Chapter Thirty-Three

147K 5.6K 3.8K
                                    

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Napabuntonghininga ako nang nakaramdam nang mabigat na nakadagan sa baywang ko. Natigilan na lang ako nang mapansing nakayakap ang braso ni Xanthos do'n.

Napatingin ako kay Xanthos na nakapikit pa rin. Minsan ko lang siya makitang tulog na ganito. Nasabi rin sa 'kin noon ni Cadence na hirap makatulog si Xanthos at madalas hindi na lang siya natutulog.

I bit my lower lip and just stared at his sleeping face. Nahiya ang pilikmata ko sa kanya, mas mahaba pa yata ang sa kanya kaysa sa akin. Sa lahat ng lalaki, sa kanya ko lang nakita na bagay ang gano'ng pilikmata.

I gently touched his clean shaved jaw. He's always leaving stubbles on his face before. Pero nasabi ni Xiana na ayaw n'ya ang may gano'n sa mukha ni Xanthos kaya siguro lagi na siyang nagsh-shave ng balbas. Napangiti na lang ako.

Napapitlag ako nang marahang idinilat ni Xanthos ang mga mata n'ya. Agad akong lumayo nang kaunti pero agad n'ya rin akong hinila palapit sa kanya.

"Good morning," he whispered.

I gasped when I heard how sexy his voice was. His husky voice complimented his sexy morning look. How can someone be this attractive at the moment of waking up? This is not fair anymore.

I bit the insides of my cheeks and avoided his gaze. "I-I need to take a bath," I muttered.

Itinuro ko ang braso n'yang nakayakap pa rin sa baywang ko na para bang sinasabi ko na alisin n'ya 'yon. Tila natauhan naman si Xanthos at agad na inalis ang braso n'yang nakayakap sa 'kin.

"Oh, sorry. Go ahead, take a bath," he said and stood up. He disheveled his curly hair and stretched his body.

Tila nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na siya sa 'kin. Kanina ko pa kasi pinipigil ang paghinga ko sa hindi ko malamang dahilan. Napailing na lang ako at kumuha ng damit sa bag ko saka nagtungo sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, naabutan ko si Xanthos na nakaupo pa rin sa kama at tila naghihintay sa 'kin.

"Ahm, ikaw naman ang maligo," sabi ko na lang saka alanganing ngumiti sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng awkwardness sa kanya samantalang siya naman ay walang nararamdamang pagka-ilang. Napailing na lang ako.

Hindi ko na nagawang hintayin si Xanthos, lumabas na agad ako ng kwarto namin pagkatapos kong magbihis ng beach dress. Nagsuot na rin ako ng swimsuit sa loob no'n.

"Kiara! Good morning!"

I just smiled when I saw them preparing breakfast. I think I should help them out too.

"Good morning," nakangiting bati ko sa girls. "Nasaan ang mga asawa n'yo?" tanong ko nang makitang wala sina Cad.

"Nasa labas sila, sabi namin maghanap dila ng panggatong," sabi ni Nathalie saka kumagat sa apple.

Napangiti na lang ako at napailing. Mukhang sa mga babaeng 'to lang lumalambot ang mga tigasing lalaki na 'yon.

"Kumusta naman ang tulog kasama si Sir Xanthos, Kiara?" nakangising tanong ni Denise. Nagtaas-baba pa talaga ng kilay ang loka.

"Ayos lang," sabi ko na lang saka uminom ng tubig.

"We don't want a vague answer, Kiara girl. We need a detailed answer," Angel said and crossed her arms.

I just chuckled and shook my head. "We just slept, nothing special happened," I said.

"Ay wow, grabe sa hina ng manok natin, girls. Akala ko pa naman naging mainit na ng tuluyan ang gabi ni mareng Kiara. Ilang taon ng walang dilig ang mare natin, aba," napapailing na sabi ni Denise.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon