Chapter 1

55 8 0
                                    

MALAKAS ang naging hiyawan at palakpakan sa loob ng bulwagan ng Del Carmin's Clothing and Expo, iisa lamang sa mga kompanya na pagmamay-ari ng isang sikat na businessman. He is Dann Michael Del Carmin, isang tall, dark and handsome at may kakaibang sex appeal na hindi pangkaraniwan kaya maraming nagpapantasya sa kaniya. Bawat babaeng nakakakita sa kaniya ay nahuhumaling sa kagwapuhan ng binata. Maraming tumitili kapag siya ay dumadaan at iyong iba ay parang ma-iihi sa sobrang kilig.

Also he is one of the handsome and respected sons of Niccolo Del Carmin. Sa tatlong anak, siya ang mas pinagkakatiwalaan pagdating sa negosyo.

Ngayong araw ang pinakahihintay ng lahat, ang biggest launch ng mga new trends and classics gown ng isang sikat na fashion designer, sikat dito sa Pinas pati na rin sa ibang bansa. Napakagaling nitong si Claire Mendoza, kaya hindi nagkamali ang mga Del Carmin na tinanggap siya sa kompanya.

Matitingkad at napaka-eleganteng mga gowns ang suot-suot ng mga modelo. At ang lahat ay masayang nag-aabang sa pinakahuli at pinakada-best na pabibida sa itaas ng stage. Ang panghuling gown na pinaka-classic ay siyang maaring e-bid sa kahit anong halaga ng mga gustong bumili.

"Finally, the long wait is over. Please welcome the last but not the least, please clap your hands to her," malakas at magarbong introduce ng emcee.

Napakaganda ng modelo kung titingnan sa suot nitong red strapless V-shaped gown filled with small and big diamond shaped beads mula sa balakang papunta sa kaniyang laylayan, kasing ganda ng suot ni Catriona Gray noong kinorohanan siyang Miss Universe.

Lahat ay na amaze at  tuwang-tuwa ngunit nagtaka pa rin ng kaunti dahil nakasuot ang babaeng modelo ng maskara. Natatabunan ang kaniyang mukha pero angkop naman sa kulay ng kanyang suot at tanging mga labi niyang nakangiti lamang ng napakaganda ang masisilayan ng lahat.

"Good job Claire, hindi talaga ako nagkamaling i-hire ka sa company ko," puri sa kaniya ng boss niya.

"Yes of course sir; as I promised, I will do all my best."

"Okay, by the way who is she?" tukoy nito sa kay Haley na hindi siguro agad na gets ni Claire.

"Who?" nag-angat siya ng tingin.

"That girl," sabay turo sa babaeng tinutukoy nito. "By the way, the last model, why is she wearing a mask?" he curiously added.

"Ah, she's been my childhood friend. She is Haleyah Quill Mercado, half British siya mayaman siguro sila ngayon kung hindi sila iniwan ng ama niya since five year-old pa lamang siya. Her mother raised her kahit paano, and then nagkahiwalay lang kami ng mag-college. Kumuha lamang siya ng pagiging guro kasi iyon lang daw ang kaya ng mama niya. Napakabait niyang bff ko sir, masipag at saka mapagmahal ay meron pa pala... NBSB yan."

"You're so very talkative Claire, and why did you tell me about her personal life?"

Natawa na rin siya sa mga sinabi niya. "Sorry sir, na carried away lang sa emosyon ko. Hala papalapit pala ang kaibigan ko rito, sir. Look!" Tinuro pa niya ang kaibigan.

"Ah, okay... But I have to go. Again congratulations for the successful launch."

"Thank you. Okay sir, bye..."

Hindi na sumagot ang lalaki at agad nang tumalikod. Kahit nakatalikod makikita pa rin ang ganda ng tikas ng kaniyang pangangatawan. Kaya ng makarating si Haley sa harap ng Bff niya ay agad nang naglaho ang imahe ng lalaki. Sayang naman. Hindi pa niya nakikita ang mukha nito, pagkakataon na sana kaso umalis na.

Naghahanap ang mga mata ni Haley. Hinanap niya siguro ang kausap ni Claire."Best, umuwi na tayo. Kanina pa ako inaantok, puyat at stress. Sobra kayang nanginig ang buo kong katawan ng unang apak ng paa ko sa stage. Muntik na akong mahimatay pero siyempre iniisip kita at ang pera kung kikitain," malumanay na sabi ni Haley.

"Sa una lang 'yan bff. Halika na, wala ng maraming satsat," huminto muna ito. "By the way, best thank you so much," wika ni Claire sabay yakap kay Haley.

"Welcome, bff," tugon din nito.

HABANG nasa biyahe hindi na maiwasang magtanong ni Haley kung sino iyong lalaking kausap ni Claire kanina dahil hindi niya ito nakita ng malapitan. Kasi nang dumating siya ay nawala na rin iyon.

"Best? Tinatanong kita kanina pa, sino ba iyon?" untag niya sa kaibigan na walang ganang sumagot. Naka-focus kasi ito sa pagmamaneho.

