CHAPTER 11

25.7K 532 17
                                    

ELISE'S POV

KINABUKASAN

Nagising ako dahil sa alarm ko, dali ko naman iyong pinatay at umunat.

"Ahhh" paguunat ko, kinapa ko naman ang katabi ko at napagtanto kong wala pala akong katabi kaya mabilis kong naimulat ang mata ko at nagtaka, wait totoo ba yung kagabi? Totoo bang tumabi si sir cyrus sa akin? Jusko day panaginip lang ba yun? Akala ko totoo haysss....

Napasabunot naman ako ng buhok at pumasok na ako sa banyo para maligo may trabaho ako ngayon.

FAST FORWARD

Nandito ako ngayon sa kusina, naghahanda ako ng pagkain para kay sir cyrus, dadalhin ko nalang sa kwarto niya yung almusal niya. Ng maihanda ko na ay binuhat ko na ang tray at umakyat sa kwarto niya.

Ng nasa tapat naman ako ng pinto niya ay kumatok ko ako pero walang bumukas, pinihit ko yung door knob at hindi pala nakalock iyon kaya tumuloy na akong pumasok.

Pagkapasok ko ay nakita ko siyang tulog sa kama niya, inilapag ko naman ang pagkain sa side table ng kama niya, ang cute cute naman nito 'hoy ikaw ha' sabi ng isip ko.

Pumunta ako sa bintana niya at binuksan ang kurtina, ang ganda ng view dito sa kwarto niyo kaya napangiti nalang ako sa nakikita kong view, bumalik ulit ako sa kama ni sir at nakita ko siyang nakaupo na sa kama nakakagulat naman to.

"Good morning sir...dinala ko na po pala dito yung breakfast niyo, kumain na po kayo" ngiti kong sabi tsaka kinuha ko ang tray.

"Kain na po kayo sir..." nilapag ko sa kama niya ang tray at umupo din ako sa gilid ng kama niya, tumayo naman siya at pumunta ng cr ng walang imik, ay wala sa mood.

Inantay ko nalang siya dito sa kama, mayamaya pa ay kumabas na siyang pnagpupunas ng towel sa mukha at saka umupo sa kama.

"Kain na po sir" ngiti kong sabi.

"Wala akong gana" malamig na wika niya habang sa pagkain lang ang tingin.

"Hmmm kailangan niyo pong kumain sir, napapansin ko na palagi nalang kayong lasing kapag umuwi sa gabi, at hindi kayo kumakain bago kayo uminom, magkakasakit po kayo niyan... kumain na po kayo" wika ko pero hindi naman siya sumagot nakatingin lang siya sa pagkain, gusto pa yatang magpasubo nito ahh mapagbigyan nga natin.

"Kung tinatamad po kayong humawak ng kubyertos, susubuan ko nalang po kayo" kumuha ako ng pagkain at akmang isusubo ko na sakaniya ng magsalita siya.

"Did you remember last night?" Tanong niya at napatingin sa akin? Natigilan naman ako at mayamaya pa ay binaba ko yung kutsara sa plato.

"Yung kagabi po?" Pag-ulit ko.

"Ano po bang nangyari kagabi?" Tanong ko, ayun ba yung tumabi siya sa akin?.

"Hindi mo maalala?" Tanong niya ulit, hindi naman ako sumagot at yumuko lang ako.

"Didn't you remember that i hug you in your room last night?" Tanong ulit niya, gosh hindi pala panaginip yun? Totoo pala yun, so yung paghalik niya sa noo ko totoo din yun my god cassie!.

"A-amm" napaiwas naman ako ng tingin at bumaling sa pagkain...

"Hmm o-opo s-sir n-naaalala ko po" nauutal kong sagot.

"It's just a hug, wag mong bigyan ng malisya yun, dahil ayaw ko namang makasira ng relasyon" sambit niya kaya taka akong napatingin sakaniya, sinong may relasyon?.

"A-anong ibig sabihin niyo sir?" Tanong kong nakakunot ang noo.

"Hmm... ibabalik ko na sayo yung cellphone ko" malamig na wika niya, at awang naman ako sa sinabi niya, ibabalik na niya yung cellphone ko!!!!!.....

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now