Chapter 26

6 1 0
                                    

MALUNGKOT na pinagmamasdan ni Nicolaus si DM habang nakayuko at umiiyak. Labis itong nagtangis dahil sa masamang balita na si Haleh ay nawawala. Mahal na mahal ito ng lalaki kaya niya nagawa ang lahat para sa babae ngunit ngayon sa isang iglap mawawala lang iyon na parang bula.

Maraming naalala na mga pangyayari si Nicolaus noong kabataan nila.

Dati mag-bestfriend naman sila bago naaksidente ang mga magulang ni Nicolaus. Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon nagbago ang kanilang turingan. Naging loner si Nicolaus at hindi na lumalabas ng bahay. Isang dahilan rin upang magkatampuhan sina DM ay ang pag sisinungaling ni Manolo na ayaw na daw makipagkaibigan ni DM kay Nicoluas at ganun din si Nicolaus kay DM.

Nang muling nilingon ni Nicolaus si DM ay nakapag-ayos na ito at akmang aalis na.

"DM, san ka pupunta?" tanong nito ni Nicolaus

"Hahanapin ko si Haleh kung nasaan man siya, "sagot nito

"Pero ginawa na namin ang lahat DM, wala kaming nakita ni anino ni Haleh roon," malungkot na sagot nito.

"Kahit na, hahanapin ko siya kahit saang lupalop pa siya ng mundo naroroon," sagot nito sabay alis.

Alam na rin nina Claire ang nangyari kay Haleh kaya umuwi na rin sila ng Maynila.

Tumuloy si Claire sa kanilang bahay sa Alabang. Dala nito si Baby Kizanee at tinawagan nito si DM na pupunta siya sa bahay nito upang ibigay na sa lalaki ang pangangalaga sa bata.

"DM, total tapos na ang kasakiman ni Manolo. Ibibigay ko na ang pangangalaga sa iyo ni Baby Kizanee" sabi ni Claire.

"Sige sa akin na siya. Pansamantala kina Mommy ko muna siya iiwan, Claire kailangan kong mahanap si Haleh, hindi ako naniniwalang patay na siya. Nararamdaman ko dito sa puso ko na buhay siya, kaya sana ipahintulot na nang panginoon na mahanap ko siya", wika ni DM

*Oo, nga. Kahit na ako parang mababaliw sa pagkawala niya. I love Haleh as I love my own sister, madami na kaming mga pinagsamahan at matapang si Haleh, kaya naniniwala rin akong buhay pa siya DM," malungkot din na sagot ni Claire.

Matagumpay namang naihatid ni Claire si baby Kizanee kay DM. Gaya ng pinag-usapan nila pansamantala ring pinabantayan ni DM sa Mommy niya ang bata. Nagpatuloy siya sa paghahanap kay Haleh ngunit lagi na man itong bigo.

...

"Saan niyo ko dadalhin?" sigaw ni Manolo habang nanlalaban sa mga Pulis na kumuha sa kanya sa Hospital.

"Sir, magaling na po kayo at siguro handa naman kayong harapin ang patung-patong na kaso na isinampa sayo?"wika ng isang pulis.

"Bitiwan ninyo ako, wala akong kasalanan," pagwawala ni Manolo

"Sige sir, pusasan na po iyan at dalhin sa presinto," singit ni Nicolaus na kasama pala ng mga pulis.

"No, magbabayad kayo? Hindi ninyo ako makakasuhan, hindi niyo ako kilala? Mayaman ako, pagsisigaw ni Manolo.

"Sige. Sa korte na tayo magkita. Tingnan natin Manolo kung makakawala kapa?" sagot ni Nicolaus.

"Sumama ka na ng matiwasay sir kung ayaw mong masaktan," wika ng pulis sabay hablot at tulak kay Manolo papalabas.

Humarap sa korte si Manolo. Nandoon din sina Claire, DM, Nicolaus at si Manang Merna.

"Sana makulong ka na Manolo," usal ni Claire sa kanyang isipan.

Natapos ang paglilitis at wala ng kawala si Manolo. Wala na siyang perang pang piyansa o pansuhol kaya hinatulan siya ng husgado

*I hereby declaire that Manolo Y Buenavista Bernardo guilty. Makukulong ng panghabang buhay. Hangga't kamatayan mong pagbayaran ang iyong mga kasalanan," pahayag ng hukuman. "Dismiss!".

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now