Thirty-One

5K 44 7
                                    

Nathan

“Shit!” galit na sabi ni Leslie sabay dabog sa mamahalin kong baso.

“Ingatan mo nga iyan! Mahal iyan eh.” saway ko sa kanya.

“Babayaran ko ‘to, don’t worry.” she answered. Hindi maipinta ng galit ang mukha niya. Nang-gigigil siya at parang gusting pumatay ng tao.

“Bakit ka ba nagkakaganyan?” tanong ko.

Nagtagay siya ng isang basong beer at inubos iyon in one gulp.

“Si Arleigh.”

“Ano na naman ba iyan?” Bakas na ang iritasyon sa boses ko. Bakit ba kasi hindi na lang niya tanggapin na kasal na siya kay Lujille?

“Naaalala na niya si Lujille. Hindi pwede ‘to. Kaya nga ako nag-apply sa LGV Kingdom eh para makuha ko siya ulit. Tapos nung huling pag-uusap namin, sabi niya may naaalala na siya. I’m running out of options.”

Bumuntong-hininga ako. Kait kailan talaga hindi magpapatalo ang kumag na ‘to.

“You only have one option left.”

“At ano naman iyon, aber?”

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

“Tumigil ka na.”

“How dare you say that.” she said with clenched teeth. Dinabog niya ulit ang baso at nilagyan niya ito ng beer. Nilagok niya ulit iyon ng isang beses.

“I should be daring to say that. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh. Legal na mag-asawa sina Arleigh at Lujille. Kinasal sila sa simbahan. They are united as one. At sila naman yung original na nagmahalan ‘di ba? Nakisingit ka lang.” prangka kong sabi.

“Kinasal lang sila dahil sa merger. Pera ang nagtatali sa kanila.”

Para akong hinihiwa sa talas ng mga tingin ni Leslie. Nasa mukha niya ang hindi-ako-susuko-lalaban-ako na emosyon. Parehong-pareho talaga sila ni Lujille.

“Kahit na ganun yung dahilan, tanggapin mo na lang.”

“Hindi mo kasi ako naiintindihan eh.”

“Naiintindihan ko, Leslie. Gusto mo ipamukha ko ulit sa iyo?”

“Subukan mo lang.”

Ininom ko ang isang basong tubig sa harapan ko. Para sa kanya sana iyon pero hayok siya sa beer ngayon.

“Simula’t-sapul, hindi mo pag-aari si Arleigh. Pansamantala lang siyang naging iyo dahil naaksidente siya. At ikaw naman itong nabiyayaan ng grasya, sinunggaban ang once in a lifetime chance. Inangkin mo yung lalaki na hindi kailanman naging iyo. Tapos heto ka, aarte na parang inagawan ng candy. Alam mo, ako na ang napapagod sa iyo. Hindi ko alam kung kailan ka magigising.”

Hindi siya kumibo at uminom ulit ng beer.

“Ganyan ka ba talagang klaseng tao? Hindi mo man lang ba ako dadamayan?”

Iniwas niya ang mga mata niya sa akin. Tinamaan siya. Tama lang ang ginawa ko. Tumulo na rin ang mga luha niya.

“Les, sumuko ka na. ang OA mo na eh.” sabi ko.

“No. Ayoko. And it’s final.”

“Bahala ka.”

Bigla niyang iniba ang topic.

“Di ba sabi mo kailangan mo ng pera? Pwede kitang bigyan ngayon.” sabi niya.

Binuksan niya ang bag niya at may kinuhang cheke. Inabot niya sa akin iyon. Nagulat ako dahil three hundred thousand pesos ang laman nito.

“Ang laki nito ah.”

“It’s more than enough para masalba mo ang restaurant na ‘to. Malaki ang potential nitong lumago, Nathan. Pag-isipan mo.”

Si Leslie ang una kong sinabihan na unti-unti na akong nalulugi. Tinupad niya ang pangako niya nung nakaraan na tutulungan niya ako. At ito na nga iyon. Pero kinakabahan ako dahil baka may ipapagawa siya sa ‘kin na maakasira sa mag-asawa. Ayokong ako ang pagmulan ng gulo at masisi sa huli. Ayokong mag-away kami ni Lujille.

“Les, ayokong magalit ka pero…”

“Hindi mo matanggap? Hindi ko naman pababayaran sa iyo eh. Tulong iyan.”

Mabigat ang emphasis niya sa salitang ‘tulong’. Bumibigat tuloy ang pakiramdam ko.

“O baka natatakot ka lang? Come on, we’re friends, Nathaniel.” dagdag niya.

Hindi ko masabi ang dahilan ko kaya hindi ko matanggap ang tseke. Nakakahiya na rin sa kanya kasi malaking halaga ‘to.

“Salamat.” nasabi ko na lang.

Pero sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now