SF 20

221 18 15
                                    

Kitty's POV

My whole week has been a hell. Last Thursday, I attended the mock-up training where me and Gavin are opponents. On my team I had Drey, Yanna, Jackie, and 15 others. While on his team, he had Warner, Danica, Florence, and the 15 other students.

On our first mock-up training, we fought in the forest. The first one to be hit by the colored fake bullet will be considered as dead. Of course, my team lost. Gavin isn't an easy opponent because he's good at tactical training. He immediately wiped out everyone in my team except me. I fought and killed half of them but we lost anyway.

Friday, Saturday, and Sunday was supposed to be our rest days but I had my training in wall climbing. Just like what happened last Wednesday, I would fall into the ground when my panic attacks. But now, I already controlled it a little. Nakaakyat na ako nang diretso hangga't hindi ako tumitingin sa ibaba. Nakakababa rin ako ngunit hindi pa rin ako tumitingin sa ibaba.

Kahapon naman ay sumama ulit ako sa bundok para sa log carrying namin. Pagkatapos ng training namin ay dumiretso agad ako rito sa wall climbing. Alam kong dapat hindi lang wall climbing ang iniisip ko, dapat ay ang rock climbing na mas mahirap.

"Are you sure, kaya mo na?" tanong ni Danica sa 'kin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. I can do this!

"I'm not called Kitty Menken for nothing," sabi ko bago dumiretso sa harapan ng mataas na mabatong bangin. Kinakabahan ako pero alam kong malalagpasan ko 'to.

Sinuri muna ng isang sundalo ang gear na suot ko pati na rin ang lubid. Pagkatapos nitong umalis ay huminga ako nang malalim at inihanda ang sarili ko sa pag-akyat. You can do this, Katniss! 'Wag ka lang titingin sa baba.

Nagsimula akong umakyat pataas, dahan-dahan ngunit sinisigurado kong hindi ako titingin sa ibaba. Patuloy lang ako sa pag-akyat hanggang sa marating ko ang tuktok nito. "You did it, Menken." Bahagyang ngumiti sa 'kin si Supervisor Driscoll at sumaludo. Sumaludo rin ako pabalik sa kaniya bago nag-rappelling pababa.

Dahan-dahan ngunit sigurado ang bawat galaw ko habang pababa. Narinig ko pang sumigaw ang ibang kaklase ko para i-cheer ako. Pagbaba ko ay agad akong napatalon sa tuwa. Niyakap naman ako ni Drey at tumalon-talon din ito kasabay ko.

"You did it, Kitkit!" Napasimangot naman ako sa tinawag niya sa 'kin. Ang bata pakinggan.

Napatingin naman ako sa gawi kung saan naroon si Commandant. Seryoso itong nakatingin sa amin kaya agad akong kumalas sa yakap ni Drey.

Pagkatapos ng training namin ay bumalik naman agad kami sa WLMA. Bukas ay unang beses ko palang masusubukan ang river crossing. Ang sabi nila Danica ay mahirap nga raw ito dahil sa lakas ng agos sa ilog. Huling nag-river crossed sila ay muntikan pa raw na anurin ng agos si Florence. 'Wag naman sanang maanod ang maganda kong katawan.

"I heard, idadagdag ni Commandant ang mud training." Napatingin naman kami ni Danica kay Drey. Nandito kami ngayon sa canteen para maghapunan.

"What?/Are you serious?" magkasabay naming tanong ni Danica.

"Oo nga. Narinig ko lang kahapon habang nag-uusap sila ni Sergeant Grey," sagot nito at sumubo ng pagkain. "I also heard na hindi na magiging bakante ang Saturday at Sunday dahil balak ni Sergeant Grey na mas mag-ensayo pa sa shooting, and of course, sa offense at defense natin."

"What?" sabay pa rin naming tanong ni Danica.

"What-watin ko mukha niyo. Narinig ko nga kahapon," masungit na sabi nito. Ang pogi rin ng Cunningham na 'to pag nagagalit, e. Ba't ngayon ko lang napansin?

