Chapter 6

17 2 0
                                    

"Finally, I can go home now. It's been 6 months na nandito ako sa States. Kamusta na kaya ang mga bagay-bagay roon?" wika ni Claire habang excited sa pag-iimpake ng kaniyang gamit. Gusto na niyang makauwi dahil miss na niya ang pamilya at gusto niya ring malaman kung kamusta na ang paghahanap sa kaibigan niya. Hanggang ngayon sinisisi pa rin niya ang sarili sa nangyari kay Haley.

Hindi naman siya nagbakasyon sa States. Inutusan siya ni DM na asikasuhin muna ang negosyo nito sa States.

Safe na nakauwi ng Pinas si Claire. Pagdating sa bahay nila taos puso siyang sinalubong ng kaniyang mga pamangkin. Siyempre humuhingi ng mga pasalubong. May mga nabili naman siya as usual na ginagawa niya tuwing umuuwi.

"Tita Claire, I really missed you," ingos ng isa sa kaniyang pamangkin.

"I miss you all," sagot niya. Niyakap niya ang mga ito.

Nagpahinga siya pagkatapos dahil bukas balik trabaho na naman. Ayaw niyang magpahinga ng matagal dahil gusto niyang malaman ang update sa paghahanap ng kaibigan niya.

KINABUKASAN pumasok agad ng trabaho si Claire. Subrang excited siya na ibalita sa lahat ang mga pangyayari sa States. Successful ang projects doon sa tulong ng mga kasamahan niya.

Nakasalubong niya si DM sa hallway kaya inanyayahan siya nito para makapag-usap. Sa opisina sila tumuloy.

"Take your sit," anito.

"Sir, kamusta na po ba, may update na ba sa paghahanap kay Haley?" tanong niya matapos makaupo.

"So far, okay lang siya. Pero ang nanay niya... Mahigit tatlong buwan nang namayapa. Pasensiya ka na at hindi ko na naibalita sayo lahat ng detalye ayoko na mag-aalala ka at maapektuhan ang trabaho mo." Malungkot na sagot ni DM habang si Claire ay gulat na gulat at halo-halo ang emotions.

"Huh? Ano? Bakit hindi mo sinabi sir? Ako lang pala ang walang kaalam-alam sa mga nangyari?"

"I'm sorry to hide what happened Claire," hinging paumanhin nito.

"Eh, Nasaan si Haley? Miss na miss ko na siya? Sobrang na miss," umiiyak na tanong ni Claire sa boss niya.

"Dadalhin kita sa kinaroroonan niya sa tamang panahon, ngunit sa ngayon pagpasensyahan mo muna," sagot ni DM na bigla ulit nalungkot.

"Sir, DM naman oh. Kailan? Miss na miss ko na siya talaga. Basta pangako mo sa 'kin ha. Sige, maghihintay ako sa tamang panahon na sinasabi mo," sabay punas sa mga luha.  Alam ni Claire na may isang salita ang amo niya.

Hindi na siya muli nagtanong pa. Alam na naman niyang safe ang kaibigan dahil malaki ang tiwala niya sa amo niya. Maaga siyang umuwi dahil pinagpahinga muna siya ni DM, magkakaroon muna siya ng two weeks leave.

Dumaan muna si Claire sa bahay nila Haley para e-check ang bahay, mga gamit at nang ma-i-lock ng mabuti ang bahay. Maayos naman ang lahat kaya naisipan na niyang umuwi.

Pagkalabas niya ng bagay ay laking gulat niya ng makita ang mga armadong kalalakihan. Nakatayo ang mga ito sa labas ng pintuan.

"Miss sumama ka sa amin ng matiwasay kung ayaw mong masaktan," sabi ng lalaking naka-bonnet habang may kutsilyong hawak na nakatutok sa tagiliran ni Claire.

Agad siyang natakot. "Maawa po kayo. Huwag ninyong gawin ito sa akin," pakiusap ni Claire. Halos mamaos na siya sa pagmamaka-awa.

