                                    

Sinundo ko ang mga bata kina Mama bago tuluyang umuwi ng bahay. Tahimik lang kaming kaming tatlo sa loob ng kotse. Wala ako sa mood makipag-usap sa kung kani-kanino matapos kong makasabay si Arleigh sa elevator. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nagawang saktan ni Arleigh si Bugoy eh ni hindi nga niya anak. Wala akong pakialam kung gaano kalaki at kasakit ang sugat ko sa braso. Mas naawa ako dun sa bata.

Kitang-kita sa mukha ni Bugoy ang trauma. Malayo ang tingin niya sa labas at masyadong malalim ang iniisip. Gusto ko sanang kausapin, but it would be best kung mananahimik lang muna ako.

Nakarating na rin kami sa bahay. Hindi pa dumating si Arleigh at gutom na ang mga bata. Nagpa-deliver na lang ako sa fastfood para makakain na kami.

Dumating si Arleigh makaraan ang isang oras. Pinanood ko lang siyang dumadaan habang nanonood kaming tatlo ng TV sa sala. Tinanong niya ko kung kumain na ba ako.

“Kumain na kami. Magpa-deliver ka kung gusto mo.” sabi ko.

Hindi siya kumibo. Umakyat na lang siya papuntang kwarto at padabog na isinara ang pinto.

“Tita, galit pa rin po ba si Tito?” mahinang tanong ni Bugoy.

“Ewan ko dun.” sagot ko sa bata. Ibinalik ko ang atensiyon ko sa TV. Pero pakiramdam ko may sariling communication ang dalawang bata. Out of the corner of my eyes, nakita ko silang nagpalitan ng tingin.

“Bakit?” tanong ko sa kanila.

“Tita…” sabi ni Basha.

“May problema ka ba?” Bakas ang pag-aalala at kaba sa mukha niya, na hindi ko alam kung bakit.

“Kasi po…” sabi ni Bugoy.

Maging ako ay kinakabahan na rin. Mukhang may matinding pasabog ang mga batang ‘to.

“Ano?”

“Yung kanina po kasi, kaya nabasag yung vase kasi natulak ko po si Bugoy. Nabunggo ko po ang siko niya.” maluha-luhang sagot ni Basha.

“Sorry po kung nagkasugat kayo dahil sa ‘kin.” sabi ni Bugoy.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Sana sinabi nila sa akin ng mas maaga. Si Bugoy yung naparusahan imbes siya yung inosente.

“Matulog na kayo.” sabi ko. Tiningnan ko ang naka-plaster kong sugat. Sinalo ni Bugoy ang palong dapat sana’y para kay Basha.

Yumakap ang dalawang bata sa akin.

“Sorry, Tita.” sabi nila.

“Ako na lang ang kakausap sa Tito niyo. Matulog na kayo.”

Pinasok ko si Arleigh sa kwarto niya. Nakatunganga siya sa laptop niya. Kahit nabasa yon kaninang umaga, nai-repair naman ito. Mukhang maayos na nga talaga. Pagkasara ko ng pinto, kinausap ko siya.

“Sabi ni Basha, natulak daw niya si Bugoy kaya nabasa ang laptop mo. Takot siya sa iyo kaya sinabi ko na lang na kakausapin kita.” sabi ko.

“Okay.” sagot niya habang nagta-type.

“Sa kabilang kwarto ako matutulog ngayon kasama nila.”

Hindi ko na siya hinintay na kumibo pa. Umalis na ako sa kwarto at pumunta sa kabila para tabihan ang mga bata.

“Tita, tulog na tayo.” sabi ni Basha.

Ngumiti ako sa kanya. Pinatay ko ang lampshade at natulog na kami.

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now