Sixty-One

2.4K 32 4
                                    

 Arleigh

"Naniniwala ka ba sa destiny?"

Isang matamang tingin ang naisagot ko sa tanong na iyon ni Leslie. Mahirap paniwalaan ang destiny kung ilang ulit nang nawala sa iyo ang taong mahal mo. Siguro hindi ko na dapat paniwalaan iyan.

"Ewan ko."

"Naniniwala ako d'on Arleigh."

Nakakapanibago pakinggan ang mga salitang ito mula sa kanya. Dati rati siya ang pinakahumahadlang sa amin ni Lujille. Ngayon siya pa ang nagmimistulang tulay sa aming dalawa.

"Ano'ng ibig mong sabihin?

"Inimbita ko si Lujille dito."

"Alam ko."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Arleigh, alam kong mahal mo pa rin siya. Please don't let her slip away this time."

"I know. I'll do everything to win her back."

"That's my boy." nakangiti niyang sabi.

"Congrats nga pala." Medyo awakward kong sabi.

"Thank you. I'm truly happy now, alam mo ba iyon? Sorry din sa lahat ng nangyari noon. I know I've been pretty stupid before and I can't undo the things I did."

I smiled. "You know it's okay. Pinatawad na kita. It's all in the past. Wala kang dapat ipag-alala."

"Basta gawin mo yung dapat mong gawin. You can win her back again." sabi niya at kumindat sa akin.

"I will."

"Kung hindi ko kayo makikita mamaya sa reception, hindi na ako magtataka."

"Don't worry, iuuwi ko siya ng buhay. Baka patayin ako ni Nathan."

Tumawa lang siya at nauwi rin sa tawanan ang lahat.


12:16 pm. Parang ilang taon ko nang tinititigan ang lock screen ng cellphone ko. Matagal-tagal pa bago matapos ang kasal. Kanina pa ako nag-aantay na maligaw si Lujille dito sa likod ng simbahan. Kung wala lang sigurong masyadong tao, kanina ko pa hinila si Lujille at itinakas.

Itinago ko ang cellphone sa bulsa ko nang makita ko si Lujille na nagmamadaling naglalakad. Papunta siya sa CR at mabilisang isinara ang pinto.

Tumayo ako at inabangan siya sa labas mismo ng CR. Ito na ang tamang panahon para gwain ang kanina ko pang binabalak.

"I've been looking for you." sabi ko nang buksan niya ang pinto. Napalundag siya ng konti dahil sa gulat.

"And I have to go back. Now, if you don't mind, get out of my way." mataray niyang sabi at nilagpasan ako. Nahagip ko ang braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"No, you're not going back. You're going with me." sabi ko at hinila siya.

"Arleigh, ano ba!" sigaw niya habang tumtakbo kami papunta sa kotse ko. Pilit siyang nagpupumiglas pero mahigpit ang hawak ko sa kanya. Agad kong binuksan ang pinto ng passenger seat at itinulak siya papasok. I locked her from the outside when she attempted to open the door while massaging her head.

Pumasok ako sa driver's seat at isinara nang malakas ang pinto. Bago ko mapaandar ang kotse ay nakita ko siyang nagte-text sa cellphone niya.

"Give me that!"

Inagaw ko ang cellphone mula sa kanya at pinalitan ang unsent text message niya kay Nathan.

Hoy panget! Aalis muna ako sandali. Wag mo na akong hanapin. Mga five years pa bago ako umuwi. Gago ka. Bye!

I hit the send button at ipinakita ang message kay Lujille. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.

"What did you do?! Akin na nga iyan!"

Inagaw ko ang cellhpone niya sa ere nang sinubukan niya itong abutin.

"Arleigh!" frustrated niyang sabi,

Nag-ring ang phone niya. Natigil kami sa agawan at sinamantala niya iyon para agawin ang phone mula sa akin.

Sinagot niya ang tawag.

"Hello Nathan, makinig ka - "

Inagaw ko ulit ang cellphone. Binagsak ko ito sa sahig ng kotse at malakas itong tinapakan. The phone crushed under my shoe and she looked at it with tears welling in her eyes.

"I hate you." she said frimly.

I wasn't moved with her tears. Wala akong pakialam sa nararamdaman niya ngayon. I put my seat belt on.

"Mag-seat belt ka na. Mahaba-haba pa ang biyahe natin."

But just before she can touch the seat belt, humarurot na ako ng takbo paalis ng simbahan.

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now