CHAPTER 42

17.9K 327 11
                                    

ELISE'S POV

Tapos na ngayon ang aming first day, lumabas na kami ng classroom pagkatapos magpaalam sa amin ang huling teacher namin.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng gate ng biglang magsalita si thea.

"Ay kuya si jocab pala nakalimutan natin" wika ni thea naikinahinto namin.

Sinong jacob?

"Oo nga pala" wika naman ni josh.

"Sabay na natin siya pauwi" saad ulit ni thea.

"Sige" sangayon ni josh.

"Ako nalang pupunta sa classroom niya" sabi ni thea.

"Sige magingat ka" paalala ni josh tsaka umalis ng patakbo si thea.

Sino bang jacob?.

"Sino yung jacob, josh?" Tanong ko sa kaniya.

"Pinsan namin first year collage isasabay na namin pauwi dahil nasa bahay ang mama niya" sagot niya na ikinatango naming parehas ni ruby.

"May sundo ba kayo?" Tanong nsman ni josh.

"A-ahh oo si-" pinutol naman niya ang sinasabi ko.

"Sige na mauna na kayo baka nagaantay na sainyo yung sundo niyo" wika niya.ppppp
P
Pp
Pppp

"A-amm sige m-mauna na kami... bye.." paalam ko.

"Bye mag-ingat kayo" wika niya na ikinatango at ngiti ko tsaka na kami naglakad palabas.

Nandito kami ngayon sa waiting shed inaantay namin si cyrus kase nga sabi niya siya ang magsusundo sa amin.

Hindi ko pa rin nakakalimutan!×₩!/ ang nangyari kanina na nalaman kong pinababantayan niya ako keso baka daw may lumapit sa aking ibang lalaki at ligawan ako.

Psh! Naiinis lang ako dahil parang wala siyang tiwala sa akin! Hays! Hindi ko talaga siya papansinin.

"Elise sandali lang ha naiihi kase ako ehh balik lang ako sa loob" nagmamadaling ani niya sa akin, hindi na niya ako hinintay na makasagot bigla nalang siyang bumalik sa loob, ihing ihi na yata.

Umayos nalang ako ng upo si sa waiting shed at kinuha ko ang cellphone ko para maglaro muna ng candy crush habang inaantay si cyrus.

JOSHUA'S POV

Nandito lang ako nakatayo kung saan nila ako naiwan.

Inisip ko pa rin yung kanina, sobra akong nasaktan galit ako sa sarili ko kung bakit hindi ko agad sinabi kay elise na gusto ko siya.

Kung sinabi ko na dati pa ay nagkaroon sana ako ng chance, pero dahil sa pagiging torpe ko nakuha siya ng iba! Ang sakit lang! Napaka tanga ko!.

Hindi ko alam kung kailan ako makakapag move on, masyado kaseng masakit.

Dapat lang ang ginawa kong pagpapaubaya dahil may boyfriend na siya at ayaw kong makasira ng relasyon, magiging masaya nalang siguro ako para sa kaniya dahil alam kong nasa mabuti siyang kamay.

Hinding hindi siya mawawala sa puso ko, ipapadama ko pa rin sa kaniya ang pagmamahal ng isang kaibigan.

Ibabaling ko nalang siguro sa ang tingin ko sa iba, alam kong makakahanap din ako ng para sa akin.

Habang nakatingin ako sa gate ay may nakita akong pamilyar na babae na tumatakbo.

Bahagyang naningkit ang mata kong nakatingin sa pamilyar na babae, ng mapagtatanto kong siya ay medyo nagulat ako, bakit nandito pa siya?

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now