Chapter Twenty-Seven

146K 5K 4.7K
                                    

I only stayed at Xanthos' place for one week. I stayed at Abi's unit after that. Gulat na gulat siya nang malamang buntis ako. Nagtanong din siya kung bakit ayaw kong umuwi sa bahay pero hindi ko na lang sinabi ang totoong dahilan sa kanya. Ayaw ko na rin naman kasing pag-usapan pa 'yon.

Even though we're having a child, Xanthos and I have separate lives. Hinahayaan ko naman siya na bisitahin ako sa unit ni Denise. Kung minsan nagdadala siya ng mga pagkain o prutas kung minsan naman si Denise ang pinapapunta n'ya. Mas maganda na rin ang malayo kami sa isa't isa ni Xanthos, ito ang tamang desisyon.

Maraming nangyari habang buntis ako. Nang mahigit apat na buwan na 'kong buntis, nagpa-ultrasound ako kasama ni Xanthos at doon namin nalaman na kambal ang anak namin. Sa mga oras na 'yon, nakita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Xanthos. Tila ba masaya siya na kambal ang anak namin. 

Si Dad naman, ipinakulong n'ya ang sarili n'ya para pagbayaran ang kasalanan nila ni Lolo sa nanay ni Xanthos. Xanthos didn't say anything about it to me. I don't know if he purposely avoid the topic about it because he doesn't want it to be the cause of my stress or maybe... he doesn't care about it anymore. 

I don't want to see or visit my Dad at the prison. Si manang na lang ang nabisita kay Dad. Nasabi rin sa 'kin ni manang na alam na ni Dad na buntis ako at masaya siya para sa 'kin. Hindi ko alam kung masasabi n'ya pa rin 'yon kapag nalaman n'yang si Xanthos ang tatay ng magiging anak ko. 

Mabilis na lumipas ang siyam na buwan. Kinakabahan ako nang sobra nang dumating na ang araw na ipapanganak ko na ang kambal. Alam kong hindi na kami malapit ni Xanthos tulad noon pero napilitan akong humawak sa kamay n'ya at doon kumuha ng lakas. Nararamdaman kong hinahaplos n'ya ang buhok ko na tila pinapakalma ako. Wala siyang sinasabi, nanatili siyang tahimik pero ipinapakita n'ya sa bawat kilos n'ya ang pagpapalakas ng loob ko sa mga oras na 'to.

Pakiramdam ko bawing bawi ang sakit na dinanas ko sa panganganak nang marinig ko ang iyak ng kambal. Napangiti ako at nanghihinang napakapit sa kamay ni Xanthos. Naramdaman ko rin na marahan n'yang pinisil ang kamay ko.

"I'm proud of you, Kiara..." narinig kong sabi ni Xanthos bago ako pumikit at tuluyang hinila ng antok.

NANG MAGISING ako, nasa tabi ko na ang kambal. Napangiti ako habang nakatingin sa dalawang anghel na habang buhay na magpapasaya sa 'kin. Ito ang unang beses na nakita ko sila pero pakiramdam ko, sobrang mahal ko sila na handa akong gawin lahat para sa kanila.

I looked at Xanthos beside me. He's staring at our children too as if his world revolves around them. Mukha siyang pagod at walang tulog pero tila hindi n'ya alintana 'yon. Nakatitig siya sa mga anak namin na para bang sapat na 'yon para mawala ang lahat ng pagod na nararamdaman n'ya.

"Do you want to carry them?" I asked him. Xanthos gulped and shook his head.

"I-I don't know how to, they look delicate. I don't want to hurt them," he murmured in a soft voice.

I just smiled and held my little girl's hand. Hinawakan ko naman ang kamay ni Xanthos at inilapit 'yon sa anak naming lalaki. Agad na nanginig ang kamay n'ya. Napangiti na lang ako sa reaksyon n'ya na para bang takot na takot siyang hawakan ang mga anak namin.

"What will be their name?" I asked.

We haven't talk about their names yet. I don't want to decide about it without consulting him first. He's still their father.

"Do you have something in mind?" he asked and looked at me.

"Hmm, I want to name our little girl Xianariah, and this cute boy will be Xevan... Xianariah and Xevan Archante," I said and looked at my babies. Xanthos is right, they really look delicate.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon