CHAPTER 16

23K 465 10
                                    

ELISE'S POV

Nakikinig lang kami ni ruby usapan ng mga kakaibigan doon sa living room, hanggang sa makarinig kami ng basag ng baso kaya naman napatalon kami sa gulat ni ruby.

"A-ano yun?" nanginginig na tanong ni ruby at mas lalo kaming nagulat sa boses na narinig namin

"Do you think i'm joking?!!!" Sigaw, mabilis ko namang nakilala yung boses na yun, at ang boses na yun ay kay sir cyrus, teka nagkakagulo naba sila sa living room? anong nangyayari?

"Hala gurl lasing na yata si sir kaya nagwawala na" alalang wika ni ruby, mayamaya naman ay hindi na namin sila narinig na nagsalita.

"Hayaan mo na ruby baka nagkakatuwaan lang ang mga yan tapos nakapikunan" kibit balikat kong wika.

Bigla namang may dumating na tatlong katulong

"Grabe talaga, nagaaway na yata sila doon"

"Ano kayang problema?"

"Hayaan niyo nalang away magkakaibigan yan" wika ng tatlong katulong habang papunta sa kusina pero ng makita nila ako ay lumihis sila ng daan at yumukong naglakad paalis... nangyari sa mga yun?.

FAST FORWARD

Alas dose na silang natapos maginom at lasing na lasing, nagaalala ko sa mga kaibigan niya baka mapaano kapag nag drive pa sila pero wala naman akong karapatan para diktahan sila kaya hinayaan ko nalang ingat nalang sila.

Nandito ako ngayon sa living room at nakita ko si sir cyrus na nakaupo sa single sofa na natutulog lasing na rin yata ito haysss... paano ko namang bubuhatin ito?.

Bigla namang dumating si ruby

"Nako bagsak na si sir hahahaha... anong oras ba naman kaseng natapos uminom tsk" iling na wika niya

"Sige na elise akyat mo na si sir sa kwarto niya ako nalang magliligpit ng nga kalat dito" wika niya at ngsimula ng maglinis, lord bigyan niyo po ako ng lakas para mabuhat ko si sir...

Nag sign of the cross pa ako hutek!

"Hoy para kang baliw diyan, bilisan mo na iakyat mo na si sir sa kwarto niya... nag si-sign of the cross kapa diyan para kang baliw" natatawang wika niya napailing iling nalang ako at lumapit na kay sir.

Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi siya magising, hayss paano ko to bubuhatin? hayss magkaka muscle ako nito ehh.

"S-sir... sir..." wika ko habang tinatapik ang pisngi niya

"Hmm" ungol niya

"Sir akyat na po tayo sa kwarto niyo..." wika ko pero umungol lang ulit siya, ano ungulan challenge?

Hindi na ako nag sayang ng oras at inaantok na rin ako... nilagay ko ang braso niya sa balikat ko at hinawakan ko siya sa bewang at buong lakas ko siyang itinayo

"Argg!!!" Daing ko habang itinatayo siya grabe ang bigat!

"Ahh i want... to... sleep" lasing na boses ni sir cyrus

"Opo aakyat na po tayo sa kwarto niyo para makapag pahinga na po kayo... halika na po" dahan dahan naman akong naglakad at buti nakisama siya naglakad naman din kase pagewang gewang kaya nadadala niya ako kapag natutumba siya muntik pa nga kaming mahulog sa hagdan buti nalahawak agad ako sa railings ng hagdan... nautog pa ako sa pader dahil bumabagsak siya mismo sa akin.. argg! ang sakit!.

Sa wakas ay naka pasok na kami sa kwarto niya kaya dali dali ko naman siyang pinahiga at tinignan ko lang siya kahit lasing ang gwapo pa din... 'hoy ikaw talaga elise alisin mo nga yan sa utak mo!' Arg!.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now