Chapter 19

10 0 0
                                    

ALAS-KUWATRO ng hapun ang flight nina DM at Haleh. Kapwa silang sabik na sabik na makita ang anak. Miss na nila ito pareho. Medyo matagal-tagal pa sila bago makarating ng Siargao.

Gusto nilang hilahin ang mga oras, minute, at maging segundo para makita na agad ang kanilang anak.

Pagkababa nila ay diretso ba sila sa lugar ni Miguel. Alam na din pala ni DM ang lugar Tunay nga silang magkaibigan.

Magtatakip silim na rin ng makarating sina Haleh at DM sa Siargao.

Nakarating ng matiwasay sina Haleh at DM sa safehouse ni Miguel sa Siargao.

Pagkababa na pagkababa ni Haleh agad siyang tumakbo papasok sa mala- kastilyong bahay ni Miguel.

Napakaganda nito ngunit kulang ngalang ng isang prinsesa na tumira dito. Matagal na kasing biyudo si Miguel.

"Claire," sigaw ni Haleh na tumatakbo papalapit sa kanila.

"Haleh, I Miss you,"sabay yakap sa kaibigan.

"I miss you too, nasaan na si baby Kizanee ko?" tanong ni Haleh sa galak.

"Look at your back, buhat-buhat siya ni Manang Loling. Sinama rin namin si Manang dito," sabi ni Claire.

Agad na kinuha ni Haleh si Kizanee at pinaghahalikan ito dahilan para tumawa ang bata.

Napakabilis ng panahon 1year old na pala si Kizanee. Napakaganda nitong bata. Kahawig na kahawig niya ang ina at ama.

Hindi na pala inalala ni Haleh na naiwan niya si DM sa labas na puno ng dala. Nahirapan ito na buhatin ang kanilang mga dalang gamit. Ano ba naman kasi sa subrang excited nilang dalawa naparami sila ng inimpaking gamit.

Mabuti na lang at nakita siya nina Claire at Miguel kaya tinulungan siya ng mga ito.

"I miss you bro," ani ni Miguel kay DM saka yumakap ng bahagya.

"I miss you too. Long time no see bro," sagot naman ni DM sabay ngiti.

"Oy, Sir DM at Miguel hali na kayo sa loob at handa na ang dinner. Alam kung gutom ka sir," anyaya ni Claire sa dalawa.

Agad namang sumunod sina DM at Miguel kay Claire na pumasok na ng bahay.

"Mga Ma'am at Sir, umupo na kayo at ang kakain na tayo dahil masarap itong hapunan natin," wika ni Manang Loling habang naglabay ng pagkain sa mesa.

"Wow, I love it Manang, adobo at inihaw na pusit na may maraming sili, pritong isda at mga shells, favorite ko to lahat. Tiyak mapaparami ako ng kain nito," wika ni Haleh na takam na takam.

"Hinay-hinay lang Kristina este Haleh," saway ni Miguel.

"Hayaan mo yan Miguel natural lang kay Haleh ang pagiging matakaw hindi naman iyan tumataba," pabirong sabi ni Claire

"Tama iyan Miguel, matakaw talaga ako," pagsang-yon niya. Totoo naman kase at iyan ang special talent Niya ang kanyang katakawan.

"Okay. Let's eat. Hindi maganda na pinaghihintay ang grasya lalong-lalo na 'tong mga pagkain," wika ni DM.

Kumain sila ng mabuti at busog na busog si Haleh. Mabuti na lang at unang nakatulog si Baby Kizanee kaya hindi mahirap sa kanya ang kumain.

Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan muna ni Haleh na maglakad-lakad sa shore na malapit lang sa bahay ni Miguel.

Dinadama niya ang bawat simoy ng hangin at ang mga maliliit na hampas ng mga alon.

Mag-alas 8 na ng gabi pero ayaw niya paring umalis sa dalampasigan. Gustong-gusto niya itong gawin dahil nakakapag-relax siya ng mabuti. Dahil nakasuot lamang siya ng roba na ginawa niyang pantakip sa kanyang katawan ay naisipan niyang maligo. Hinubad niya ang robang suot at nilagay sa hindi maabutan ng alon.

Naligo siya roon. Kampanti naman siyang walang taong pupunta roon dahil naka-bra at panty lang siya.

Ngunit hindi niya namalayan na may mga nangingislap na mga mata ang kanina pa nakatanaw sa kanya. Si DM, kanina pa nasisilayan ang maganda niyang katawan. Mas humanga ito sa kanyang nakikita dahil kahit may anak na at matakaw si Haleh ay napapanatili pa rin nitong firm at sexy ang pangangatawan.

Biglang nagulat si Haleh ng may nakita siyang isang bulto ng tao dahilan na mapatili siya. Hindi naman masyadong malakas upang marinig ng mga nasa loob ng bahay.

"I'm sorry Darling, nagulat kita. Bakit ba kasi hindi mo ako niyaya. Mag-na-night swimming ka lang naman pala dito," wika ni DM na may malambing na tono.

"DM, parati mo na lang ako ginugulat ha. Kabuti ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi bigla ka nalang sumusulpot kahit na saan ako," corny ng sagot niya. Hindi naman siya marunong mag-pick up lines.

"Aba, siyempre dahil mahal kita. Kahit nasaan ka dapat na nandoon din ako. Ako yata ang night and shining armor mo," pagmamalaking wika nito saka lumapit ng husto.

Pagkasabi ng mga ganong salita ni DM ay bigla niyang hinapit sa baywang si Haleh para magkalapit silang dalawa.

"By the way darling, malaki na pala si Kizanee no? One year old na siya. Pero hindi pa rin kita niyaya na magpakasal," wika nito.

"Hmmm. Saka na iyan kapag matapos na itong paghihiganti ko. Alam ko namang sa simbahan rin ang tuloy nito sa huli pero hindi pa sa ngayon."

"Oo nga pala. Pwede bang magtanong?"

"Ano iyan?"

"Ano ba ang pinag-usapan ninyo ni Nicolaus?

"Ah, sinabi ko na kanya ang relasyon natin. Sana nga hindi siya lumayo sa atin. Mabuting tao si Nicolaus DM, hindi siya kagaya ni Manolo," pagtatangol ni Haleh kay Nicolaus mula sa nubyo. Na-guilty tuloy siya ng maalala ang sinabi ni Nicolaus sa kanya bago ito umalis.

"Okay, I'm sorry. Nagseselos lang naman ako sa kanya dahil malapit kayo, ayaw kung may kahati. Diba sabi ko na selfish ako pagdating sayo. Akin ka lang Haleh." Sabi nito na puno ng paglalambing saka hinagkan ng halik ang mga labi ni Haleh na tinugon naman ni Haleh.

" Tama na 'to, malamig na. Uwi na tayo."

"Sure, sige."

Dinampot na ni Haleh ang roba niya at isinuot.

Saka bumalik ng bahay sina Haleh at DM. Inakbayan siya ni DM at si Haleh naman ay nakahawak sa baywang nito.

They looks like a perfect match couple with their aura. Nakakainggit tingnan. Mapapa-sana all ka talaga.

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now