CHAPTER 13

24.1K 538 16
                                    

ELISE'S POV

Ilang minuto lang ay tapos na kaming kumain at niligpit ko na ang mga pingkainan namin, nandito ako ngayon sa garden nagdidilig ng halaman.

"Oh nandito pala tong si pabida" rinig ko sa likod ko kaya pa hinto ako sa pagdilig at tumingin sa likod ko, pero pagtalikod ko ay biglang may tumabig na bumasa sa akin

"Hahahahaha" sabay tawa ng dalawa kong kasamahang katulong

"Dahil sayo nasisante sila jemie at ley!" Mataray na wika ng isang katulong sa akin, hindi ko alam ang mga pangalan nila dahil hindi ko naman sila close si ruby lang ang ka close ko dito

"Masyadong sipsip kay sir... hoy hindi porket personal maid kana ni sir ay lalandiin mo na siya" kumuyom lang ang aking kama ako at nakayuko ako, kailangan kong magpigil ayaw ko ng away baka mapagalitan kami ni manang saling.

"Tama ba b*tch?! Hindi porket maganda ka ay pwede mo ng akit akitin si sir cyrus, siguro mangkukulam ka... hala! Siguro ginayuma ko sir "  naggulat sign pa ito, at mas lalong kumuyom ang kamao ko, elise relax lang ha wag mo nalang silang patulan.

"Hala besh! Nakakatakot naman pala itong babaeng to!"

"Isang mangkukulam na nagbago ng anyo para akitin si sir cyrus!"

"Nako posible yan... baka nga nagpapanggap lang siyang maganda para makuha niya si sir cyrus" tumingin naman ako sakanila at ngumiti.

"Oh diba, ganyan yung mga ngiting mangkukulam!"

"Ngiting b*tch at mangkukulam! Anong ngini ngiti mo diyan?! Ha?!"

"Funny talaga kayo" natatawa kong sambit sakanila at nakita ko ang pagbago ng expression nila parang nagpipigil ng galit, natatawa napalang ako sa isip ko, sabi kase ni mama ay kapag hindi naman daw totoo ang sinasabi ng iba tungkol sayo ay wag mo nalang pansinin o kaya tawanan mo nalang para mas mainis ang mga haters mo.

"Kapal talaga ng mukha nitong babaeng to"

Akmang sasabunutan ako ng isa ay biglang dumating si ruby

"Hoy!!! Anong ginagawa niyo kay elise?!!!.... gosh! Bakit basa ka?!" Gulat na tanong ni ruby pero ngumiti lang ako sakaniya at napatingin ulit ako sa dalawa naka cross arm sila at nakangisi

"Mga palaka talaga kayo!" Nagulat naman ako ng sigawan ni ruby ang dalawa

"Anong sabi mo?!" Inis na wika nung babaeng nagtapon sa akin ng isang baldeng tubig

"Huh! Subukan niyo pang awayin itong kaibigan ko tayo tayo mismo ang magrarambol dito" wika ka pa ni ruby

"Huh! Ang tamang mo din ano! Hoy wag mo ng ipagtanggol yang malanding babaeng yan!" Sagot naman nung isang babae

"Sabihin niyo kase inggit lang kayo sakaniya kase sweet si sir sakaniya" mapangasar na wika ni ruby, may gantong side din pala itong babaeng to.

"Ewan ko kung bakit ka nakipag kaibigan sa isang mangkukulam" sagot nung babaeng nagtapon sa akin ng tubig

"Anong sabi mo?!" Sigaw ni ruby at biglang sinabunotan yung babaeng nagtapon ng tubig sa akin

"Ruby tama na yan!..." pagaawat ko at tinatanggal ko ang kamay niya sa buhok nung babae

"Kakalbuhin kitang palaka ka!" Sabi ni ruby

"Magsama kayo ng mangkukulam mong kaibigan!" Sabi naman nung sinasabunutan ni ruby

"Kayo ang mangkukulam, mukha na nangang palaka mukha pang tuko!" Sambit ni ruby

"Ruby tama na bitaw na!" Away ko kay ruby at hinila ko ang bewang niya kaya nabitawa niya yung babae at hinawakan din yung babae ng kasama niya

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now