Chapter Fourteen

163K 5.4K 5.3K
                                    

“Mukha ba akong takbuhan ng mga brokenhearted?”

I glared at Cadence and threw a pillow at him when I heard a nonsensical complain from him. I hugged another pillow and buried my face there.

“Totoo naman, e. Nu'ng brokenhearted si Abi sa akin din nag-rant at umiyak. Nakakasawa na rin kaya maging crying shoulder. I don't deserve this! I deserve better, I deserve you. Yiee--aray! Tangina, pangit mo talaga ka-bonding. Cancelled ka na,” reklamo n'ya nang muli ko siyang batuhin ng unan.

I just stayed quiet and stared at the ceiling. I sighed and closed my eyes. My heart still feels heavy until now. I'm obviously jealous... but why the hell would I be jealous? I rarely feel jealousy, but right now, I easily got jealous of my own mother. I can't forgive Xanthos for making me feel like this. He's the only man who made me feel like this and I hate it!

“Kanina pa natunog 'yang phone mo. Baka si Xanthos 'yan,” sabi ni Cad saka itinuro ang phone ko na nakapatong lang sa kama.

“So?” I asked and raised my eyebrow.

“Aw 'no, kunwari strong pero marupok naman,” bulong ni Cadence na narinig ko naman.

Natahimik na lang ako sa sinabi n'ya. Wala ako sa mood makipaglokohan kay Cadence. Gusto ko lang talaga ng may kasama ngayon. Kung nakapag-isip pa ako nang ayos baka si Abi ang pinuntahan ko at hindi siya.

“Baka naman kino-comfort lang ni Xanthos 'yung Mommy mo. Diba nga sabi mo bigla na lang nakipag-break si Xanthos? Kahit naman kunwarian lang kuno 'yon, malay mo na-fall talaga si Tita Akira at nasaktan pero ikaw talaga ang legit, true, tunay, at totoong gusto ni pareng Xanthos.” Napakamot si Cad sa kilay n'ya. “Oh, 'di ba? Grabe 'yung theory ko, 'no? Pwede na 'ko maging author sa wattpad. Ang ilalagay kong title, ‘Nanay ko, karibal ko’ shet. Magiging best selling book of the history 'yon, masisira career ni JK Rowling.”

I let out a heavy sigh and stared at my phone. Sa totoo lang, nangangati na akong tingnan ang cellphone ko. Pero ayoko namang ipakita kay Cad na marupok ako.

“Kiarabog, magjowa na ba kayo ni Xanthos?” tanong ni Cad.

My forehead creased with his question.

“Not yet... I mean, no. Why?” My eyebrow shot up.

Cadence smirked and held my arm. I gasped in shock when he suddenly pulled me closer to him and made me sit on his lap without exerting much effort.

“W-What the fuck are you doing?” I asked, stammering.

He took his phone and took a picture of us. I was taken aback when he suddenly kissed my neck and took another picture. I tried to push him but he just held my back and pulled me closer to him.

Tila nakahinga na ako nang maluwag nang ilayo na n'ya ulit ang mukha sa leeg ko.

“Now, let me see,” he murmured and looked at his phone. Napatingin din ako ro'n.

Napasinghap ako nang makitang kinuhanan n'ya ng picture ang hitsura namin kanina. Akmang kukuhanin ko ang cellphone mula sa kanya pero agad n'yang nilagay 'yon sa likuran n'ya.

“Send natin 'to kay Xanthos. Kapag nagselos siya, ibig sabihin tama 'yung theory ko. Ano? Game?” nakangising tanong n'ya.

“Ano naman sa tingin mo ang gagawin n'ya sa 'yo kung magseselos talaga siya?” nakakunot-noong tanong ko.

“Ah, good question. I bet he'll kill me for real this time. Knowing him, kahit mata ko magkakaroon ng latay,” nakangiwing sabi n'ya.

I bit my lower lip and took a deep breath. I shook my head and scratched my nape.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon