CHAPTER 17

23.2K 508 24
                                    

CYRUS'S POV

Tapos ko ng ubusin ang sabaw na ginawa niya at ininom ko na rin ang gamot para tuluyan ng mawala ang hang over ko... pagkatapos niyang maibaba ang tray ay bumalik ulit siya dito

"Sir..." napatingin naman ako sa pinto

"Hmm?" Sagot ko

"A-amm pwede ba akong magpaalam?" Tanong niya? Saan naman?

"Para san?" Kunot noo kong tanong

"A-amm bibisita ko lang po mamaya yung pamilya ko" nahihiya niyang sabi... sandali naman akong nagisip at naalala ko yung gabing may kausap siyang lalaki, bibisita siya doon tapos magkikita sila tapos nagyayakapan F*CK! Baka kapag wala ako doon baka kung anong gawin niya kay elise.

"No" seryoso kong sagot at umiling iling pa

"P-po? S-saglit lang naman po ako sir" nagmamakaawa niyang wika, kaya parang nakonsensya ako hindi ko talaga siya natiis

"Ok fine, in one condition" sabi ko

"A-ano po yun sir?" Tanong niya

"Sasama ako" poker face kong sabi

"Pero sir-"

"No more buts whether you like it or not, sasama ako that's final" malamig na wika ko

"O-ok sir, sige po" at yuko naman siyang umalis ng kwarto ko, hindi ako mapapanatag kapag siya lang ang pupunta doon para akong mababaliw kapag naiisip ko kung anong ginagawa nung lalaking yun kay elise kapag siya lang ang pumunta arg!.

ELISE'S POV

Nako mukhang paguusapan ako sa baryo namin dahil may kasama akong lalaking mayaman, gwapo at makisig baka mapagkamalan siyang boyfriend ko yiii kainis bakit pa kase siya sasama sandali lang naman ako doon eh hay ewan!

FAST FORWARD

(2:00 PM)

Nandito na kami ngayon sa grahe, nakabihis na ako ng pang alis para sa pagpunta namin sa bahay... si sir cyrus naman ay hinahanda ang sasakyan na gagamitin.

"Pasok na" wika nito kaya binuksan na ang pinto ng backseat pero bigla niya akong pinigilan

"Hey, sinabi ko bang diyan ka uupo?" Kunot noo niyang turan sa akin

"S-saan po ba dapat?" Tanong ko

"Dito sa harap" sagot niya kaya napatango tango naman ako at binuksan ang front seat at siya ay sa driver seat nakaupo.

Ng maaupo ako ay nagulat ako ng biglang lumapit si sir sa akin halos half inches nalang ang layo ng mukha niya sa akin at nakita kong nakatingin siya sa pabi ko at ngumisi saka tumingin sa akin.

Bigla naman siyang lumayo at parang may hinila sa gilid ko, always wear your seat belt ngisi niyang sabi ako naman ay napatulala lang sakaniya at medyo naawang pa ang bibig ko ngumisi naman siya at tumingin na sa harap.

Nabalik naman ako sa ulirat ng sinimulan niyang paandarin itong sasakyan, actually first time kong makasakay dito kaya hindi ko kabisado ang mga sulok sulok ng kotse, wala naman kaming kotse dahil nga sa kahirapan.

Nakita ko naman na nakalabas na kami ng subdivition nila at dumaan na kami sa high way.

"Can you tell me about your boy bestfriend?" Napatingin naman ako sakaniya ng bigla siyang nagsalita natuon lang ang paningin niya sa daanan

"Si josh po ba ang tinutukoy niyo?" Tanong ko

"Yeah, tell me all about him" wika niya... bakit naman interesado siyang malaman ang lahat tungkol kay josh?

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon