Chapter Thirty-One

150K 4.9K 4.7K
                                    

"If you love him, why did you break up with him?" Xanthos asked.

"Narinig mo naman, 'di ba? Ayaw sa 'kin ng parents ni Archer lalo ng nanay n'ya... Pinagsalitaan din ng nanay n'ya ng masasakit ang kambal. Nandoon ang kambal ng mga oras na 'yon at naiinis pa rin ako kapag naaalala ko," sabi ko na lang at napatingin sa dumidilim na langit.

Hindi nga talaga ako iniwan dito ni Xanthos hanggang sa tumigil na ako sa pag-iyak. Hindi siya nagsalita habang naiyak ako at nasa tabi ko lang. Marahil hindi n'ya alam ang sasabihin pero malaking bagay na ang pananatili n'ya sa tabi ko.

"Ano'ng sinabi n'ya sa mga anak ko?" nakakunot noong tanong ni Xanthos.

Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko nang sumama ang tingin n'ya.

"Ahm, d-don't worry... Tinapunan ko naman siya ng asin pagkatapos no'n at ipinaliwanag ko sa mga bata na hindi totoo ang sinabi n'ya," sabi ko na lang.

"Do you want me to ruin her life?" nakakunot-noong tanong ni Xanthos.

Agad akong napasinghap at umiling. "No! Y-You don't have to. I mean, I already gave her a lesson. You don't have to do anything."

Xanthos chuckled and gently rumpled my hair. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya.

"Relax, I'm just kidding," he said and smiled at me.

Tiningnan ko siya nang masama at hinampas ang braso n'ya. "Nasasaktan na nga ako rito, niloloko mo pa 'ko."

He just laughed and flicked my forehead. I just sighed while listening to his refreshing laugh. Ang tagal na noong huli ko siyang narinig na tumawa nang ganito.

Maya maya pa ay naging seryoso ulit si Xanthos. Bahagya siyang ngumiti saka marahang hinaplos ang buhok ko. Nagtatakang napatingin ako sa kanya ngunit hindi ko siya pinigilan.

"Kiara... Thank you for choosing our children. Thank you for letting him go for their sake," he said in a soft voice.

I just smiled and avoided his gaze. "You don't have to thank me for it. Natural lang na piliin ko sila dahil mga anak ko sila. Kahit na mahal ko pa si Archer, hindi ko siya pipiliin kung mga anak ko na ang pag-uusapan dahil mas mahal ko ang mga anak ko. Paulit-ulit ko silang pipiliin..." Napabuntonghininga ako. "...at isa pa, mas maganda na rin na makahanap si Archer ng babaeng mas karapat-dapat sa kanya. He's actually too good for me, no, he's the best for me. Someone like him doesn't deserve a messed up woman like me. H-He deserves a better woman like Yvette. I'm no match for her... She's the kind of woman that Archer deserves."

Saglit na hindi nakapagsalita si Xanthos. Napatingin ako sa kanya. Natigilan ako nang mapansing nakatitig siya sa 'kin.

"You're a perfect woman," he said while staring at me.

Natigilan ako sa sinabi n'ya at tila hindi agad 'yon nagproseso sa isip ko.

"You're the best mother, you're a wonderful, strong, and independent woman... and you're a perfect lover too. He's actually lucky to have you as her girlfriend. He will never find someone like you again... you're one of a kind," he added. He smiled at me, and his smile alone almost reached my heart.

I unconsciously smiled too with his remark. I never thought that I'll get to hear something so heartwarming from him. It feels like all of the self-doubt that Archer's mother caused to me suddenly vanished without a trace. Simple words from his is enough to help me regain my confidence.

"T-Thank you so much, Xanthos." I smiled at him.

"Do you wanna feel better, Kiara?" he asked and stood up.

"O-Of course, I do," sabi ko na lang.

Inilahad ni Xanthos ang kamay n'ya. Kahit nag-aalangan, tinanggap ko iyon. Marahan naman akong hinila patayo ni Xanthos.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon