Seven

7.5K 84 8
                                    

A rainbow of emotions flooded my heart as I stood in front of the glass window, with my wedding dress on. Maulap sa labas at mukhang uulan pa yata. Hinawakan ko ng mahigpit ang bouquet ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag kaharap ko na si Arleigh. Para akong masaya, malungkot, may halong guilt, na parang ewan. Takot akong maitali sa lalaking ayaw sa akin pero mahal ko ng sobra-sobra. But at the end of the day, alam kong kailangan ko itong gawin. Para sa pamilya ko, sa negosyo namin, at para kay Arleigh.

“Lujille, tayo na. Male-late na tayo sa kasal mo.” sabi ni Nathan nang marining ko siyang pumasok ng kuwarto ko.

Humarap ako sa kanya at itinago ang pagkabigla ko. He looked so good in his all-white attire. Mas gumwapo siya sa itsura niya ngayon, athindi na bakas sa mukha niya ang nangyrai sa amin siang linggo na ang nakakaraan.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

“Okay. Halika na.” sabi ko at sabay na kaming lumabas ng kuwarto.

Nagsimulang umulan sa daan habang patungo kami ng simbahan. Tahimik lang si Nathan gaya ng dati, at ng sinubukan ko siyang kausapin, hindi ko inasahan ang nagging reaksyon niya.

“Nathan, okay ka lang ba? Hindi ka ba galit?” tanong ko sa kanya.

Isang malaking ngiti ang isinagot niya sa akin.

“Ba’t naman ako magagalit? Masaya nga ako para sa iyo eh. Hindi na rin magiging desperado ang Mama mo tungkol sa pag-aasawa mo.” Sinundan pa niya iyon ng isang malakas na tawa.

“Oo nga ‘no? Sayang nga lang at hindi ikaw ang pakakasalan ko.”

Natahimik siya sandali pero agad siyang nagsalita.

“Alam mo ba kung bakit kami naghiwalay ni Patrice?” sabi niya.

Naalala ko sinabi niya sa akin ang tungkol diyan.

“Bakit?”

Sinagot niya ako ng walang halong pagdadalawang-isip.

“Dahil sa iyo.”

Idinaan ko na lang sa tawa ang sinabi niya, pero deep inside, ramdam na ramdam ko ang nais ipahiwatig noon. Mahal niya ako, kaya naghiwalay sila ni Patrice.

“Sira ka talaga.”

“Lujille, kapag sinaktan ka ni Arleigh, sabihin mo sa akin, ha? Ipagtatanggol kita.”

“Alangan naming hindi, ‘no? Best friend kaya kita. At alam kong sisiw lang sa iyo ang pulbusin siya.”

Nakaka-touch naman iyon. Sa isip ko, sana siya na lang ang pakakasalan ko. Ideal couple nga kaming maituturing, at alam kong we would live happily ever after.

Enough of daydreaming, Lujille.

Ibang lalaki ang pakakasalan mo, hindi ang best friend mo.

“Nandito na tayo.” sabi niya at inihinto ang kotse sa tapat ng simbahan.kumabog nga malakas ang puso ko. Pinapangunahan ako ng kaba habang binubuksan ko ang pinto ng kotse. Ayokong mangyari ito, but a part of me said that I have to do this.

Hinawakan ni Nathan ang braso ko.

“Handa ka na ba?” tanong niya at tiningnan ako ng mataman.

Tumango ako. “Oo. Handa na ako. Tara na.”

Bubuksan ko n asana ang pinto ng pinigilan niya ako.

“Ako na.” sabi niya at lumabas ng kotse. Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin, na siyang ikinagulat ko. Lumabas na ako at hinarap ang mga taong nakasuot ng kani-kanilang attire para sa kasal namin. Lahat nakangiti, na para bang mas masaya sila kaysa sa akin.

My mom went to hug me, saying that I’ve made the right decision. Ngumiti lang si Daddy sa akin at ini-offer ang kamay niya. Pero bago iyon, much to everybody’s surprise, niyakap ko si Nathan.

“Salamat, at patawarin mo ko.”

“Okay lang. Sige na, pumasok na tayo. Baka ma-delay pa ‘to.”

Tumawa ako at pinisil ang pisngi niya. Inihatid ako ni Dad sa may entrance ng simbahan, and a little while later, nagsimula na kaming maglakad papunta sa altar.

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now