SF 31

164 16 13
                                    

Kitty's POV

It has been a month since we graduated from the academy and today is our first day of being part of the Special Force. Last month, after we graduated, we had our party. All of the students who passed the military trainings attended the party, even those students who left the academy were also present. Of course, we invited them because they are also part of the 25th batch.

Earlier, the soldiers in the Special Force welcomed us. Lahat sila ay sumaludo sa aming pagdating. No'ng una ay nahihiya pa kaming lima dahil ang babait ng iba ngunit sa ilang oras na pakikisalamuha at pakikipag-usap sa kanilang lahat ay nakasanayan na rin namin ang kanilang presensya.

Kung may mabait sa amin, mayroon ding hindi. Gaya na lamang ng isang kapatid ni Danica na kanina pa siya sinasamaan ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang malaki ang galit nito kay Danica, siguro ay hindi nito inaasahan na papasa si Danica at makapapasok sa Special Force.

"You really passed huh?" masungit na tanong ng kapatid ni Danica. Tumingin ako kay Danica ngunit parang wala lang naman sa kaniya ang pagsusungit sa kaniyang kapatid. Siguro ay nasanay na ito sa ugali ng kapatid.

"She passed because she deserved it," maangas na sabi ni Warner. May something talaga sa dalawang 'to.

"And who are you?" nang-iinsultong tanong ng kapatid ni Danica kay Warner. Hindi kami makikialam nina Gavin hangga't hindi umaabot sa pisikalan. Mukha kasing magkakainitan pa sila rito sa harapan naming lahat.

"I am Warner Godrey and I am Danica's friend," matigas ang boses na sagot ni Warner.

"Another weak one who entered the Special Force with his money? Hindi na iyon nakapagtataka. After all, you're the son of the richest businessman here in West Land." Gano'n pala kayaman itong si Godrey? Bakit hindi ko man lang alam?

"You need evidence to prove your accusation, Private First Class Estrella," nakangising sabi ni Warner na ikinainis ng kapatid ni Danica. Hinawakan nito si Warner sa kwelyo at itinaas. Ang pikon naman ng lalaking ito.

"Don't look at me like that, Godrey!" pikon na sabi ng kapatid ni Danica.

"What's their names?" pabulong na tanong ko kay Gavin.

"The one who's holding Warner's collar is Hanzo, the other one is Veznov," pabulong ding sagot nito.

Their names are unique but Hanzo's attitude is a trash. If he'll land a punch on Warner, I won't just sit here and watch.

"That's enough, Hanzo," mababa ang boses na sabi ni Danica.

Hindi nakinig si Hanzo at mas itinaas pa ang kamay nitong hawak ang kwelyo ni Warner. Si Warner naman ay nakangisi pa rin kay Hanzo na mas ikinairita nito. "I said enough, Hanzo!" inis na sabi ni Danica at pilit na tinanggal ang kamay ni Hanzo na nakahawak pa rin sa kwelyo ni Warner.

Habang pilit na inaalis ni Danica ang kamay ng kapatid, itinulak siya nito kaya napatayo kami nina Gavin. Tinulungan naming makatayo si Danica at hinarap si Hanzo.

"You dared to push her?" nagpipigil ng galit na tanong ni Drey.

"She's my sister, I can do whatever I want to her," matigas na sabi ni Hanzo.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at hinawakan ang kamay ni Hanzo na nakahawak pa rin sa kwelyo ni Warner. Gamit ang aking kaalaman sa hand to hand combat ay nagawa kong maalis si Warner sa pagkakahawak niya. "You better stop, Private First Class Estrella."

Imbis na tumigil si Hanzo ay umakma siyang susuntukin ako ngunit agad namang napigilan ni Gavin ang kamay nito. "You're trying to hit a woman, Hanzo," mahinahong sabi ni Gavin.

"Hanzo! Tama na 'yan," tawag ng kapatid nitong si Veznov. Umangal na rin ang iba pang sundalo sa ginagawa ni Hanzo at pinapatigil na ito ngunit wala itong pinapakinggan at sinubukan pang umatake kay Gavin.

Nakaiwas naman kaagad si Gavin at susuntok din sana ito pabalik ngunit pinigilan siya ni Warner. Si Warner ang umatake kay Hanzo at ngayon ay nagpapalitan na sila ng suntok. Mabilis ang galaw nilang dalawa ngunit makikita sa laban nila na mas maraming suntok ang tumama kay Hanzo kaysa kay Warner.

Ang huling ginawa ni Warner bago matapos ang kanilang suntukan ay pinilipit niya ang kamay ni Hanzo. Agad namang dumaing ang huli at sumigaw pa. Lumapit na rin si Veznov at sinubukang tulungan ang kapatid para makawala. "That's enough, Warner," sabi ni Danica.

Sumunod naman si Warner at binitiwan si Hanzo. "Now, who's the one who pulled some strings just to enter the Special Force?" nang-aasar na tanong ni Warner.

"New recruits! The Commander is asking you to report in his office, now," tawag sa amin ng isang kabaro din namin. Ano kayang meron at napatawag kami?

Sinunod namin ang sinabi nito at pumunta sa opisina ni Commander Estrella. Pagpasok namin ay agad kaming nag-salute at sabay na nagsalita. "Reporting for juty, ready to take a mission, Sir."

"Carry on." Tuwid kaming lima na tumayo sa harapan ng Commander at naghintay sa kaniyang sunod na sasabihin.

Ano ba ang meron? May mission na ba kami agad-agad? Kinakabahan pa rin ako sa tuwing naiisip na mayroon akong misyon dahil alam kong nakasalalay sa misyon ko ang buhay ng ibang tao.

"You have a mission. The five of you will be teamed up with a soldier in the higher rank. We received a tip that there is a drug den here in West Land. Your mission is to raid and capture all the drug lords, drug pushers, dealers and users in that place. Be ready, you'll leave after 10 minutes."

"Yes, Sir!" Nag-salute kami sa Commander at wala nang tanong-tanong pang umalis sa opisina nito. Agad kaming nagpalit sa aming mga bagong uniporme. Matapos naming magbihis ay tumakbo na kami palabas ng kampo at sumakay sa naghihintay sa 'ming sasakyan.

"I am Sergeant Lowell and I'll be your team captain in the Special Force."

"Private Cornelius, Sir!"

"Private Menken, Sir!"

"Private Cunningham, Sir!"

"Private Godrey, Sir!"

"Private Estrella, Sir!"

Matapos naming sabihin ang aming mga pangalan ay sabay-sabay ulit kaming nag-salute sa nakatataas sa amin. Nag-salute din sa amin pabalik si Sergeant Lowell.

"This is your first mission in the Special Force. Don't disappoint me, Privates. Ready for the operation, we will arrive in 5 minutes."

-
Dust:

So binasa ko po ang previous chapters at nakita kong ang dami ng mga errors ko. I hope you'll understand po, aayusin ko nalang po siya once natapos ko na ang story.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon