SF 24

189 20 16
                                    

Kitty's POV

Katatapos lang ng mud training namin. And guess what? Nakakamatay. Halos pumasok na sa bibig ko ang putik, daig pa namin ang baboy na nilagay sa putikan. Lahat kami ay dumiretso sa likod ng dorm kung saan naroon ang shower na pwede naming gamitin kung hindi available ang sa itaas. At dahil nga puro putik pa rin kami ay dito na kami naligo lahat, babae man o lalaki, wala nang arte-arte.

"Nalasahan ko talaga ang putik kanina, sh*t lang," sabi ni Drey sa 'ming lahat. Napatawa naman ang iba pa naming kasama.

"I think, aalis na ako. Hindi ko na kaya," bulong ni Florence ngunit narinig pa rin namin.

Agad naman siyang sinapak ni Drey at tiningnan nang masama. "Don't you dare! Alam mo bang laging napaparusahan si Kitty dahil sayo? Kaya 'wag kang susuko." Sinamaan niya rin ng tingin pabalik si Drey at umirap dito.

"Nakakaasiwa rin ang pagmumukha mo kaya gusto ko na lang talagang umalis," masungit na sabi ni Florence. Napuno naman ng asaran ang buong silid.

"Nasa'n pala si Yanna?" tanong ng isa naming kaklase.

"Oo nga?"

"She left yesterday," sagot ni Danica. Napatingin kaming lahat sa kaniya at nag-hintay sa susunod niyang sasabihin. "She said, pagod na siya. But the truth is... she and Zamora have a secret relationship. Ayaw nilang umabot pa sa puntong ma-e-expel sila kaya umalis na lang sila."

"Zamora? Is that Gavin's roommate?" tanong ni Warner. Napatingin naman kaming lahat kay Gavin at tinignan niya lang kami pabalik. "Roommate kayo? Ano sabi sa'yo?"

"Nothing," maikling sagot nito at nagpatuloy sa paglagay ng shampoo. Napatingin siya sa banda ko kaya tinitigan ko rin siya. Nagulat na lang ako nang kumindat siya sa 'kin kaya agad akong napaiwas ng tingin. Tang*na mo, Gavin. 'Pag talaga may nakakita sa ginawa mo, expel tayo.

"Bilisan niyo na. We still have another mock-up training," sabi ko pagkatapos kong maligo at umalis para magbihis sa taas. Natapos din naman kaagad ang iba at sumunod sa 'kin.

-

"Here are your assignments." Isa-isang binigay sa 'min ni Commandant ang folder. Binuksan naman kaagad namin ito at pinag-aralan. 'Mission to hunt and capture a terrorist.' Hindi ko alam kung magiging madali lang ba ang assigned task sa amin pero kailangan naming galingan. Gaya ng huling mock-up training ay pareho pa rin ang mga teammates namin. Ngunit kailangan naming makipag-collab sa isa o dalawa pang team.

"First two teams who'll enter the building, Cornelius' team and Jacksonville's team. Task: Mission to rescue a kidnapped victim. In 60 seconds, the team will enter the building."

5... 4... 3... 2... 1...

Matapos tumunog ang alarm ay agad pumalibot ang team ni Jacksonville sa buong building. Ang team naman ni Gavin ay dahan-dahang pumasok sa loob ng building. Makikita lahat ng galaw nila sa mga monitor pati na rin ang mga kumidnap sa bata ay nakikita rin.

Isa-isang tinignan nina Gavin ang bawat kwarto habang nagbibigay ng mga hand signals sa mga kasama. Paminsan-minsan ay nagsasalita rin si Gavin siguro para na rin magbigay ng plano kina Jacksonville.

Isa sa mga kasama ni Jacksonville ay umupo sa isang liblib na lugar. Binuksan niya ang kaniyang laptop. Sa tingin ko ay sinusubukan niyang pasukin ang system ng eskwelahan para makita kaagad ang kinaroroonan ng mga criminal. "Report! Lusefos is hacking our system, Sir."

"Do what you need to do," maikling sagot ni Commandant. Nag-salute naman kaagad ang sundalo at bumalik sa kaniyang posisyon kanina.

Nakita naming inis na isinara ni Lusefos ang kaniyang laptop bago nagsalita sa nakatagong mic na nakakabit sa kaniyang damit. Napatingin naman kami kung saan naroon sina Gavin at nagsasalita rin ito na tila ba ay may sinasabi kay Lusefos. Matapos magsalita ni Gavin ay binuksan ulit ni Lusefos ang kaniyang laptop. Tumingin sa isang camera si Gavin at nag-hand signal. Agad akong ngumisi at binuksan din ang laptop ko, mabilis ang kamay kong kinalikot ang laptop.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon