CHAPTER 12

25.7K 519 19
                                    

STILL ELISE'S POV

Hinila niya ako paakyat at papuntang kwarto niya, kawawa naman yung dalawang katulong nasisante tuloy, hayss masyado kaseng over reacting itong si boss.

"Sit here" sabi niya at pinaupo ako sa kama, naglakad siya papunta sa cabinet niya at ng maisara niya iyon nakita ko ang medicine kit lumapit siya sa akin at umupo din sa kama pa harap sa akin, teka gagamutin niya ba ang sugat ko?

Akmang kukunin na niya ang kamay ko ng ilayo ko sakaniya iyon

"S-sir ako nalang po ang gagamot, kaya ko naman po" medyo may hiya kong tono

"No give me your hand" medyo galit niyang wika nakakunot pa ang noo, wala naman akong nagawa dahil bigla niya nalamg dinakma ko kamay ko at sinimulang gamutin.

"S-sir hindi niyo naman po kailangan gawin to, ok lang naman po kahit hindi ako magamot dahil malayo naman po yan sa bituka" mahabang lintanya ko at siya ay focus lang sa kamay ko.

"Aray!" Daing ko at napapikit ng bigla niyang lagyan ng alcohol ang sugat ko, naramdaman ko naman agad ang hangin dito ng dumilat ako ay nakita kong hinahayupan niya ang sugat ko. Nakakahiya elise siya ang boss mo pero parang siya pa dapat ang mag alaga sayo.

"Do you still remember my promise to mom and dad?" Tanong niya, may sinabi ba siya? Wala akong maalalang nangako siya.

"Tsk, i will take care of you too" parang nag flashback naman yung sinabi niya

FLASHBACK

"And you cyrus" kita ko namang napabaling siya sa daddy niya "magtino kana... wag mong pahirapan ang maid mo alam mo na magiging parusa ko sayo" wika ng daddy niya

"I will dad... and i will take cake of her too" saka bumaling ulit siya saakin ng tingin at ngumisi kaya inalis ko ulit ang tingin ko sakaniya

END OF FLASHBACK

"Did you still remember?" Tanong niya ulit at dahan dahan naman akong tumango habang nakatingin lang sa sugat ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos ding gamutin ni sir ang sugat ko.

"Yan tapos na" wika niya at kinuha ko na ang kamay ko sakaniya may band aid na ngay9n yung hintuturo ko

"T-thank you sir" pasasalamat ko

"Next time, kapag may ganung incident wag mo basta bastang kukunin ang bubog, hindi naman kase kamay ay panggamit doon, dapat kumuha ka naman ng walis at dustpan at ayon sana ang gimamit mo" mahabang sermon na, hindi ko kase alam ang gagawin ko natataranta ako dun sa sinabi nung kanang kamay ni manang saling.

"Sorry s-sir nataranta lang ako nun kase napagalaman kong ayun pala yung pinakaiingatang flower vase ng mommy niyo, nagalala ako nun baka malaman ng mommy niyo baka masisante ako" nakayuko kong wika sakaniya, at narinig ko ang mahinang pagtawa niya, siraulo talaga ito.

"Sa tingin mo papayag akong mangyari yun?" Gulat naman akong napatingin sakaniya.

"A-ano po sir?" Tanong ko

"Wala silang karapatang sisantehin ka, ako ang boss mo kaya ako ang magdedecide ng lahat" seryosong sagot niya "Don't worry ako na ang bahalang magsabi kay mom nun"

"Sir baka magalit yung mommy niyo" kinakabahan kong wika

"Hindi siya magagalit, trust me" mahinahong wika niya, kinakabahan ako sheta elise!

FAST FORWARD

Nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto ako ng sinigang na baboy para sa tanghalian ni sir, naramdaman ko naman ang presensya ni ruby kaya napatingin ako sa likod ko at nakita kong may may hawak siyang garapon.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now