"By the way, anong pinagkakaabalahan ni Warner at 'di ko siya masyadong nakikita ngayon? Hindi na nga rin kami nag-uusap," sabi ko bago sumubo.

"His mother died kaya ilang beses na siyang nakapag-file ng leave. Hindi mo alam?" tanong nito sa 'kin.

"I was busy overcoming my acrophobia, remember?"

"Oo nga pala. Halos do'n ka na tumira at nagw-wall climbing."

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Kailangan kong maghanda para bukas. Baka maanod ang ganda ko.

-

"Like what we did last week, you need a partner. Menken, you'll be paired with Gavin since he's alone last week. One of you must be on the other side of the river to throw a rope to your partner and both of you will tie the rope on a tree or a rock... It's up to your partner. After that, your partner will cross the river using the tied rope. This will help you when rescuing someone. Get ready, Soldiers!"

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Gavin at tumayo sa gilid niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "Uhhh... Danica told me that you're the one who caught me last time. T-thank you." Mahina lang ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya dahil tumango siya. "I'll catch and tie the rope."

"No, I'll do it," maikling sagot nito. Agad akong napatingin sa mala-chocolate-brown na tubig. Kung minamalas ka nga naman, Kitty... Bumabaha pa.

"No, I insist. Wala ako last week and I want to experience it, too." Hindi na siya sumagot at agad lumapit sa isang sundalo para kumuha ng lubid. Sinabit niya ito sa kaniyang leeg bago tumawid gamit ang lubid na tinali nina Commandant kanina. I admit, nagiging awkward pa rin talaga ang atmosphere sa tuwing nandiyan siya. Have I really moved on already? Gusto ko ba talaga si Drey?

Agad akong umiling-iling at bumuga ng hangin. I should be focusing on the training and nothing more. I can cross this river.

Nagsimula nang tumawid ang ibang kaklase ko kasunod kay Gavin. Pagkatapos nilang tumawid ay una kaming tinawag ni Commandant para magsimula na. Kinakabahan man ay lumapit ako malapit sa malaking ilog at hinintay si Gavin na itapon ang lubid patungo sa 'kin.

Sumenyas siya sa 'kin na itatapon niya na kaya sumenyas din ako pabalik. Tinapon niya papunta sa 'kin ang kabilang dulo ng lubid na agad ko namang nasalo. Mayroon itong bato na katamtaman lang ang laki. Agad akong napangiti. He's indeed the smartest.

Lumapit ako sa isang bato at sinuri kung maaari ko bang doon na lang itali ngunit mas mahihirapan lang ako. Sunod ay sinuri ko ang punong nasa gilid lang ng ilog, hindi ko maaaring itali ang lubid rito dahil sa oras na may tao sa gitna ng tubig at nakahawak sa lubid, mas mataas ang pressure na ibinibigay nito sa puno. Maaaring mabuwal ang puno kapag mas lalo pang bumaha at may tao sa gitna, lalo pa't na-expose na rin ang lupang kinatatayuan ng puno sa tubig dahil nga sa gilid lang ito ng ilog nakatayo.

Pumunta ako sa punong nakatayo sa hindi kalayuan sa unang puno na aking nilapitan. Sinadya ko itong sipain nang malakas para matingnan kung steady ba ito. Nang makitang ayos naman ang punong ito ay agad ko itong tinali bago lumapit ulit sa ilog.

Bumaba ako sa rumaragasang tubig at humawak sa lubid bago magsimulang maglakad sa ilog. Nang nasa gitna na ako ay mas lalo pang lumakas ang pressure ng tubig, nahirapan akong umusad dahil nga sa lakas ng agos nito.

"Katniss, look at me. Take another step, just hold the rope tightly. Okay, that's good. Slowly..." Sinunod ko ang mga sinabi niya at nang malapit na ako sa kabilang bahagi ay agad iniabot ni Gavin ang kaniyang kanang kamay. "You did great!" bungad nito pag-akyat ko.

Napangiti na lang ako at tiningnan siyang nakangiti rin sa akin. It's been so long since I last saw his smile. He's still the cutest when he smiles.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon