Chapter 16

9 0 0
                                    


NAPASUNTOK sa pader si Nicolaus pagkatapos niyang makita sina Haleh at DM na naghahalikan. Bigla siyang nagtaka kung bakit nangyari iyon nang sa pagkaka-alam niya ay kinamumuhian ni Haleh si DM. Ang alam din niya ay paghihiganti lang ang dahilan kung bakit kinakailangan ni Haleh na makipagkaibigan at magpanggap na magkasintahan sila ni DM.

"Oh, no. I can't believe of what I see. DM and Haleh are kissing for what reason?" napahilamos ni Nicolaus ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.

Inabangan ni Nicolaus na makalabas ng kwarto ni Haleh si DM para komprontahin ito tungkol sa nakita niya kanina.

Pagkaraan ng 30 minuto lumabas na din si DM sa kwarto ni Haleh.

Isang malakas na suntok ang tumama sa pisngi ni DM dahil sa pagkabigla ay parang natigilan ito ng mundo.

"Ano ba ang kasalan ko sa iyo Nicolaus?" galit na tanong ni DM saka kinapa ang labi.

"Ano ba ang namamagitan sa inyo ni Kristina o Haleh DM?" tanong ni Nicolaus habang nakahawak ito sa kanyang kwelyo.

"Bakit ano ang paki-alam mo?" puno ng angas na tanong ni DM.

"May paki-alam ako Dann Michael Del Carmin kay Haleh dahil mahal ko siya. Ano ba ang ibig sabihin ng nakita ko kanina?" galit na galit na sabi ni Nicolaus.

"Mahal? Kailan ka pa ba natutong magmahal Nicolaus? Or shall we say kayong mga Bernardo marunong pa pala kayo magmahal? Loko ka. Akin lang si Haleh," madiin na pagkasabi ni DM.

Naging madiin ang kanilang bangayan at ng huli ay nagsuntukan silang dalawa. Namamaga na ang mga mukha nilang dalawa ngunit ayaw pa rin nilang tumigil.

"Back off Nicolaus, doon ka na sa tiyuhin mong demonyo," panunudyo ni DM habang humihingal.

"Hell no, I won't let you to take Haleh from me," humahangos na din si Nicoloaus dahil sa pagod.

Mula sa loob ay may naririnig na ingay si Haleh kaya sinubukan niyang lumabas para usisain kung ano at saan nagmumula ang mga ingay na kanyamg naririnog.

Biglang nagulat si Haleh ng makita na nagsusuntukan na naman sina DM at Nicolaus. Kaya siya naman ang taga-awat ng dalawa.

Pumagitna si Haleh sa kanilang dalawa muntikan ng matamaan ng suntok ngunit mabilis namang nakailag. Mas magaling si Haleh sa pakikipaglaban kompara sa kanilang dalawa.

"Tama na, ano ba ang pinag-aawayan ninyong dalawa?" tanong ni Haleh na may halong pagtitimpi.

"That bastard is such a f*cking man, how he could punch my handsome face with out asking something," sabay turo ni DM kay Nicolaus na may pagmamayabang na boses.

"Kristina, sorry hindi ko naman yan gagawin kung wala akong nakitang masama, tapatin mo nga ako Kristina , ano ba ang namamagitan sa inyong dalawa ni DM?" paanas na salita at tanong ni Nicolaus dahil sa pagod at putok ang kanyang mga labi.

Biglang natigilan si Haleh sa narinig niya mula kay Nicolaus.

"Haleh, Darling sabihin mo na kasi kay Nicolaus kung ano ang namamagitan sa atin para matauhan na ang kumag na iyan," panunudyo ni DM

"Sasabihin ko sayo pero sumama ka muna sa akin, gusto ko tayong dalawa lng para walang disturbo," sagot ni Haleh.

"Oh, saan kayo pupunta? Dito lng kayo sa bahay ko at baka may ibang gagawin iyang lalaki na iyan, di ako naniniwala na sayo siya kumakampi Haleh malay mo spy siya ni Manolo, ang boses ni DM sa kanyang pagsasalita ay nagpaparatang.

"Okay, we will stay but please DM leave us first," ani ni Haleh.

"Sure, doon lang muna ako sa labas. Maghihintay lang ako sa labas baka may masamang gawin iyang Bernardo na yan, tiyak malilintikan iyan sa akin," boses ni DM may halong panunudyo at pagbabanta.

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now