Fifty-Eight

2.5K 40 1
                                    

Lujille

2018. Seven years later.

“Smile!” 

Kuhang-kuha ko ang ngiti ni Charleigh sa camera ko habang sumasayaw siya sa school program nila. Maraming mga magulang ang nandito, at nasa harapan pa siya. Ngumingiti ako habang tinitingnan ang anak ko.

Pitong taon ulit ang lumipas. Kay bilis nga ng panahon. Parang kanina lang nang mangyari ang mga bagay sa buhay ko ng hindi ko inaasahan.

Matapos kong makitang dinampot si Mama ng mga pulis at nalamang buntis ako, umuwi ako ng bahay para makapag-isip. Alam na nina Papa at Lorraine kung bakit hindi ako natuloy sa Amerika. Inintindi na lang nila ako.

Tatlong lingo na ang bata sa sinapupunan ko nang sabihin k okay Nathan ang balitang iyon. Gulat na gulat siya at nagalit pa nang sinabi kong nahihiya na ako sa kanya. Siya ang sumagip at tumulong sa ‘kin mula pagbubuntis hanggang panganganak ko.

Tuluyan nang nawala ang LGV Kingdom. Kung ano man ang natira sa amin matapos maibigay lahat ng natitirang stocks sa mga may-ari nito, in-invest namin ito sa bagong negosyo. Nagpatulong ako kay Nathan sa pagpapatayo ng coffee shop namin. Siya na rin ang nagsilbing katuwang ko para mapatakbo ang negosyo nang maayos.

Ilang taon ko na ring hindi nakakausap si Mama. Mula nang makulong siya, I got the feeling na ayaw ko siyang makausap ulit matapos ang lahat ng ginawa niya. wala na akong nararamdamang kahit anong emosyon para sa kanya. Pinag-awayan namin into noon ni Nathan kasi nalaman kong binibisita niya si Mama sa kulungan. Ayoko lang talagang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kanya.

Lumaki si Charleigh na busog sa pagmamahal. Si Nathan na ang tumayong ama sa anak ko mula nang mawala si Arleigh. Honestly, hindi ko alam kung nagtatampo o galit ako sa kanya. Nangako na kami n’on na hindi kami maghihiwalay kahit anong mangyari. Pero wala rin akong nagawa. Nung una, hinintay kong bumalik si Arleigh. Umaasa na sana may tawag man lang akong matanggap mula sa kanya. Bawat araw nagdasal ako na sana makita ko siya ulit. Malaman niya na may anak siya. Nakaka-guilty nga kasi palagi kong kinukulit si Nathan.

Over the years, ama na ang turing ni Charleigh kay Nathan. Hindi ko magawang sabihin sa anak ko na makikilala pa lang niya ang tunay niyang ama. Sinabihan din ako ni Nathan na itago muna ito sa anak ko para walang gulo. 

Tapos na ang dance number ni Charleigh. Lumapit siya sa ‘kin at niyakap ako.

“Mama!”

“That was good, anak.” sabi ko at niyakap siya.

“Mama, uwi na tayo.”

Bumitaw ako sa kanya.

“Okay lang ba kung kakain tayo kina Papa Nathan mo?”

Abot-tenga ang ngiti niya kapag si Nathan ang pinag-uusapan. Higit pa kasi sa ama ang turing niya dito.

“Sige po, Ma.”

Sinalubong kami ni Nathan sa labas mismo ng restaurant nang makarating kami. Tumakbo si Charleigh at kinarga siya ni Nathan. Tingnan ko lang sila, alam kong masaya na ako. Nagagampanan nang maayos ni Nathan ang pagiging ama kay Charleigh.

“So, kumusta ang presentation mo bunsoy?” tanong ni Nathan nang makaupo na kami at kumakain ng lunch.

“Okay naman po, Papa. Sumayaw po ako.” sagot naman ng anak ko. Inulit pa niya ang steps niya kanina kahit nakaupo lang siya.

Tumawa si Nathan. Natutuwa lang ako na parang anak na talaga ang turing niya kay Charleigh.

“That’s my boy. Mana ka talaga sa ‘kin.”

Ginulo nang konti ni Nathan ang buhok ni Charleigh. Tumingin siya sa ‘kin habang kumakain ang anak ko.

“Marami bang pictures si Charleigh diyan?”

“Of course. Tingnan mo na lang.”

Inabot ko sa kanya ang cellphone ko. Ngumingiti siya habang tinitingnan ang mga pictrues. Sinimulan ko na ring kumain dahil nagugutom na ako.

“Magkamukha nga talaga sila.” sabi niya.

Napatigil ako at hindi makaimik. Isa si Arleigh sa mga bagay na ayokong pag-usapan. Kung noon umasa pa akong babalik siya, ngayon hindi na. masyado nang maraming nangyari at alam kong hindi ko na siya kailangan ngayon.

“Nathan.” mariin kong sabi.

Napatingin siya sa ‘kin.

“Ano?”

“Tumigil ka.”

Bigla niyang naintindihan ang tono ng boses ko.

“I’m sorry.”

“Akin na iyan.” sabi ko at inilahad ang kamay ko.

Ibinigay niya agad ang cellphone ko.

“Ganyanan na lang ba?” tanong niya.

Pinaglalaruan ko ang pagkain ko. Ayoko ng mga ganitong klaseng usapan. Nakakapagod na.

“Nathan, tumigl ka.”

“Lujille, prangkahan na tayo. Kung feeling mo hindi na siya babalik, hindi kita masisisi. Pero may karapatan siya sa anak mo. Alam kong mahal mo pa rin siya sa kabila ng lahat ng galit mo dahil hindi siya nagpakita.”

“Nathaniel, stop!”

He was about to speak pero nagsalita si Charleigh.

“Ma? Pa? Okay lang po kayo?”

Doon ko na-realize na nakikinig si Charleigh sa amin. I kissed his forehead.

“Okay lang kami, anak. Kain ka na.”

Kumain ulit si Charleigh. Bumaling ako kay Nathan.

“Iuwi mo na si Charleigh pagkatapos. May aasikasuhin lang ako sa coffee shop.” sabi ko.

Marami-rami ring dumayo sa coffee shop. May kanya-kanyang mundo ang ma tao habang pumapasok ako. Hinanap ko ang pwesto ko sa may gilid at umupo.

I switched the laptop on. Kanina pa ito naghihintay sa ‘kin. Sinimulan ko na ang trabaho ko pagkatapos.

Lumipas ang ilang minuto. May narinig akong nagkakagulo sa counter. Pinuntahan koi yon at nanlamig sa nakita ko.

Si Arleigh.

Nagrereklamo siya sa cashier kasi mali ang kapeng ibinigay sa kanya.

Humakbang ako pero umatras din. Nagdadalawang-isip ako kung lalapitan ko ba siya. Baka iba ang maramdaman ko ‘pag nagkataon.

“Ma’am, sabi nung lalaki gusto raw niyang kausapin yung manager.” sabi ng isa kong barista sa shop ng lapitan niya ako. 

Lumunok ako para maibsan ang kaba. Kung ito na ang panahon na magkikita kami ulit, then let it be.

“Okay.” sagot ko at lumakad papuntang counter.

Hindi pa natatapos ang bangayan sa counter. Hinarap ko si Arleigh ng buong tapang.

“Yes sir, what can I do for you? Are there any lapses with our service?”

Nalaglag ang panga niya. Biglang natigil ang bangayan at natahimik ang buong coffee shop.

Kinakabahan na ako. 

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now