Chapter 18

10 0 0
                                    

GALIT na galit si Manolo dahil palpak ang naging plano nilang pagdukot kay Haleh. Parang bumubuga siya ng apoy sa tuwing sinisigawan niya ang kanyang mga tauhan.

"Punyita kayong lahat. Mga inutil kayo isang babae lang natakasan na naman kayo?" galit na galit na sabi si Manolo. Kulang na lang at mambabatok ito ng mga kasamahan niya.

"Sir, okay na man po ang lahat pero may dalawang lalaki na nangi-alam at pumara sa sinasakyan namin at ng hindi kami tumigil pinagbabaril nila ang van kaya natamaan si Bogart at namatay na din dahil siya ang nag drive ng van," paliwanang ng isa sa nakaligtas na tauhan Manolo.

"Enough, namumukhaan mo ba kung sino at ano ang pagmumukha nilang dalawa?" tanong ni Manolo.

"Hindi po sir, nakabonit kasi silang dalawa eh," sagot ng kanyang tauhan.

"Sige, umalis muna kayo sa harapan ko. Ayaw kung makita ang pagmumukha ninyo habang hindi ko pa nakukuha ang Kristinang iyon," galit na utos ni Manolo.

Habang nag-uusap sina Manolo at ng kanyang mga tauhan mayroon din palang nakikinig sa kanilang usapan. Si Manang Merna ito. Lahat ng kanyang naririnig at nalalaman ay kanyang pinapa-alam kay Nicolaus.

Pagkaalis ng mga tauhan ni Manolo ay may tumawag din dito.

"Hello", sagot ni Manolo sa kausap sa kabilang linya.

"Sir, may nalaman na po akong impormasyon tungkol kay Ma'am Kristina," sagot ng sa kabilang linya.

"Ano? Sabihin mo agad. Ayaw kong nagpapatumpik-tumpik pa. Bilis," aboridong sabi ng matanda.

"Sir, si Maam Kristina at Haleh ay iisa. Siya rin ang tumulong kay Claire na makatakas mula sa pagkakidnap mo," sabi ng sa kabilang linya.

"Hahahaha. Sinabi ko na nga ba. Tama pala ang hinala ko. Humanda ka sakin Haleh o kung sino ka pa. Makukuha rin kita hindi sa ngayon pero malapit na." tumawa ng malademonyo si Manolo.

"Sir, alam ko na rin kung saan sila matatagpuan," sabi naman ng kanyang kausap.

"Saan? At kanino mo nalaman itong impormasyon?"tanong ni Manolo na may halong galak. Sa wakas may alam na din ito.

"Sa mga magulang ni Claire sir, noong una naming tanungin ayaw nilang sabihin pero ng pwersahin namin ang kanyang ina, ayan tuluyang kumanta na rin kung saan sila. Kung may alam sila tungkol kay Kristina. Meron nga at sinabi niya ang lahat tungkol kay Kristina o Haleh," sagot ng sa kabilang linya.

"Magaling. E-text mo na lang ang address kung saan ang lungga nila," ani nito sa kausap.

"Sige po sir"

"Sige"

Agad na pinutol ng tumawag kay Manolo ang phone call. Tumawa na ulit ito. May masama na naman itong plano.

Lahat ng mga pinag-usapan nila ni Manolo at ng tumawag sa kanya ay narinig ni Manang Merna. Agad siyang umalis sa tinataguan niya at nagtungo sa loob ng kanyang kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Nicolaus ngunit hindi niya ito ma-kontak. Kaya nag-alala siya sa binata.

Maya-maya ay lumabas ng kanyang kwarto si Manang Merna para sana magpa-alam kay Manolo ngunit nakasalubong niya itong matalim ang tingin sa kanya. Bigla siyang natamimi at hindi nagawang magpa-alam. Pupuntahan niya sana si Nicolaus dahil alam niya naman ang address nito.

"Merna, aalis ako ngayon may pupuntahan ako na importante at business related ito kaya kailangan na nandoon ako. Ikaw muna ang bahala sa mansyon," tugon ni Manolo.

"Opo sir, mag-ingat kayo"

Agad na umalis si Manolo. Nang masigurado na ni Manang Merna na nakaalis na sina Manolo agad naman siyang nagbihis at umalis. Ito na ang kanyang pagkakataon upang puntahan si Nicolaus at ipa-alam ang kanyang nalaman na plano ni Manolo kay Haleh.

Alam na rin ni Manang Merna ang tungkol kay Haleh at kung anong kaugnayan nito sa matandang Manolo na ito.

Nakarating na si Manang Merna sa bahay na tinitirahan ni Nicolaus ngunit bigo siyang matatagpuan doon ang binata. Tinawagan niya uli ang numero ni Nicolaus. Sa wakas ay nag-ring na ito.

"Hello," sagot ng sa kabilang linya na boses babae. Kinabahan tuloy siya.

"Hello po, nasaan po ba si sir Nicolaus? Bakit kayo ang sumagot ng cellphone niya Maam?" tanong ni manang Merna na may halong pagtataka.

"Ah, sorry po na pinaki-alaman ko ang cellphone niya. Tulog pa po siya. Kahapon pa siyang tulog mula ng dinala ko siya dito sa bahay. Puno po kasi ng mga pasa ang mukha niya at ng tinulungan niya ako sa bar nadagdagan po iyon at dahilan para mahimatay siya, " salaysay ng babae sa kabilang linya.

"Ganun ho ba? Saan po kayo at pupunta ako diyan." Napaluha na ito sa subrang pag- aala sa sinapit ng alaga.

" Eh, te-text ko na lang po," sagot ng babae sa kabilang linya.

"Sige hija salamat"

Nang makuha na ni Manang Merna ang address ay dali-dali siyang pumunta roon.

Samantalang si Manolo ay hindi Business related ang kanyang pakay sa kanyang pupuntahan. Pupunta sila sa hacienda Villa Rosa upang tugisin doon sina Haleh.

Malapit ng magtakipsilim ng makarating sina Manolo sa boundary papasok ng hacienda ngunit mahigpit ang mga security doon. Hindi basta-basta makakapasok ang mga taong hindi taga roon dahil hinahanapan pa ng valid ID at Residency. At hindi pinapayagan ang hindi buyer ng gulay at prutas na makapasok sa hacienda.

"Sir, ayaw talaga nilang pumayag na papasok tayo sa hacienda," sabi ng isa niyang tauhan.

"Punyita, gulpihin ninyo at nang matakot. Mga utak niyo na saan," galit na utos ni Manolo.

Ganyan naman talaga si Manolo palagi lang nag-uutos kung siya kaya ang gumawa at nang malaman niya. Puro lng naman siya dada eh.

"Eh, ayaw talaga sir. Sabi nila hindi talaga pwedeng makapasok kapag walang appointment mula kay Maam Kristina," sabi na namn ng kanyang tauhan.

"Nakakainis naman ito. Dinadagdagan na naman ni Haleh ang galit ko. Kapag mahuli ko siya. Luluhod siya sakin," galit na galit na wika ni Manolo.

"Sir, bumalik na lang muna tayo at mag-iisip ng bagong plano," suhestiyon ng kanyang tauhan.

"Aba, may utak ka rin pala naman Tonying ano?" wika ni Manolo.

Agad namang sumibat ang kotse nina Manolo. Bumalik sila sa bayan at naghanap muna ng hotel na tutuluyan nila. Dapat na huwag siyang magpaka-stress dahil baka iyan ang ikakamatay niya. Matanda na siya kaya dapat be ware siya sa mga bagay-bagay. Pero sabi nila masamang damu matagal mamatay, iyan si Manolo.


TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now