CHAPTER 38

18K 302 10
                                    

ELISE'S POV

Iginugol ko kanina ang oras ko sa paglilibot dito sa mansion ni cy ay este mansion namin sabi kase ni cyrus eh.

Gabi na at nagaasikaso na kami para sa pagtulog, kakalabas ko lang ng cr dahil nag half bath ako, nakita kong nakasandal sa head board ng kama si cyrus na seryosong nag babasa ng libro, ng makita niya ako ay mabilis niyang inilapag ang libro sa side table ng kama tsaka ngumiti sa akin.

Siraulo lang ang peg.

"Come here" nakangiting wika niya kaya naman ay lumapit ako sa kaniya at umupo sa kama.

Hihiga na sana ako pero hinawakan niya ang dalawang braso ko upang pigilan ako.

Taka ko naman siyang tinignan.

"Hm?" Daing na patanong ko.

"A-amm" nahihiya niyang tikhim na ikinangiti ko.

"Bakit?" Tanong ko pa.

"Love mo ba ako?" Pout niyang tanong? Ano nanamang problema nito?.

"Anong klaseng tanong yan? Syempre oo mahal na mahal kita" sagot ko sa kaniya tsaka pinisil ko ang mag kabilang pisngi niya pero agad ko namang tinapos yun.

"G-gusto mo ba p-patunay ko kung gaano kita ka mahal?" Nahihirapang tanong niya kaya naman nagtaka ako lalo.

"Patunayan? Hindi na kailangan dahil-" pinutol naman niya ang sinasabi ko.

"No i mean, papatunayan ko pa lalo na mahal kita" kunot noo niyang wika.

"Oh eh paano mo gagawin?" Kunot noo kong wika, ano nanamang pumasok sa kokote nito?.

"L-let's make l-love" wika niya, what?!!! A-anong-!! Ba- anong make love? A-ayun ba yung? WTF!

Tinignan ko naman siya ng pagulat.

"A-ano b-bang sinasabi mo diyan" tumawa pa ako ng mahina sa totoo lang kinakabahan ako kung ayun ba talaga yung ibig sabihin niya.

"I think kase, h-hindi sapat yung pagmamahal na ibinibigay ko ngayon... let's make love para mapatunayan ko talagang mahal na mahal kita" pout niya sabi... biglang kumabog ang dibdib ko da sinabi niya WTH ngayon na ba talaga? P-p-pero hindi pa k-kami kasal.

"H-h-hindi pa tayo k-kasal" utal kong ani sa kaniya.

"Magpapakasal naman tayo eh, uunahin lang natin yung honey moon... pweassh" pout niyang saad, anong gagawin ko? H-hindi pa ako handa, gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral.

"C-cy h-hindi pa kase ako handa ehh... g-gusto ko pa kaseng makapagtapos ng pag-aaral" yuko kong wika at natigilan naman siya sa sinabi ko.

"Y-Your not ready?" Tanong niya at dahan dahan akong tumango, hindi naman sa ayaw kong magka anak gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral dahil ayun ang gusto nila mama at papa para sa akin.

"You want to study?" Wika niya at inangat ko naman ang ulo ko at nakita ko ang ngiti niya.

"Ok pag-aaralin kita next week ay pasukan na din" wika niya naikinalaki ng mata ko.

"Talaga?!" Gulat kong wika na may ngiti sa aking labi.

"Yeah diba nga sabi ko ibibigay ko lahat ng gusto mo mapasaya lang kita?" Ngisi niyang wika at mabilis ko siyang dinambahan ng yakap kaya naman napahiga kami.

"Thank you! thank you!" Pasasalamat ko sa kaniya habang pinaghahalikan ko ang buong mukha niya kaya naman tawa siya ng tawa.

"Stop now baby..." natatawa niyang wika, huminto naman ako at muli ko siyang niyakap.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon