Chapter 25

5 1 0
                                    

NAPAKA-AGA pa tumungo ng Caloocan Children's Center sina Haleh at Czen para makapaghanda ng husto sa venue ng kanilang outreach program kaya minabuti nilang mas maaga pa para iwas traffic na rin. Sila na mismo ang nag-ayos ng venue.

"Czen, ayos na ba ang lahat?" tanong ni Haleh.

"Yes of course. Perfect! Siya nga pala na saan na sina sir DM at Nico?"

"Susunod na lang daw sila. May inaasikaso pa sila Czen."

"Okay. Medyo malapit na rin ang 7:00 AM, siguro tayo na lang ang mag-speech  at magpakilala ng ating kompanya bilang sponsors dito," suhestiyon ni Czen

"Sure," ripid na sagot ni Haleh.

Nagsimula na ang morning program at silang dalawa na nalang ang tumayong representatives.

Maayos ang naging aktividades, kampanti naman sila na walang mangyayaring masama dahil puno ng bantay ang paligid wala namang magbabalak na gumawa ng masama.

Nag-enjoy naman sila. Mas lalo na si Haleh masaya itong nakikipaglaro sa mga kabataan na naroroon. Para sa kanya dream come true na talaga ito, bata pa lang siya pangarap  na niya na makatulong sa mga batang nangangailangan.

"Wow, grabi ang saya-saya pala Czen ng feeling na makatulong ka no?"

"Oo nga, dream come true talaga ito."

"Pareho tayo Czen," sagot ni Haleh saka nakangiting pinagmamsdan ang mga batang naglalaro.

Samantalang nakabalik na si Manolo sa Maynila, hindi siya tumuloy sa mansion dahil alam niyang hindi naman siya makakauwi o makapasok. Maraming bantay sa paligid.

Tumuloy siya sa rest house niya sa Batangas.

"Lahat kinuha na nila sakin, magbabayad sila. Nagkakamali silang lahat na ako ang kinalaban nila, hahauha. Gaganti ako sa paraang magluluksa silang lahat," wika ni Manolo habang may mas masamang binabalak.

"Tama yan sir, ngayon na nila matitikman ang tamis ng iyong paghihiganti. Plansado na po ang plano sir, walang makakaalam nito. Pinakilos ko na ang mga tauhan ko," sagot ni Tonying habang nakangisi.

"Aba, magaling. Sige magkita na lang tayo sa lugar na napag-usapan natin," sagot ni Manolo

Natapos na ang paunang programa. Tanghali na kaya inanyaya na sila ng isang coordinator na mananghalian. Mula sa isang cratering services ang nag serve ng kanilang pagkain.

"Miss, Kristina kumain na po kayo, alam kung gutom na gutom na gutom na kayo," wika ng isang staff doon.

"Sige, salamat."

"You're welcome Miss," sagot ng staff.

"Czen, kumain muna tayo nakakagutom na itong paglalaro sa mga bata," tawag ni Haleh.

"Sige. Mga bata kakain na tayo, dali." yaya ni Czen sa mga bata. Masaya ang bata na papalapit sa mesa.

Agad naman silang kumain.

Nakaserve na kasi ang pagkain at pawang masasarap. Special ang pinahanda nila para sa mga bata.

"Kuya, puwde po ba makahingi ng another 1 glass of cold water," hingi ni Haleh sa waiter. Masyado siyang inuhaw.

"Sige po maam kukuha lang ako."

Agad namang  bumalik ang lalaki at inabutan siya ng tubig.

"Thank you kuya," pasasalamat ni Haleh saka inabot ang isang baso ng tubig.

"Welcome po Maam," saka umalis na tin ang waiter.

Ininom naman agad ito ni Haleh dahil muntik na siyang mabilaokan.

TLS1-  BittersweetOù les histoires vivent. Découvrez maintenant