Chapter Twenty-Nine

136K 4.5K 3K
                                    

"Tama na ang pagiging bitter mo, Denise. Tanggapin mo na lang na si kuya ang pinili ni Kiara," nakangising sabi ni Abi na tila inaasar si Denise.

"Leche! Manahimik ka, please. Never kong matatanggap kahit maging puti pa ang uwak at lahat ng hayop sa mundo. Team Xanthos lang ako forever," sabi ni Denise at napaismid.

I just shook my head while preparing breakfast for my kids who are busy playing with their toys.

"Xiana, Xevan... dito muna kayo mga anak. Kakain na kayo," sabi ko nang matapos silang ipagluto ng pancake.

My kids immediately ran to me and hugged my waist. I smiled and squatted to give them both lots of kisses.

"Mama, next time I want carbonara just like Papa's recipe. Pleaseee," Xiana pleaded and hugged me tighter.

"Carbonara? Your father can cook that?" I asked, stunned.

"Of course, Mama. Papa is the best cook!" Xiana proudly said.

"Really? That's surprising," I mumbled.

He can only cook menudo before. Hindi ko alam na marunong na siyang magluto ngayon.

"Oo naman, mareng Kiara. Um-attend pa ng cooking class si Sir Xanthos noon pa. Nu'ng unang beses n'yang sinubukang magluto, muntik pang nasunog 'yung pad n'ya. Pero ngayon, kung titikman mo ang mga luto ni Sir, baka ma-fall ka ulit sa kanya," sabi naman ni Denise at nagtaas-baba pa ng kilay.

I just laughed and shook my head. That was really surprising. I never thought that Xanthos will go that far for our kids... but well, seeing how much Xevan and Xiana love him, I guess he must be a good father to them. They even call him the best father in the world.

"Sorry ka na lang, Denise. Magaling din magluto si Kuya Archer. Malamang nga natikman na ni Kiara ang mga luto n'ya. Right, my dear friend?" tanong ni Abi, tila ayaw ipatalo ang manok n'ya na si Archer.

I smiled and nodded. "Hmm, magaling magluto si Archer."

Ipinaghain ko na sina Xiana at Xevan habang sina Denise at Abi ay patuloy pa rin sa pag-aaway. Kulang na lang yata ay magsabunutan silang dalawa. Hindi na lang ako umaawat dahil lagi naman silang ganyan simula nang maging boyfriend ko si Archer.

Natigilan lang kami nang makarinig ng katok. Agad akong napangiti, malamang si Archer na 'yon.

"H'wag n'yong pagbuksan, unit ko 'to kaya ako ang masusunod," nakapamaywang na sabi ni Denise.

"Tanggapin mo na lang kasi, Denise girl. Nasa akin ang huling halakhak, ako ang magiging sister-in-law ni Kiara," nakataas-kilay na sabi ni Abi.

"Gusto mong tadyakan kita palabas ng unit ko? Ako ang mananalo, ako ang magiging secretary-in-law ni mareng Kiara!" sabi naman ni Denise.

Napailing na lang ako at pinagbuksan ng pinto si Archer. Agad siyang napangiti nang makita ako. Sinalubong ko naman siya ng yakap at dinampian siya ng halik sa pisngi.

"It's not good to be that beautiful first thing in the morning, Kiara," he muttered and hugged my waist.

"Bolero," sabi ko na lang at hinampas ang dibdib n'ya.

"Hoy malalandi, kung maglalandian lang kayo diyan sa pinto forever please magsilayas na lang kayo sa pamamahay ko, ASAP!" sigaw ni Denise.

Natatawang napailing na lang ako at pinapasok si Archer sa loob. Agad naman siyang lumapit kina Xiana at Xevan at binigyan ang kambal ng halik sa noo.

"How are you, kids?" Archer asked.

"Hindi sila okay kasi nandito ka na raw," bulong ni Denise habang napapaismid.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon