Chapter 3

23 4 0
                                    


MABILIS  na kumalat ang balitang dinukot si Haleh ng tatlong armadong lalaki. Pero simula ng madukot siya hanggang ngayon ay hindi pa siya nahahanap.

Mahigit tatlong buwan na siyang pinaghanap ng mga pulis. Madalas din mawalan ng malay ang kanyang ina dahil sa labis na pag-aalala sa kalagayan ng anak. Mabuti na lang at doon muna umuuwi sa bahay nila si Claire para maalagaan ang ina ni Haleh.

"Miss Claire, pwede ka bang ma-interview para sa pagkawala ng bff mo na si Haleh? May natatandaan ka pa ba bago nangyari ang pagdukot sa kanya?" tanong ng isang reporter. Pumunta kasi ito sa office niya.

"I'm so sorry Maam,  wala na po akong natatandaan maliban sa pauwi na sya noon. Nagpaalam siya sa akin na mauuna ng umuwi na dahil pagod na siya at ina-antok," tanging nabigay na impormasyon ni Claire sa reporter.

Naiirita na si Claire sa paulit-ulit na tanong ng mga media. Ito naman kasing mga pulis wala pa ring nagagawa para mahanap ang kaibigan niya. Kahit wala si Haleh sa company bilang model ng mga classic na gown pasalamat pa rin siya at nakahanap ng bagong modelo. Maganda ito, maputi at mataas. Pero kahit anong mangyari mas mainam pa din  ang bff niya. Marami ang naaaliw doon at mas malaki ang kita ng kompanya noong siya pa ang nagmomodelo sa mga classic at branded na mga gowns.

"Miss Claire, I'm sorry for being late," paliwanag ni Czenaida Mac Gurry. Siya ang pumalit kay Haleh.

"It's okay Czen. By the way be ready for the pictorials."

"Yes, Miss Claire," sabay ngiti.

Agad namang natapos ang pictorial kaya maaga na umuwi ng bahay si Claire. Nag-aalala na naman siya sa kalagayan ng ina ni Haleh. Kanina kasi bago siya umalis malungkot ito habang nakatanaw sa may bintana. Baka ano ang pwedeng maisip ng matanda.

Mabilis siyang umuwi para e-check kung ano ang kalagayan nito. Lumuwag ang puso niya ng makitang nagluluto ang matanda sa kusina ng madatnan niya ito.

"Tita Fe, magandang hapun."

"Halika na Claire, kumain ka na. Alam kong gutom ka. Sana kung nandito lang  si Haleh mas masaya. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na buhay pa sya at makakabalik pa sya rito."

Ipinaghain siya nito ng pagkain sa mesa. Naupo na rin siya para matikman ang luto nito. Masarap itong magluto at pareho nilang paborito ni Haleh ang mga luto nito.

"Opo tita, pasensya na po. Wala pa talagang update ang mga pulis, ang bagal ng imbestigasyon. Pero huwag kayo mag-alala. Gagawin ko ang lahat mahanap lang sya."

"Salamat hija, napaka-suwerte ng anak ko na nakilala ka niya."

"Uhmm. Tita, sumama po kayo bukas sakin pupunta tayo ng bahay. Doon muna kayo magstay para marami kayong makakasama sa bahay. Napakaboring naman dito. Biro lang iyan tita, sa akin lang ay para maykasama ka."

"Aba, pwede naman hija."

Kinabukasan sumama ang ina ni Haleh sa bahay nina Claire kahit papaano ay naibsan ang kanyang lungkot dahil may kasama na siya. Marami ang mga bata sa bahay ni Claire. Mga pamangkin iyon lahat ni Claire. Mga pamangkin sa mga pinsan niya.

Nasa sala si Claire at nakaupo sa harapan ng kanyang laptop ng may hindi nakarehistro na numero ang tumawag sa kanya. Agad niya itong sinagot dahil nagbabakasakali siyang magbibigay ito ng impormasyon tungkol sa kaibigan niya

"Hello? Sino to? Ano ang kailangan nila?"

Ibababa na sana ni Claire ang telepono dahil sa inip na wala namang sumasagot sa kabilang linya ng may biglang nagsalita.

"Claire," mahinang wika ng nasa ibang linya.

"Haleh ikaw ba to? Bff? Hello?"

"I'm sorry Claire, but..." sabay putol ng tawag sa kabilang linya.

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now