SF 14

214 17 16
                                    

Kitty's POV

"Bakit mo naman kasi ginawa 'yon?" tanong ni Sachie sa 'kin. Si Sachie na ang bago kong kasama sa kwarto mula kahapon, si Danica naman ay si Jackie na ang kasama.

"Para kasing mamamatay ka na sa sobrang bigat ng katawan mo, halos 'di mo maangat," natatawang sabi ko. Sinapak naman niya ako sa balikat ko kaya agad akong napa-aray.

"'Wag mo nang uulitin 'yon, sasakit lalo 'tong katawan mo. Bukas, kahit na mahuli ulit ako, 'wag na 'wag mo nang gagawin yung ginawa mo kanina," aniya at pinagpatuloy ang pagmasahe sa balikat ko.

"Ayos nga 'yon. Lagi nang may magmamasahe sa 'kin,"sabi ko.

Agad tumayo si Sachie nang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin. Pagbukas niya ay tumambad sa 'min ang apat. "We are here, Heroine," bungad ni Danica pagpasok.

"What are you guys doing here?" tanong ko sa kanila.

Naupo naman sila sa mga kama namin ni Sachie bago nagsalita si Yanna. "Of course, to check on you. Masyado mo naman kasing ginalingan ang pagiging bayani mo," sabi nito at tiningnan ako nang masama.

"Naaawa lang naman ako kay Sachie," saad ko at kinuha ang inabot ni Danica na gatas.

"We know, naawa rin naman kami kay Sachie kanina. Pero 'di namin in-expect na gusto mong ipagpatuloy ang punishment na para kay Sachie. Double pa tuloy sa 'yo," sabi naman ni Florence.

"Pero pa'no mo nakaya ang 200 push-ups na 'yon? Kung ako 'yon, baka 'di na ako makatayo o 'di kaya makahawak ng kutsara," giit ni Danica habang binabalatan ang apple.

Feeling ko tuloy, may sakit ako at dinalaw nila akong lahat para alagaan. "Maganda kasi ako saka feeling kong magpakabayani para alagaan ako ni Crush," sabi ko na ikinatawa nila.

"Puro Gavin talaga laman ng utak ng babaeng 'to, 'no? Pero sa totoo lang, ang galing niyo kanina. Ang bilis niyong natapos," komento ni Danica at sinubo sa 'kin ang naka-slice na mansanas.

"Mabagal pa nga raw 'yon sabi ni Sergeant Grey," saad ko at nginuya ang mansanas.

"Malamang, walong buwan tayong puro aral lang sa mga jargons, drill commands, at first aid. Sobrang relax ng katawan natin tapos biglang gano'n ang bagong training," sabi ni Jackie at sumubo rin sa mansanas na hinihiwa ni Danica.

"Bukas na nga kayo magreklamo kay Sergeant, patulugin na natin ang ating bayani of the day," sabi ni Sachie at pinaalis ang apat. "Matulog ka na nga."

"Inuutusan mo 'ko?"

"Aba, syempre. Ako may kasalanan kung ba't sumakit 'yang katawan mo," sagot nito kaya wala akong nagawa kun'di ang matulog na lang.

Paggising ko sa umaga ay tulog pa si Sachie. Pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro palang naman kaya nagbihis ako para sa aking morning exercise. Bago ako makababa ng hagdan mula sa second floor ay siya ring pagbaba ni Gavin galing third floor.

"You're early," sabi ko at naunang maglakad.

"Good morning, Katniss," wika nito. Ang pogi naman ng lalaking 'to kahit bagong gising.

"I told you to stop calling me Katniss," sabi ko at umirap sa kaniya. Woah, nakakayanan ko nang umirap sa crush ko. Parang noon lang ay halos hindi pa ako makalapit sa kaniya dahil sa hiya, ngayon kung maka-irap.

"I also told you that I love calling you Katniss," giit nito at binilisan ang lakad para makasabay sa 'kin.

"What happened to you? Have you already fell in love with me?" nakangising tanong ko sa kaniya.

"What? I was just saying that I love calling you Katniss because I find your name hot," masungit na sabi nito at naunang tumakbo. 'Wag mong sabihing bakla nga si Gavin? Napangisi ako at sumunod sa kaniya sa pagtakbo.

"Hey! Wait for me," sigaw ko sa kaniya ngunit hindi na ako nito pinansin. Ang sungit talaga, akala mo walang nangyari noong isang araw na lasing siya.

Pagkatapos naming tumakbo ni Gavin ay agad kaming nagsimula sa pag-warm up. Yung iba sa amin ay kumakain muna sila at nagpapahinga bago nagw-warm up. Gano'n din naman ako minsan kaso ngayon nakasabay ko si Gavin, gusto ko na sabay kaming mag-warm up.

"Hey, can you help me with the sit-ups?" Agad naman siyang tumayo mula sa pagkaka-push-up at lumapit sa 'kin. Nagsimula ako sa pag-sit-up nang hawakan niya ang dalawang paa ko. Patuloy lang ako sa pag-sit-up nang may naisip akong kalokohan.

Dahil kami palang naman ang tao na nandito sa labas, pagtaas ko sa katawan ko ay sinobrahan ko ito at diretsong dinampi ang labi ko sa labi ni Gavin. Agad naman siyang bumitaw sa 'kin na ikinatawa ko. That was our first kiss!

"Stop teasing me, Katniss," galit na sabi nito. Tumawa lang ako at tumayo na para sa sunod na warm-up. Tila ay naging madali para sa akin na gawin ang lahat ng warm up na binigay sa amin ni Sergeant Grey dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.

Gan'to pala epekto ng halik na galing langit. Tang*na! Ang saya ng umaga ko. Pagkatapos naming mag-warm up ay bumalik agad kami sa kanya-kanya naming kwarto para maligo. Nakakatawa nga lang ang pagmumukha ni Gavin dahil halos hindi ito maipinta, akala ko pa naman ay hindi na siya mahihiya 'pag hinalikan ko siya dahil sa mga ginawa niya noong isang araw.

"You're done with the morning exercise?" tanong ng kakalabas palang ng kwarto na si Danica. Ngumiti ako sa kaniya at tumango bago pumasok sa kwarto namin. Pagpasok ko ay tulog pa si Sachie kaya agad ko itong ginising at nginitian.

"Wake up, Sleeping beauty. You still have morning exercise," sabi ko at dumiretso sa banyo. Ang saya talaga ng umaga ko.

"Ang aga naman niyang natapos, akala ko ba masakit katawan niya sa push-ups kahapon?" rinig ko pang sabi ni Sachie galing sa labas.

Habang nasa banyo ako ay pakanta-kanta pa ako habang nagsasabon. Nako, nakakabaliw talaga si Cornelius.

Pero sabi nga nila, 'pag may masayang nangyari sa araw mo, may mangyayari ding masama. "Menken, Cornelius! Report to my office. Now!" sigaw ni Commandant habang nasa formation na kaming lahat. Ano naman kayang ginawa namin? 'Wag mong sabihin na...

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon