Chapter 17

11 0 0
                                    

SI Nicolaus ay umuwing bigo. Mabuti na lang at hindi siya nabangga dahil napakabilis nitong pinatakbo ang kanyang sasakyan.

Pagkarating nito sa bahay niya agad niyang pinakalma ang kanyang sarili ngunit hindi niya magawa. Kaya naisipan niyang pumunta sa Bar na madalas niyang puntahan noon pa.

Pagkarating niya roon ay siya lang pinagpipistahang tingnan ng mga tao na naroroon. Siguro dahil sa mga pasa sa kanyang mukha o ang taglay niyang kagwapuhan.

Nagsawalang kibo na lamang siya at tumungo agad sa sulok na tinatambayan niya. Om-order siya ng maraming bote ng alak.

Maingay sa loob ng bar at marami na rin ang lasing na kagaya niya. Kung anu-ano na lang ang pinanggagawa ng iba. Nanatili lang siyang walang kibo habang tumutagay.

Naka-dalampu na bote ng alak na siya pero ayaw niya paring tumigil. Medyo lumalabo na ang kanyang patingin ng sandaling iyon.

Sa hindi kalayuan na mesa ay may isang babae na hindi na niya makita ng klaro dala ng kanyang kalasingan na parang binabastos ng dalawang lalaki kaya nilapitan niya ito.

Sinita niya ang mga ito ngunit ng ayaw makinig ay kanya na itong pinagsusuntok. Sapol sa pisngi ang isa at iyong isa ay tumakas na dahil sa subrang takot. Wala siyang paki-alam kung mapa-away man siya. Naiinis pa rin kasi siya sa tuwing maalala na busted siya.

Nang humarap siya sa babaeng tinulungan niya ay siya namang pag-ikot ng kanyang paningin at tuluyan siyang nawalan ng malay.

...

Sa kabilang dako dahil sa labis na pag-iiyak ni Haleh ay nakatulog siya dahil sa pagod na rin siguro mula sa nangyari kahapon. Nang magising siya ay alas 7 na ng gabe.

Ang nilutong pananghalian ni DM ay itinabi na lang niya ito at iinitin nalang kapag magising na si Haleh.

Bumaba at pumunta sa kusina si Haleh para maghanap ng makakain. Nadatnan niya si DM na nakatopless at naka-boxer lang ang pang ibabang suot habang nagluluto ng kanilang dinner.

Bigla siyang natigilan ng makita ang magandang kabuuhan ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata niya habang hinahagod ng tingin ang mga abs at musculine body ng kasintahan. Nawala siya sa katinuan ng mga sandaling iyon.

Hindi niya alam na nakatingin na pala ito sa kanya.

"Hey Darling? Why are you staring me like that?" panunukso ang tono ng boses ni DM.

"Ah. Wala. wala." pagkukunwari niya namang wala siyang nakita. Kinagat na lang niya ang ibabang labi para maiwasan niyang napangiti.

"Oh, bakit tumutulo iyang laway mo habang nakatingin ka sakin?" panunukso ulit nito.

Agad namang kinapa ni Haleh ang kanyang baba kung totoo nga. Parang baliw siya na naniwala sa sinabi ng lalaki. Bigla siyang namula ng bumalik ang kanyang katinuhan na niluluko lang siya nito.

"Oy, wala ah. Ikaw masyado kang assuming kala nito sinong gwapo" saks tumawa.

"Aba gwapo kaya ako, kahit na maraming pasa itong mukha ko aminin mo gwapo parin ako," pagmamalaki ni DM sabay ikinulong si Haleh sa kanyang mga bisig.

"Oo na. Sige na nga pagbibigyan na lang kita. I love you"

" I love you too," saka hinalikan si Haleh sa pisngi. "Tara kain na tayo siguradong gutom na gutom ka na.Hindi ka kaya kumain ng tanghali kasi tulog ka."

"Oo nga. Sorry"

Pinauna siyang pinaupo ni DM sa silya na katapat niya. Magkaharap silang kumakain. Napadami ang kain ni Haleh dahil sa gutom na gutom ito o dahil na rin sa katakawan niya pero hindi na man siya tumataba.

"Ako na maghuhugas ng mga pinagkainan ha," ani ni Haleh kay DM

"No, ako na. Magpahinga ka na lang para hindi ka ma stress," pag-aalala nito

"Asus, basic lng naman iyan, sige."

Umalis muna si Haleh at tumungo sa may garden. Lumanghap muna siya sariwang hangin sa labas.

Nag-vibrate ang cellphone niya. Tumatawag si Claire.

"Hello Claire? Kamusta na kayo? Si baby Kizanee? Ayos lang ba kayo diyan?"

"Haleh, hinay-hinay lang sa pagtatanong. Oo, okay na okay kami dito. Ang ganda pala dito sa Siargao. Parang ayaw ko ng umuwi diyan sa Maynila."

"Aba, mabuti kung ganun, bukas pupunta ako diyan. E-text mo sakin ang exact address ha. Miss na miss ko na ang anak ko. Gustong-gusto ko na siyang makita, mahalikan at mabuhat." Labis ang galak ni Haleh na makita ang anak. Ganito Naman talaga ang mararamdamam ng isang ina.

"Sige, text ko mamaya ang address namin dito. Aba magkikita rin kayo ni baby Kizanee just be patience lang"

"Okay. Claire nandiyan ba si Miguel?"

"Oo nandito siya. Ang gwapo-gwapo pala niya kahit 41 years old na siya parang 20 pa lang, super macho niya Haleh," sabay tili sa kabilang linya.

"Claire ha, ganyan ka na ba ngayon?"

"Haleh naman, alam mo namang NBSB rin kaya ako. Pero kapag niligawan ako ni Miguel sasagutin ko talaga siya."

"By the way, nakausap ko na pala ang mga parents mo at alam na nila na ligtas ka at kung saan ka ngayon."

"Ha? Sinabi m0? Baka magamit iyan na alas ni Manolo laban sa atin, bff naman oh."

"Baliw, ang kinaroroonan ninyo ngayon siyempre hindi pa kasi ngayon ko lng din nalaman na nandiyan na kayo sinabi sakin ni Nicolaus."

"E, pano kasi di kita ma-contact kaya kay Nicolaus ko na lang sinabi."

"Oh, sige-sige. Magkita na lang tayo bukas. Darating ako dyan. Bye Claire."

"Bye din Haleh. See you tomorrow."

Agad na pinutol ni Claire ang tawag. Sinubukan din ni Haleh na tawagan si Nicolaus pero hindi ito makontak kaya bumalik na lang siya sa loob ng bahay dahil mahamog na sa labas at maginaw na.

"Oh, bakit parang masayang-masaya ka Darling? Kanina ng umaga panay iyak mo ngayon ang saya-saya mo na?" pabirong tanong ni DM.

"Masaya ako kasi pupunta ako bukas ng umaga sa Siargao. Makikita ko na si Baby Kizanee," sabi nito na puno ng galak.

Biglang nagulat si DM.

"Huh? Pupunta ka doon? E papaano ako?"

"Syempre sumama ka 'pag gusto mo" sagot nito kay DM saka kinurot ang pisngi nito.

Nagtawanan na lang silang dalawa at pagkatapos ay nagsimula ng mag-impaki ng mga gamit na dadalhin nila papuntang Siargao.

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now