"Ha? Ang alin dun? Sino?"

"Iyong kausap mo kanina bago ako makarating sa kinaroroonan mo?"

"Ah, siya ang boss natin si Sir DM, sayang nga, hindi kita naipakilala ng formal. Pero bet ka niya."

Wala nang ibang tanong mula kay Haley, kuntento na siyang malaman na boss nila iyon. Ni hindi pa nga niya nakita ang mukha nito sa malapit, palaging likod lang. Pwede ba iyon? Napaka-mysterious namang tao.

PAGKARATING ng bahay ay dumiretso na siya ng silid at agad na bumulagta. Sobra siyang napagod dala ng kaba at stress na ininda niya para lang hindi mapahiya ang kaibigan at para sa pera na rin. Malinis namang trabaho ang pagmomodelo kaya why not di ba? It's an opportunity that she will grabbed, besides malaki ang sweldo, mas malaki pa sa sweldo niya bilang guro.

ALAS DIYES na nang umaga ng magising si Haley dahil sa sobrang pagod niya. Hindi niya maubos isipin kung ano ang mga nakakatakot at napaka-challenge na ginawa niya sa tanang buhay niya. Kung hindi lang iyon dahil sa pakiusap ng kaibigan niya at siyempre para sa pera na kikitain para sa pantustos sa pagpapagamot sa kaniyang inang maysakit ay talagang hindi niya iyon gagawin.

"Its been six month na pala akong nagtuturo, parang hindi ko namalayan. Then, at the same time part-time model ako sa kompanya ng mga Del Carmin pero hindi ko pa yata nakikita ang pagmumukha ng boss namin ah, gwapo ba iyon?" mga naging pagmuni-muni ni Haley.

"Haley, anak. Halika muna, tulungan mo akong dalhin sa hospital. Masakit na naman ang puson ko," tawag ng kaniyang ina na halos mahimatay na sa sobrang sakit ng puson nito.

"Nay nandiyan na ako, huwag kang mag-aalala, magiging okay ka nay," mabilis niyang tinungo ang kaniyang ina. Agad din siyang naghanap ng mga makakatulong sa kaniya na madala sa hospital ang kanyang ina.

Halos hindi makakain si Haley pagkatapos dalhin ang ina sa hospital, mugto na rin ang mga mata dahil sa nangyari. Panay ang agos ng mga luha niya. Labis siyang nag-alala sa kalagayan ng ina nang malamang may stage 4 Colon Cancer ito. Ito siguro ang nakuha ng kaniyang ina sa malimit na pagkain at pagkayod kalabaw para makapag-aral siya ng kolehiyo.

"Nay, mahal na mahal kita. Nay lumaban ka, ikaw na lang ang natitira sa buhay ko. Hindi ko kakayanin ang mawala ka rin sa buhay ko," wika niya habang hawak ang kamay ng ina niya.

"Bff, Tama na iyan, halika na muna. Umuwi ka muna sa inyo. Kumain ka na din at magpalit ng bagong damit. Ako na ang magbabantay kay Tita Fe. Bff, huwag kang mag-alala may tulong na ibinigay si sir DM para sa pagpapagamot sa nanay mo."

Kahit na napilitan lang si Haley ay umuwi na rin siya. Tama naman kase ang sinabi ng kaniyang kaibigan.

Pagkarating sa bahay nila ay kumain saka nagbihis siya ng bagong damit at nag-ayos ng sarili pagkatapos bumalik sa hospital.

Hindi muna siya pumasok ng trabaho ng mga ilang araw para maaalagaan muna ang ina. Nagpaalam na rin siya sa kaibigan na hindi rin muna siya makapasok sa company.

"Anak, Haley!" Hinanap agad siya ng ina niya ng magising na ito.

"Nay? pasensya nakatulog ako."

"Anak, salamat sa lahat. Mahal na mahal kita."

"Nay, mahal na mahal din kita. Pangako ko sa'yo hindi kita iiwan at aalagaan din kita hanggang kaya ko nay. Magpagaling po kayo at sa bahay ka na lang nay. Hindi ka na magtatrabaho kasi may pera na akong naipon."

MAKARAAN ang tatlong buwan ay naging maayos na ang lahat. Magaling na ang kaniyang ina at nagte-take na lang ng mga supplements.

Naging sikat ding mysterious model si Haley kasi hindi pa na re-revail ang katauhan niya dahil sa suot nitong maskara. Ang angking magandang pangangatawan at magandang pang-aakit sa madla ay nagdulot sa maraming lalaki ng kagustuhang makuha siya, mahawakan at maligawan. Maraming nahuhumaling sa makinis at balingkinitang katawan ni Haley.

Umuwing pagod si Haley, kaya hindi niya namamalayang may mga sumusunod sa kaniyang tatlong kalalakihan at basta-basta na lang siyang hinarang ng isa, at pinasinghot ng panyo ng isa pang lalaki. Sinilid sa kotse at pinaharorot ng takbo.

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now