Forty-Six

3.8K 47 5
                                    

A/N: First update for 2014. Sorry kung natagalan. Enjoy! :)

“Leslie, may pinabibigay si Sir sa iyo.” sabi ng isang babae na kasamahan ni Leslie sa trabaho.

Kasalukuyang busy ang opisina ng mga oras na iyon. Nag-e-edit pa ng mga pictures si Leslie na kinuha niya sa isang event kagabi.

“Pakilagay mo na lang sa mesa.” sagot ni Leslie, na hindi inaalis ang mga mata sa screen at ang kamay sa mouse.

“Di ba sa LGV Kingdom ka dati nagtrabaho?” tanong nito.

LGV Kingdom. Nilingon ni Leslie ang kausap.

“Oo. Bakit?”

Tinuro nito ang invitation na nasa mesa niya.

“Basahin mo.”

Kinuha niya ang papel at binasa ito. The company just won an award bilang best real estate company of the year. In-assign ng biss niya sa kanya na kumuha ng pictures sa event. Hindi niya maiwasang kabahan. Paano kung nandoon si Anita at gipitin sya? Mahirap na. Kailangan niya pa ring mag-ingat.

Itinabi niya ang papel at bumalik sa trabaho.

Masusing tiningnan ni Monique ang mga bankbooks niya. Nag-iiba ang pattern ng mga numero. Parang may mali. Unti-unting nawawala ang pera niya.

Tinawagan na niya ang bangko na pinaglagyan niya ng pera. Sila na raw ang bahala sa problema niya. May kutob sya na merong nagnanakaw sa perang pianghirapan niya.

“Hindi pwede ‘to.” sabi niya sa sarili.

Nanatiling nakapako ang mga mata niya sa mga numero.

Something is really wrong.

Nakalatag ang tatlong neutral dresses ni Lujille sa kama. Ilang minute na niyang piang-iisipan kung alin sa mga ito ang isusuot niya. Isang silver, isang beige at isang white na damit. Nasa kalagitnaan sya ng pag-iisip nang yakapin sya ni Arleigh mula sa likod.

“Kahit anong piliin mo, maganda ka pa rin sa paningin ko.” sabi niya.

Ngumiti siya. “Alam ko naman e. Pero baka sabihin mo na tumaba ako ulit.”

“Malakas ka naman kasing kumain e. Maganda ka pa naman.”

Bumitiw si Lujille at kinurot ang dalawang pisngi ng asawa.

“Asus! Bumawi ka lang naman. Umalis ka muna sandali. Magbibihis ako.”

“Bilisan mo. Traffic pa naman ngayon.”

“I will.”

Umalis si Arleigh at isinara ang pinto. Pinili ni Lujille ang silver dress.

Leslie almost got herself lost in the sea of elegantly dressed people. Hindi niya ininda ang bigat ng dala niyang bag at ng camera na kanina pa nakasabit sa leeg niya. Nilakad niya ang entrance hanggang sa grand ballroom kung saan idinadaos ang event. This seemed like a big, lavish evening.

Inihanda na niya ang camera niya at kumuha ng mga litrato bago magsimula ang event. Kailangan niya ang trabahong ito para ma-distract sa mga iniisip niya. Hindi niya kakayaning makita ulit ang ina ni Lujille.

Pagkatapos makakuha ng marami-raming litrato, pinatay niya ang camera to save battery. Naglakad sya ng ilang hakbang paatras at may nabangga syang hindi inaasahan.

“Watch your steps!” singhal sa kanya ng isang babae.

“Sorry po.” Leslie mumbled and when she turned, nanlamig ang buong katawan niya.

“Oh, there you are.” sabi ni Anita.

Sinubukang humakbang ni Leslie palayo pero nahagip ni Anita ang mga braso niya.

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now