Chapter 24

6 1 0
                                    

"SIR Nicolaus bakit kayo nandidito?" gulat na gulat si Manang Merna nang makita si Nicolaus sa harap ng pinto ng masyon ni Manolo. Akala niya si Manolo na ang dumating.

"Magandang umaga Manang, nandito ako ngayon because I'm getting what's mine; all of the things and properties he stole from me. I will get all of those and nothing to left on him. Dito na ako ngayon titira manang. Pakidala nitong mga gamit ko sa loob at simula ngayon wala nang mananakit sa inyo at wala nang demonyong maninirahan dito," sagot ni Nicolaus sa tanong ng matanda saka nakapamulsang pumasok.

"Eh, sir. Diba pumunta kayo sa hacienda ni Maam Kristina? Nagkita ba kayo ni Manolo doon?"

"Oo, nagkaharap kami. Minalas siya ng kaunti manang at marami siyang natamong daplis. Ewan ko kung saan siya ngayon nagpapagaling ng mga sugat niya," walang ganang sagot ni Nicolaus. Wala siyang paki-alam sa sinapit ni Manolo.

"Pero sir, papaano nangyari na nasugatan siya?Anong ginawa ninyo? Nakilala ka ba niya sir?"

"Nagkaharap kami at nagkabarilan. Huwag kang mag-aalala manang, hindi niya ako nakilala na ako iyong minsan nakipaglaro sa kanya doon sa hacienda," sagot nito saka ngumisi.

" Ganun ba? Sige sir, kumain po kayo. Tamang-tama nagluto ako ng adobong bisaya na manok na pinalambot sa gata, paborito ninyo ito di ba?"

Tumango lang siya saka pinaghain ni Merna ng pagkain.

"Wow, napakatiming naman nito. Na miss ko na talaga kumain nito," takam na takam si Nicolaus na kumain.

"Sir, ano po ba ang plano ninyo, bakit ngayon bumalik ka na dito? Papaano na to kapag umuwi si Manolo at magkaharap kayong dalawa. Ayaw kung magpatayan kayo sir kahit papaano magkadugo kayong dalawa."

"Ang pabagsakin siya Manang. Hindi ko naman kailangang singilin siya ng kanyang buhay kung magbabago pa siya mula sa kanyang kasamaan, pero kung hindi na talaga siya magbabago ay huwag naman po sanang umabot na mapatay ko si Manolo," medyo may galit na sagot nito.

"Naku sir, ipakulong na lang ho ninyo sir. Masama ang pumatay ng tao. Napakalaking kasalanan sa mata ng Diyos iyan sir, napakabait ninyong tao sa pagkakilala ko kaya  naniniwala akong hindi ninyo gagawin iyan," wika ni Manang Merna na may halong takot.

"Sana nga po huwag nang umabot na mayroong mamamatay o mapatay. Dati gusto ko siyang patayin Manang pero ng mapagtanto ko ang mga sinabi ni Kristina nawala sa isip ko ang ganun, mas minabuti ko nalang isipin na sana magbago pa siya." Kung talagang magbabago pa si Manolo.

"Sir, kung tapus na kayong kumain ilagay niyo lang diyan at ako na ang magliligpit niyan mamaya."

"Sige Manang, may tatawagan lang po ako. Magpapadala ako ng bagong security dito."

"Sige sir. Lilinisin ko muna ang kwarto mo," agad na umalis si Manang at pumasok sa dating kwArto ni Nicolaus

Pagkatapos kumain ni  Nicolaus ay tinawagan niya agad ang mga bagong hired na security. Mas mabuti nang handa at para na rin matakot si Manolo na pumasok pa. Agad namang dumating ang 50 security at 10 body guard ni Manang Merna.

Samantalang sina Haleh at DM ay inasikaso ang mga papeles na gagamitin upang maningil sa mga utang ni Manolo. Dadaanin nila ito sa legal na proseso para mas walang kawala si Manolo.

Agad na tinawagan ni DM ang sekretarya ni Manolo para ipaalam na mag-i-issue sila ng summon paper, nakalagay dito na naniningil siya ng utang kay Manolo at kapag hindi siya makakabayad ay kukunin nito ang lahat na negosyo nito.

"Ipaalam mo iyan agad kay Manolo, ayaw ko ng matagal dapat bukas na ang bayad, maliwanag?", tugon ni DM kay Ted

"Opo sir"

TLS1-  BittersweetWhere stories live. Discover now