Epilogue

4.7K 26 5
                                    

Maluwag ang traffic. Malakas ang music na nanggagaling sa stereo sa loob ng kotse. Masayang nakikisabay sa musika si Arkin. Pop rock. Paborito pa naman niya. Pampa-good vibes lang.

Tiningnan niya ang eleganteng bag sa passenger seat. Inside that is the engagement ring na matagal niyang pinag-ipunan. Dugo't pawis ang pinihunan niya dito. He can't wait to start a family with Celine. Kay tagal niyang hinintay ang isang babaeng balak niyang makasama habangbuhay.

Hindi na niya matandaan kung saan sila unang nagkakilala. Ang alam lang niya, sparks flew everywhere when they met. They began to hang out and know each other better. May mga pinag-awayan na rin sila pero naaayos din nila ito agad. And the next thing they knew, nagpaplano na sila ng kasal.

Pumarada ang kotse niya sa parking lot ng condominium na tinitirhan ni Celine. Kanina pa matamis ang mga ngiti ni Arkin habang ini-imagine ang pagluhod niya sa harap ni Celine at ang pagpayag nito sa proposal niya. Tinahak niya ang daan papuntang twelfth floor.

1201. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng pinto at mahigpit na nakawahak sa paper bag. Pinangunahan siya ng kaba. Tinawagan niya ulit si Celine pero hindi nito sinasagot ang phone. O baka naman busy lang.

Sa huli, ini-enter niya ang passcode ng condo ni Celine. Habang naglalakad siya, bigla niyang narinig ang dalawang boses. Moaning, cursing, loving. Babae at lalaki. Baka nanonood lang ng movie si Celine.

But she's not alone. Napatigil si Arkin sa may sala only to see her in the arms of another man, almost naked and trading kisses with him. Naghalo an mga emosyon sa puso niya all at once. Galit, paninibugho, pagkabigla, pait at awa sa sarili. Bakit nagawa ito ni Celine sa kanya?

Another kiss and she moans like a hungry animal. Natigil lang ang lahat nang mabitiwan ni Arkin ang paper bag na dala niya.

"Babe?" sabi ni Celine at nagbihis agad.

He's at a loss for words. Even his balled fists cannot convey what he feels right now. Gusto niyang isipin na panaginip lang ito.

Nagtinginan silang tatlo. Nagpapakiramdaman, hoping that one of them would speak up para maayos ang gulong ito.


Copyright © 2015 by pancakenomnom


Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now