Forty-Two

4K 37 4
                                    

Umupo si Leslie sa sofa ng apartment niya at humagulgol. Labis na ang ginagawa niya para pag-ibig, na maging si Nathan na tanging kausap niya kapag problemado siya ay nagawa niyang ilagay ang buhay sa alanganin. Aaminin niyang desperada siya sa pagmamahal ni Arleigh, though she knew he belonged to someone else in the first place. At wala siyang laban.

She lay on her back at malalim na nag-isip. Hindi niya alam kung mapapatawad ba siya ni Lujille at this point. Pati na sina Arleigh at Nathan. Masyado ng maraming nangyari sa mga buhay nilang apat. Maraming nagbago at marami siyang pinilit na baguhin. Naisip niya n asana bumalik na lang sila sa mga taong masaya silang paat. Magbarkada, magakaramay sa hirap at ginhawa. Doon, alam niyang masaya siya. Pero iba na ngayon.

Nag-ring ang cellphone niya. Dinampot niya ito at sumagot.

“Hello?”

“Kumusta na iyong pinagagawa ko sa iyo?” sabi ng isang babae sa kabilang linya.

Napalunok si Leslie bago sumagot. Wala siya sa tamang pag-iisip para makipag-usap sa kahit na sino.

“O-Okay naman p-po. Inayos ko na po.” Garalgal ang boses na sagot ni Leslie sa kausap niya.

“Mabuti. Gagawin ko na ang dapat kong gawin.”

“Sige po. Bye.”

Si Leslie na mismo ang pumutol sa linya. Mahigpit ang kapit niya sa cellphone at ipinagpatuloy ang pag-iyak.

Tiningnan ni Nathan ang pagkabuhay ng fluorescent lamp. Kakagalaw kang ni Lujille sa switch at sinundan niya ito patungo sa sala. Pilit niyang pinapakinggan ang mga sinasabi nito.

“Nakapunta ka na pala dito noon kaya I assume alam mo na lahat ng pasikot-sikot dito sa bahay.”

Inilapag ni Lujille ang isang malaki at maitim na bag na naglalaman lahat ng gamit na kailangan niya.

Nagsimula nang magturo si Lujille sa iba’t-ibang direksyon. Tiningnan lang niya ito.

“Dito yung banyo, yung kusina tapos dun,” Itinuro ni Lujille ang isang pintuan sa harap ng sala.

“Ang kwarto mo.”

Dumako ang tingin ni Nathan sa pintuan. Hindi naman masama.

Nang hindi siya umimik, nagsalita si Lujille.

“Nathaniel, alam kong galit ka sa ‘kin. Kung hahayaan kita ngayon na gawin ang gusto mong gawin, malamang sinasaksak mo na ‘ko. Pero please, hayaan mo naman akong bumawi sa ‘yo. Kakalabas lang natin sa hospital kahapon at pareho tayong pagod. Kailangan mo ng mag-aalaga sa iyo sa tindi ng sugat na tinamo mo. Tiisin mo lang ang mukha ko, okay?”

“Bahala ka.” For the first time matapos nilang lumabas ng ospital, ngayon lang siya nagsalita. Nag-insist si Lujille na dito siya tumuloy. Maging si Arleigh ay pinilit din siya. Pumayag na lang siya para wala ng gulo.

But he’s feeling uncomofrtable with this.

Pakiramdam niya para siyang bata.  Pero may point din naman si Lujille. Mag-isa na lang siya ngayon. Wala siyang kapatid at three years ago, namatay ang parents niya sa isang malagim na aksidente.

“Tinawagan ko na nga pala si Ate Nida. Sabi niya siya na lang daw ang bahala sa restaurant pansamantala. Si Lorraine aman, sinabihan ko muna na samahan ka dito tuwing may bakante siya sa skwela. Maluwag-luwag na rin yung schedule niya eh. Bilin ng doctor na hindi ka pwedeng magbuhat ng mabibigat na bagay. Baka mabinat ka.”

Parang nanay si Lujille kung makapagsalita. A part of him appreciates her gesture for his comfort, pero hindi niya masikmura ang isipin na nasa iisang bubong siya kasama ang asawa ng kaibigan niya at si Lujille mismo. Knowing how he feels for her, kailangan niyang pag-aralan na ilugar ang sarili niya.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon