CHAPTER 21

20.7K 509 16
                                    

STILL ELISE'S POV

Napatayo naman ako ng makita ko si josh

"Josh! Anong ginagawa mo dito?" Tanong kong nakangiti sakaniya, hindi ko inaasahang nandito rin siya, nakasuot siya ng white t-shirt na bagay na bagay sa kaputian niya at itim na pantalon at naka sumbrero din siya.

Nagulat naman ako ng yakapin niya ako at napangiti naman ako at gumati ng yakap sakaniya.

At mayamaya rin ay humiwalay na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Namiss kita" sabi niyang nakangiti

"Sus!" Tanging sagot ko lang "Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit sakaniya.

"Amm birthday kase ni pinky kaya binilihan ko siya ng cake" sagot niya, si pinky ay kapatid niyang bunso.

"Ahh si pinky! birthday pala niya ngayon?! Pakisabi nalang sakaniya happy birthday ha?" ngiti kong sabi.

"Sige...ikaw pala anong ginagawa mo dito?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Ah inaantay ko si sir cyrus" ngiti kong sabi sakaniya, pero bigla namang nagiba ang timpla ng itsura niya.

"Yung boss mo? Tss! Nasan ba siya?" Mataray na tanong ni josh.

"Sweldo ko kase ngayon at winidraw ko diyan lang sa may kanto, sabi niya dito ko daw siya antayin pumunta kase siya sa company nila dahil may meeting siya" sagot ko sakaniya.

"Hmm ganun ba?" Tanging sagot niyang nakasimangot, ano bang problema nito?

"Tsaka nga pala may kasama ako si ruby, bumili lang siya ng siomai hindi ko ba alam dun ang tagal baka nadaganan na yun" natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sakaniya, bumuntong hininga naman siya habang nakangiti..

"Gusto pa sana kitang makausap kaso baka matunaw na itong cake" sagot niya at bahagyang inangat ang cake.

"Ahh ganun ba?" Tanging sagot ko

"Sige elise mauna na ako ha... ingat ka bumisita ka ulit kapag may time ka" sabi niya

"Sige" sagot ko ngumiti naman siya sa akin at akmang aalis na siya ng mapahinto siya at nakatingin lang siya sa may likod ko bahagyang nanlaki ang mata niya, bakit? Ano bang meron sa likod ko?

Titingin sana ako sa likod ko ng hawakan ni josh ang kaliwa kong balikat at hinarap niya ako sakaniya.

"May nakalimutan pala ako" saad niya at walang alinlangang hinalikan ako, natigilan naman ako at nanlaki ang mata ko at mayamaya ay bigla nalang siyang umalis sa harap ko at naiwan akong tulala.

WTF, totoo ba yun? He kiss me?! He kiss me?! WTF! bakit niya ako hinalikan?!...

Puro mura nalang ang nasasabi ng utak ko at hindi pa rin nag sisink in sa akin ang nangyari.

Nabalik naman ako sa ulirat ng may biglang humila sa akin at kinaladkad ako paalis, tinignan ko ang humahawak sa braso ko at hindi ako pwedeng magkamali dahil... si... si... si CYRUS! WTF nakita niya ba ang nangyari?!  NO WAY! BUT WTF ELISE!!!!!!!!!.....

Mabilis ang lakad ni sir kaya ako ay tumatakbo habang hila niya nararamdaman ko ang higpit ng hawak niya sa braso ko.

Naramdaman ko namang may humawak sa kabila kong braso at nakita ko doon si ruby.

"Kanina ko pa kayo hinahabol elise! Balak niyo pa yata akong iwan dito" irita niyang sabi pero hindi ako sumagot bagkos ay tumingin lang ako sa lalaking humihila sa akin.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now