Chapter 23

10 2 0
                                    

"GOOD job Nicolaus, maaasahan ka talaga. Akala ko umalis ka."

     "Thank you. Di ba sabi ko sayo na tutulungan parin kita."

     " Salamat. Kamusta ka? Nasaktan ka ba? Nakita namin lahat ng pangyayari diyan. Galing parang nanonood kami dito ng pelikula ni Lito Lapid. Galing-galing mo. Siya nga pala bakit hindi mo pa tinuluyan si Manolo?"

" Okay lang ako ni walang gasgas o daplis. Napagtanto ko ang mga sinabi mo sakin Haleh. Pwede pa tayong magbago  at hindi natin pwede ilagay sa mga kamay natin ang hustisya. Bayaan mo at sa susunod ay mas paglalaruan ko pa siya,"sagot ni Nicolaus

     "Ikaw ha, may tinatago ka palang pagka-aksyon star," biro ni Haleh.

      Nagtawanan na lang silang dalawa. Binaba na nito ang tawag mula sa kaibigan.

      Samantalang sina Manolo ay agad na tumungo sa pinakamalapit na hospital para makapagpagamot ng kanilang sugat na natamo. Di na matukoy kung saan sila sumakay para makarating doon.

Panay ang tawa ni Haleh sa kanyang nasaksihan na mga eksena mula sa pinapanood nilang panyayari sa hacienda partikularmente sa harap ng kanyang mansyon.

Parang sa pelikula lang kung tingnan.

"I think Manolo slowly got feared for what happened to him Darling, or else mas nagalit siya. This is it wala na siyang kawala pa, marami siyang sugat at matagal pa itong gumaling kaya kikilos na tayo para maunahan natin siya. Pababagsakin natin ang kung anong ilegal niyang negosyo para paghinaan siya ng mga galamay," sarkastikong wika ni Haleh

"Sure, alam ko lahat ng negosyo niya. May iilang nalulugi na dahil sa napabayaan na niya ang iyon. Pwede ko tong kunin kapalit ng mga utang niya sakin," sabi naman ni DM sabay ngisi.

"Aba, magaling. Parang pumapanig talaga ang panahon sa atin. Well, we're going back to Manila so that we can make it as soon as possible," saad naman ni Haleh.

"Ano bang suporta o tulong ang maaari kong maibigay DM?"tanong ni Miguel na nakikinig din sa kanilang plano.

"Nothing but protecting my daughter is better. Protektahan mo sina Claire at ang anak ko iyon lang. Kami na ang bahala kay Manolo. Nandiyan naman si Nicolaus na tumutulong sa amin," sagot ni DM sa tanong ni Miguel

"Okay. I will."

"Pero Haleh mag-ingat talaga kayo. Tuso si Manolo at kahit babae wala siyang sinasanto. Ang sakit-sakit kaya ng mga pinanggagawa niya sa akin noong pinadukot niya din ako. Muntik na akong malagutan ng buhay nun pero siyempre strong kaya ako," wika ni Claire na nag-aalala.

"No need to worry Claire. I can handle this. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Marami na akong natutunan ng dahil kay Miguel, " sagot ni Haleh kay Claire.

"Siya-siya mga Ma'am at sir, kain na po kayo. Bayaan nyo muna iyang tungkol kay Manolo walang mabuting maidudulot iyan sa kumakalam na sikmura," pabirong wika ni Manang Loling.

"Salamat po manang, alam ninyo kahit na wala na si Nanay parang nandiyan parin siya kasi nakikita ko siya sayo, hindi literal ah, iyong pag-aalaga ng isang ina kumbaga," wika ni Haleh sabay yakap kay Manang Loling.

"Maam Kristina naman, ano ba iyang pinagsasabi mo? Ngayon ko lang yata narinig mula sayo ah"

"Manang naman, huwag mo na akong tawaging Kristina. Haleh na po, mas magandang marinig na tinatawag ako sa palayaw ko eh,"malambing na pagkasabi ni Haleh

"Opo, Maam Haleh, sige na kain na kayo."

"Wow, sarap talaga ng mga luto mo Manang Loling," puri ni Claire

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now