Chapter 9

13 0 0
                                    

LUMIPAS ang ilang buwan na nakatira sa mansion si DM. Araw-araw niyang nasusubaybayan ang bawat kaganapan sa buhay ni Haley at sa anak nito. Kahit ayaw ng babae na tumira siya kasama nila, pinipilit niya pa rin ang sarili na makipagsiksikan sa mansion.

Kahit pinagtatabuyan na siya nito ng paulit-ulit ay nanatili siyang determinado na makuha ang loob at tiwala ng babae.

Nasa garden si Haley at nagdidilig ng mga halaman at bulaklak. Kinakausap niya ang mga bulaklak dahil ito ang kanyang paniniwala. Maganda raw ang pamumulalak ng halaman kapag kinakausap sila at inaalagaan ng mabuti.

"Ang gaganda niyo talaga, marami na ang mga bulaklak ninyo,"wika niya saka inaamoy-amoy ang mga iyon.

"Oo nga, napakaganda nga kasi ng nag-aalaga sa kanila," sabad ng boses ng lalaki na nagmula sa likod niya.

"Huh? Ikaw na naman, alam mo ang tigas ng ulo mo. Nakakainis ka na. Palagi ka na lang sumusulpot kahit saan."

"Alam mo lalong kang gumaganda kapag galit ka," pagbibiro nito sa kanya.

"Tse! Umalis ka nga," sabay walk out.

Hindi paman siya naka-alis ay nahapit na ng lalaki ang kanyang baywang dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito. Damang-dama niya ang masculine body ng lalaki. Ang bango nito na hindi nakakaumay. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib na halos ikabingi niya sa sobrang lakas. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Tatlong beses na niya itong naranasang maramdaman sa parehong lalaki at iyon ay dahil kay DM.

"Bitiwan mo ako Mr. please," parang bata na umiingos si Haley. Gusto na niyang makaalis dahil baka makita nitong namumula siya or worst makikita ng mga tao sa mansion at mapagkamalang may relasyon sila.

"Ayoko nga, gusto kong kayakap kita. I really want you Haley. I will do anything na magustuhan mo ako. Maging karapat-dapat para sa iyo." Bulong nito sa tenga niya saka inilapit ang mukha niya. Magkalapit ang mukha nila na siyang nagpadagdag ng kaba ni Haley.

"I dont care. Bitiwan mo na ako. Nakakahiya baka may makakita sa atin."

Sa sobrang pagpupumiglas ni Haley ay na out of balance siya dahilan para mahatak niyaang lalaki at matumba sila sa lupa dahilan para magkahalikan sila ng hindi sinasadya.

"Now, I will not allow you to escape from me Haley. Look at me. Look at my eyes. I'm serious with you."

"No. No, let go of me, please," pagmamakaawa niya.

Kahit pa sabihing nagustuhan niya ito ay mali pa rin ito at nakakahiya kung may makakita sa kanila sa ganuong posisyon.

Hindi siya pinakinggan ng lalaki sa halip isang matamis at madiin na halik ang binitawan ng lalaki. He kissed her gently and passionately. Nakaramdam ulit si Haley ng kakaibang pakiramdam, parang pamilyar sa kaniya kaya bigla niyang itinulak ang lalaki at tumayo.

"Hey Haley. I'm sorry," wika ng lalaki na pumipigil sa kaniya.

"Hell no, talk to yourself b*tch."

Humahangos na dumating sa kwarto si Haley. Sobra siyang nahiya sa lalaki. Masyado kasi siyang namula. Kung hindi lamang siya nakapagpigil kanina mapapaungol talaga siya sa sobrang ganda ng pagkahalik ng lalaki sa kanya.

Napangiti siya at nang matanto ang sarili. Nabatukan na tuloy ang sarili.

SAMANTALANG napakatamis na ngiti ang masisilayan sa mukha ni DM ng mga panahon na iyon.

Bawat umaga ay kinukulit siya ni DM at siya naman ang ikinaiinis ni Haley. Naaasar siya sa kahit anong gawin ng lalaki kahit makita lang ang imahe nito.

"Good morning Haley, you know what as I see you everyday I can't deny my deep and trembling feelings for you. I really adore you, at sa taglay mong kagandahan at kabaitan. Sana huwag mong mamasamain na ako'y nandito pa rin nangungulit sayo," madamdaming pahayag nito.

"Tse, ang ingot mo. By the way, sir DM I'm so sorry for everything, marami na kasi akong masasakit na salitang binitawan sayo. Sir, I'm really sorry." saglit na pahayag ng babae.

"Sorry for what? Ako ang dapat mag- sorry sayo, napakalaki ng kasalanan ko sayo."

"Bakit ano iyon ha? Ano?" pangungulit niya.

Biglang natahimik si DM nanibago siya sa ipinakita ng dalaga. Lalong-lalo na at hindi niya pa makuhang sabihin ang lahat ng mga bagay na bumabagabag sa isipan niya. Sa halip ay iniba niya na lang ang usapan.

"Pwede bang ako muna ang mag-alaga kay baby Kizanee?" giit nito.

"Well, sige. By the way, aalis muna kami ni Nicolaus. We have something to do," sagot nito.

"Okay sige. Ay tika lang. Ano ba ang namamagitan sa inyo ni Nicolaus?" mariing tanong ng lalaki.

"Wala, we're just closed friends. I'm 2 years older than him, he's only 21. Malayo na patulan ko ang itinuturing kong bunsong kapatid."

"Okay, well. Ingat kayo. Ako na muna ang mag-aalaga sa bata. Nandito naman sina Claire." Nakangiti naman si DM ng marinig ang sinabi ni Haley.

"Sige, siguraduhin mo lang na walang magiging problema sa anak ko pagbalik ko mamaya. Kung meron lagot ka sakin, tandaan mo iyan. Mga hapun babalik na naman kami," pabirong pagbabanta ni Haley saka tumalikod na.

Naiwan sa pangangalaga ni DM ang bata. Tuwang tuwa si DM sa pag-aalaga sa bata. Sa paminsan-minsan niyang pag-alaga dito ay nakapalagayang loob na siya ng bata. Mas mabuti pa nga ang bata eh. Pero si Haley parang malabo.

SA kabilang banda, pagkarating nila Haley sa paroroonan nila agad silang pumarada sa 'di kalayuan.

"Stop the car Nicolaus, dito na muna tayo."Pinahinto na ni Nicolaus ang kotse at nagmanman na silang pareho.

"Okay. Look at that," wika ni Haley sabay turo sa' di kalayuan. May nakita silang tao.

Nang mahinuha ni Nicolaus kung sino ang itinuro ni Haley ay agad itong nagalit. Naikuyom niya ang mga kamay sa sobrang galit pero kinalma niya ang sarili.

Habang si Haley ay tahimik pero may masama na ring balak.

"Argh. That bastard, I'm gonna kill him," sabay bunot ng baril na nasa gilid ng upuan niya. Gusto niya bumaba ng sasakyan pero pinigal siya ni Nicolaus.

"No, you can't do this. It is not the time, okay let's go back."

Nakinig naman si Haleh kay Nicolaus. Hindi naman maganda ang timing. May mga kasamahan ito at baka may mapahamak 'pag ginawa niya iyon.

Bumalik na lang sila ulit sa mansion.

May tamang oras para sa plano nila. Hindi dapat magpadalos-dalos ng basta-basta.

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now