CHAPTER 28

20K 452 21
                                    

STILL ELISE'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni ma'am christine.

Ano daw? Niloloko niya lang ako? WTF!

"I'm just testing you iha, kung ano talaga ang totoo mong hangarin, and natuwa naman ako dahil napatunayan kong maganda ang intensyon mo" wika niya, b-bakit parang pinaghihinalaan niya ako, a-ano to?

"Hindi sa pinaghihinalaan kita, I just want to make sure your purpose is not money, at ngayon napatunayan ko na hindi ka ganun... mas pinili mo nalang na layuan si cyrus kesa sa masuhulan kita... that's nice iha!" Dagdag niya pa...hindi naman ako nakapagsalita na sho-shock pa rin ako hanggang ngayon, so lalayuan ko pa rin ba si sir? h-hindi ko magets!

"Tungkol sa paglayo mo kay cyrus..." tumigil siya sa pagsasalita, ito nanaman ang kaba ko papalayuin niya ba ako kay sir? Kinakabahan ako sa mangyayari.

"Hindi mo siya pwedeng layuan, understand?" Seryosong sabi niya na ikinagulat ko pa ang sinabi niya, parang napawi naman ang kabang nararamdaman ko, parang may kung ano akong nararamdaman kanina ng sabihin niyang layuan ko si sir, parang labag kanina sa akin yung sinabi ko kanina.

Parang ayaw kong layuan si sir, hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko.

"Lagi siyang ngumingiti dahil sayo, ayokong mapawi iyon, elise... please make him happy... every day... ngayong nanliligaw siya sayo, sana makilala niyo pa ang isa't isa, kahit hindi mo itanong, boto ako sayo, dahil sayo nakikita ko na ulit ang matatamis na ngiti ng anak ko"senseryong wika niya, natutuwa ako dahil hindi sila tutol at sinusuportahan pa nila si sir sa lahat ng gusto niya.

"Promise po ma'am, kahit hindi pa kami promise po palagi na niyo na siyang makikitang nakangiti" ngiti kong turan sakaniya.

"Salamat iha, you have good heart" ngiti sabi naman niya

"Sana mas makilala niyo ang isa't isa... ibang mag mahal si cyrus may pagka possessive siya at ang kanya ay kanya talaga hindi niya yun basta bastang pinapakawalan... at satingin ko ayaw ka rin niyang pakawalan... your so beautiful at may mabuting puso... siguro ayan ang mga nagustuhan sayo ng anak ko" nakangiting sabi niya sa akin.

"Nakausap ko si cy kanina, obsessed na obsessed siya sayo at sakaniya ka lang daw"
Natawa naman ako sa sinabi ni ma'am christine hindi ko mawari ang saya ko ngayon haysss...

"And elise... tutulungan ko ang family mo kapalit ng pagpapasaya mo sa anak ko" napatingin naman ako ng diretsyo sakaniya at bahagya pa akong nagulat, totoong suhol na ba ito?

"Kung iniisip mo kung suhol ito... your wrong elise... tulong ko ito para sa family mo" seryosong sabi niya, nawala naman ulit ang kaba kong nararamdaman, papasayahin ko si sir cyrus kapalit ng pagtulong ni ma'am sa pamilya ko?... should i agree? Wala naman yatang masama sabi nga niya ay tulong at balak ko namang pasayahin lagi si sir ayoko din siyang palaging malungkot kaya tatanggapin ko na.

Dahan dahan naman akong tumango at nakita ko ang pagngiti niya.

FAST FORWARD

Nandito ako naglalakad papunta sa kwarto ko.

Gusto ko lang sabihin na kaya akong pumayag sa deal na yun ay hindi dahil sa papasayahin ko lang si sir para matulungan lang ang pamilya ko... hindi yun ang hangarin ko... bukal sa puso ko ang pagpapasaya ko kay sir at kahit hindi tulungan ni ma'am ang pamilya ko ay lagi ko pa ring pangingitiin si sir... ayan ang hangarin ko.

Napahinto naman ako ng may narinig akong mga yabag ng papa na tumatakbo na ewan basta ang bilis ng yabag na yun.

Nakaramdam naman ako ng takot, teka may multo ba dito sa mansion na to? Teka multo? Kyaaa....

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now