Hindi siya pinakinggan ng mga armadong lalaki kahit anong pakiusap niya. Mas lalo siyang kinabahan.

Mabilis siyang isinakay nito sa loob ng itim na van. Mayroon pa palang tatlong kasamahan sa loob. Hindi na niya nagawang magmatigas at sumigaw ng pinatulog siya ng isa sa apat na lalaki gamit ang pagsuntok ng dalawang beses sa sikmura niya. Napakasakit niyon kaya agad siyang nawalan ng malay.

NANG magising siya ay agad na tumambad sa kaniyang paningin ang pamilyar na bulto ng tao.

"Nasaan ako?" tanong niya saka inilibot ang mga paningin sa paligid ng silid na kinalalagyan sa kaniya ng mga taong kumidnap sa kaniya. Wala siyang idea kung sino ang nag-utos niyon na gawin sa kaniya.

"Well, Miss Claire you are here in my safe house. How are you? How's your work in the States. Is it successful?" anang boses ng lalaki. Medyo garalgal ang boses nito at pamilyar sa kaniya.

"Who are you? Why are you doing this to me?" pasigaw niyang tanong.

"Come on Claire, you don't have any idea?" wika nito sabay na humarap ang lalaki.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino. "Huh? Don Manolo, ikaw? Ano to? Anong ibig sabihin nito?" 'di makapaniwalang tanong niya sa matanda.

Tumawa muna ito bago nagsalita. "Isa lang naman ang ibig sabihin nito. Nasaan na ang kaibigan mo?" nakangising tanong ni Manolo.

"Sinong kaibigan?" pagmamaang-maangan ni Claire. Alam naman niyang iisa lang ang kaibigan niya at iyon ay si Haley.

"Aba ang gag* nagmamaang-maangan pa! Tunta! Si Haley!" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang pingi niya. Masakit at madiin ang pagkahawak nito pero binaliwala niya.

"I... Don't... Know..." sigaw niya dito. Nagmura pa siya sa subrang inis.

"Aba, matapang at nagmamatigas ka pa?" Sinampal siya ni Don Manolo kaya dumugo ang kaniyang labi. Mas masakit pa sa katotohanan na wala siyang boyfriend hanggang ngayon.

"Don Manolo kahit ano pa ang gagawin mo, kahit patayin mo pa ako wala talaga akong alam." Totoo naman talaga na wala siyang alam kung nasaan si Haley. Hindi naman kasi sinabi ni DM sa kaniya kung nasaan ang kaibigan niya. Mas mabuti ngang wala siyang alam. Mas mapoprotektahan niya ito.

"Papaanong wala kang alam? May nakapagsabi sa akin na nakita na ng kaniyang ina si Haley at ikaw walang alam? Punyita ka!"

"Paano mo nalaman? 3 months nang patay ang ina niya." Pinisil ni Manolo ang pisngi niya ng malakas. "Wala nga eh, ano ba kasi ang pakay mo sa kaibigan ko?"

Tumawa ito ng napakademonyo. "Alam  mo namang napakaganda ng kaibigan mo, hindi nakakapagtataka na walang magkakagusto sa kaniya, hindi ba?"

"Demonyo ka Don Manolo, hindi ako papayag na may masama kang gagawin sa kaibigan ko."

"Talaga bang wala ka talagang alam?" Sinampal siya ulit ni Manolo.  Masakit pero hindi niya pinakitang nasaktan siya.

"Wala. Wala. Wala. Bingi ka ba? Oo nga bingi ka nga  kasi matandang ulianin ka na. Palibhasa matandang makunat ka na!" matapang na bulyaw ni Claire kahit na dumudugo na ang labi niya. Maga na rin ang mukha niya sa kakasampal ng demonyong lalaki.

"Estupida, wala kang kwenta," sinipa siya ng matanda dahilan para mawalan siya ng malay.

TLS1-  BittersweetTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang